NOEL FERRER: Balik-MVP Company ang iginagalang na TV5 broadcast journalist na si Jove Francisco after niyang maging executive producer ng The World Tonight ng ANC.
Nauna nang naipabalitang may offer siya sa CNN Philippines, pero mas nanaig sa kanya ang timbang ng trabaho at tiwala ng gagawing One News Channel, kung saan magsasanib-puwersa ang Cignal, News5, Phil Star, Probe, Bloomberg, Radyo5, Businessworld, at BloombergTV.
Makakasama ni Jove na magsisilbing One News Channel bilang executive producer at on-air correspondent ang magbabalik-TV na sina Cito Beltran at Miss Cheche Lazaro.
Kasama rin sa binubuong grupo sina Atty. Mike Toledo, Ed Lingao, Roby Alampay, and Philstar’s Amy Pamintuan and Ichu Villanueva.
Sa May 28 ang One News Channel launch.
Nakita mo si Jove nang nasa panahon siya ng pagdedesisyon, Tito Gorgy.
Nang tanungin ko ang dahilan kung bakit niya pinili ang One News Channel over CNN Philippines, ang sabi niya, “They had a more thorough understanding of what I can do and how I can help the organization.”
Matimbang din kay Jove ang pagkakataong maka-create ng programs at yung gumawa at maghabol ng political stories regularly na siyang forte niya.
Speaking of politika, ano na ang ganap sa mga nasa news na may planong tumakbo sa darating na eleksyon?
GORGY RULA: Ang unang napabalita ay magsi-CNN na raw si Jove. Tingin ko, mas bagay siya run.
Pero okay na rin kung balik-MVP group siya dahil mas kumportable naman siya run.
Sana tapos na ang mga conflict noong kinasangkutan ni Ed Lingao.
Ang susunod sana nating mabalitaan ay kung saan na si Mark Zambrano.
Pagdating naman sa mga taga-News na papasukin ang pulitika, sana matulad din sila kay Kabayan Noli de Castro at Ted Failon na nakabalik pa rin sa broadcasting pagkatapos nila sa public service.
Ang dating kasi sa akin ng mga newscaster na naging pulitiko ay tila nawawalan ng kredibilidad.
Mabuti nga at nakabalik pa sina Noli Boy at Ted.
JERRY OLEA: Ewan kung pumasok na sa kamalayan nina Mang Kanor at Aling Charing ang katotohanang hindi na nag-report si Jiggy Manicad last week sa 24 Oras Weekend.
Balitang may plano itong tumakbo for senator sa darating na eleksyon.
Ikinundidera si Atom Araullo na pumalit kay Jiggy.
Tinanggihan daw ni Atom!
Tuloy, may rigodon ng auditions nina Jun Veneracion, Ivan Mayrina, at Raffy Tima sa mga susunod na linggo.
Ano sa palagay ninyo?
Kaugnay kay Jove Francisco at sa One News Channel... good luck!
Sana’y tumatak kayo sa diwa ng mga botanteng Pilipino!
