PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daniel Matsunaga, ayaw nang makatrabaho ulit ang ex-GF na si Erich Gonzales

by PEP Troika
Published Apr 29, 2018

GORGY RULA: Sobrang pagpapahalaga ang ibinibigay ni Daniel Matsunaga sa relasyon niya sa kanyang Polish girlfriend na si Karolina Pisarek.


Ito ang dahilan kaya ayaw na niyang magsalita tungkol sa isyu pa rin nila ni Erich Gonzales, bilang respeto na lang daw sa current girlfriend niya at baka mayroon din si Erich.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sinundan pa rin namin ng tanong na kung talagang pareho na silang nakapag-move on, open kaya siya sa posibilidad na magsama sila ni Erich sa isang project?

“I would say I don’t. I prefer this way. I guess, we already worked together.

“I am professional ang everything… to avoid na lang and to respect my present relationship,” medyo alanganin pang sagot ni Daniel sa PEP Troika.

Masaya raw siya sa relasyon niya ngayon at paulit-ulit niyang sinsabing past is past.

Walong buwan na ang kanilang relasyon, at kung siya ang tatanungin, si Karolina na sana ang huli niyang relasyon at pang-forever na ito.

Kung sakaling matuloy na nga ito sa kasalan, mas gusto raw ni Daniel na dito sa Pilipinas sila manirahan, dahil "home" na rin talaga ang turing niya sa ating bansa.

“Here naman siyempre. I have everything here…my business, my career.

“It will be much easier here, because career is good, work is good.

“We want to be together probably here in the Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"She might want to work here,” pahayag ng Brapanese model-actor nang nakatsikahan namin kagabi, April 28, sa Party of the Millennials event sa Iriga City na pinangunahan ni Congressman Nonoy Andaya.

Kung type nga raw ni Karolina na pasukin ang showbiz dito sa atin, hindi raw niya pipigilan.

JERRY OLEA: Huwag po! Huwag po!

Huwag po munang pagsamahin sina Daniel at Erich!

Hayaan na munang ganap na paghilumin ng panahon ang kirot na idinulot ng kanilang paghihiwalay.

Sa tamang panahon, maaaring pagtawanan o balewalain nila ang masaklap na pagtatapos ng kanilang relasyon.

Pero hindi pa iyon ngayon, bukas o samakalawa.

Siguro, kung kapwa pamilyado na sila... malay mo, magbiro ang tadhana!

NOEL FERRER: At least grounded si Daniel para sabihin na nagawa na silang pagtambalin ng dating kasintahang si Erich, at sana iba na ang mga gagawin niyang projects.

Charming at camera friendly naman si Daniel kaya marami siyang trabaho dito for now.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero kung gusto niyang mag-settle down dito talaga sa Pilipinas, he has to learn the language really well at magpakahusay pa talagang aktor.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results