Kahit kilala siya bilang isang sikat na social media influencer at dating FHM magazine cover girl, isa ring businesswoman si China Roces.
“Nag-start po talaga ako bilang artist before pa, 2012.
"As a model, Tanduay calendar girl, FHM model,” ang umpisang kuwento ni China na dalawang beses naging FHM cover girl.
Ikinuwento rin niya kung saan nanggaling ang screen name niyang China Roces.
Patuloy niya, “Kasi nag-start iyan sa isang girl group na street beauties.
"E, hindi natuloy yung grupo kasi nagkaroon ng problema sa production. Ako yung parang ano, ako yung nag-pursue ng career."
Marami raw ibang screen names na pinagpilian nung una.
“Merong Julia Vargas, Maita Morayta…
“May teleserye ako na Be Careful With My Heart, isang part doon na kaibigan ako ni Maya doon,” pagmamalaki pa niya.
Si Jodi Sta. Maria ang gumanap na bidang si Maya sa BCWMH na ipinalabas Sa ABS-CBN noong 2012.
CHINA's EARLIER TV and movie PROJECTS
Nakalabas rin si China, na Geraldine Catalan ang tunay na pangalan, sa Temptation of Wife ni Marian Rivera noon ding 2012.
“Ako dun yung sekretarya nilang tsismosa,” at natawa si China. “And then sa Wow Mali! Sa TV5.”
Biro namin kay China, naikot niya ang lahat ng major TV networks sa Pilipinas.
“Opo,” at muling tumawa si China.
“And yun pong sa GMA, yung The Medyo Late Night Show with Jojo A, iyon po talaga yung pinaka-best exposure ko sa TV. Ako yung parang secretary ni Jojo, yung lumalabas sa ilalim ng mesa.”
Taong 2014 ito umere.
Marami rin daw nagawa si China na indie films at isa na rito ang Sigaw Sa Hatinggabi na isang horror film na ang direktor ay si Romy Suzara.
“Naaalala niyo yung labanan ng mga pelikula na puro horror, parang film festival kasama yung T’yanak.”
Ang tinutukoy ni China ay ang 2014 Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival kung saan kasali ang T’yanak na pinagbidahan nina Judy Ann Santos, Tom Rodriguez at Solenn Heussaff.
Nasa cast rin si China ng Ang Misyon: The Marawi Siege Story (2018) at Silab (2021) ni Joel Lamangan.
Susunod siyang mapapanood sa pelikula ni Zig Dulay na The Revelation at sa The Spider Man ni Direk Ruben Soriquez.
CHINA'S ENTREPRENEURIAL JOURNEY
Si China ang businesswoman sa likod ng Glamoroces na isang brand ng kape na maraming benepisyo.
“Ang Glamoroces coffee ay isang slimming coffee na with collagen and gluthatione. So ang purpose ko dito, para sa mga gustong gumanda, sumeksi na hindi nai-stress.
“So if you wanna be glamorous, di ba,” sinabi pa ni China na siya ring endorser ng kanyang produktong slimming coffee.
Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si China nitong nakaraang October 15 sa OMG Comedy Bar sa Mindanao Avenue sa Quezon City.
May tatlong anak si China (edad 15, 12 at 3 years old) sa kanyang past relationships.
Kaya kahit may alok na magpaseksi ay ayaw ni China.
“Ayaw ng mga anak ko, kaya ayoko rin.”
WEDDING BELLS FOR CHINA AND DAVID
Sa ngayon ay may karelasyon si China, si David Santos, na nag-propose sa kanya nitong September. Ang civil wedding nila ay ngayong Disyembre 2022 at ang church wedding ay sa December 2023.

Tinanong namin si China kung ano ang naramdaman niya noong nawala ang FHM magazine.
“Nalungkot ako nang konti, pero ang inano ko naman sa sarili ko, mas may chance akong i-try ang iba pang career, hindi lang sa pagpapaseksi.
"So nakapag-try ako sa hosting, nag-DJ rin ako sa radyo, yung Brigada Radyo with Ka Freddie Aguilar and nagpelikula and guesting-guesting.”
CHINA ALSO MAKES WAVES AS VLOGGER
Isa ring vlogger si China at may halos tatlong milyong followers at subscribers siya sa Facebook, YouTube at Instagram.
“Travel, lifestyle, business, may cooking din, anything basta nangyayari sa totoong buhay ko sa araw-araw,” ang laman raw ng vlogs niya.
Nakapagtapos rin si China ng kursong Business Management sa STI sa Parañaque City.
Bukod sa kanyang Glamoroces Coffee ay negosyo rin niya ang China Roces Luxury Boutique, ang Luxury Gold by China Roces na isang gold business, Jhanelle Hair Extension and Spa (na isang franchise), at ang Gab Pigmentation sa mga gustong magpa-kilay na ang branch ay sa Las Piñas.
Kung isasadula sa pelikula o telebisyon ang buhay ni China, ang mga nais niyang maging leading men ay sina Piolo Pascual, Derek Ramsay, Jericho Rosales, Sam Milby, at John Lloyd Cruz.
