GORGY RULA: Kasabay ng kasalang Billy Crawford at Coleen Garcia bukas, April 20, magpapakasal din pala ang Mixed Martial Arts fighter na si Brandon Vera sa American girlfriend nitong si Jessica Craven.
Isang taon na ang nakararaan, napabalita noong nag-propose si Brandon kay Jessica sa Guam, at napagkasunduan nilang doon na rin sila magpapakasal.
Sumunod dito sa Pilipinas si Jessica para makasama si Brandon habang ginagawa ng huli ang pelikulang Buy Bust, kasama si Anne Curtis at idinirek ni Erik Matti.
Ipinost ni Brandon ngayong araw sa kanyang Instagram account ang na-feature ng One Championship tungkol sa "big day" nito bukas.
Nakatakda namang tumulak patungong Guam ang manager ni Brandon na si Dondon Monteverde dahil isa siya sa tatayong ninong.
Ang pagkakaalam namin, isa rin sa mga ninong si Direk Erik, pero hindi lang namin alam kung makakadalo ito.
NOEL FERRER: Congratulations at Best Wishes sa mga ikakasal bukas na sina Billy at Coleen at Brandon at Jessica!
Nauna pa ang pagpapakasal ni Brandon kaysa sa pagpapalabas ng kanyang pelikulang Buy Bust. Pero may tamang panahon at timing para sa lahat.
Ang tanong, saang wedding a-attend si Bernard Cloma na siya raw kumukumpleto ng kahit na anong social gathering? Abangan!
JERRY OLEA: Pebrero 5, 2006 nagpakasal ang MMA (mixed martial artist) fighters na sina Brandon at Kerry Vera.
Setyembre 2014, nag-file si Kerry ng diborsiyo kay Brandon.
Abril 2017, inihayag nina Brandon at Jessica Craven ang kanilang engagement.
Dedma ang Mega-PR na si Bernard Cloma sa pag-iisang-dibdib ng BrenJas.
Post ni Bernard sa socmed ngayong Abril 19, Huwebes, kasabay niya pa-Balesin sina Vhong Navarro at Ronald Singson para sa BiCol (Billy-Coleen) wedding.
Ang hashtag ng kasalang BiCol ay #ColeenGotTheBill.
Best wishes sa mga ikakasal!
