PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Abril, idineklarang Buwan ng Kalutong Pilipino; dalawang food festivals naligwak

by PEP Troika
Published Apr 18, 2018

JERRY OLEA: Nanlumo ang Pinoy chefs sa pagkaligwak ng dalawang major events kaugnay sa pagluluto ngayong taon—ang World Street Food Festival at Madrid Fusion.

Sa halip, ihahain ng Department of Tourism ang Buhay Carinderia kung saan content creator si Erwan Heussaff.


May kapalit naman pala ang nakakalungkot na ganap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinalita ni Chef Jam Melchor nitong Abril 17, Martes ng hapon, na matapos ang dalawang taon na pagla-lobby nila, pinirmahan na ni President Rodrigo Duterte ang petisyong ideklara ang Abril bilang Filipino Food Month o Buwan ng Kalutong Pilipino.


Pangungunahan ng Department of Agriculture at National Commission for Culture and the Arts ang pagdiriwang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Excited na si Chef Jam na paghandaan ang Philippine Food Festival 2019.

Ani Chef Jam, “Month-long ang nakasaad sa EO kaya dapat i-maximize yung month. Regional celebration ito at lahat, kasali dapat.

“Represented dapat lahat ng regions, lalo na ang Mindanao cuisine.

“Maraming cuisine ang Pinoy na hindi pa alam ng marami. Halimbawa, yung Maranao cuisine.

“Bilang pampalasa, may sangkap silang palapa—caramelized shallots yung sibuyas, ginger, at pepper.

“Ang sangkap na tabon-tabon, pampaasim sa kinilaw ng mga taga-Mindanao.

“Ang etag, smoked ham ng mga katutubo sa Sagada.

“Dapat ma-preserve ang Filipino foods!”

Mabuhay ang pagkaing Pinoy!

NOEL FERRER: Umasa na lang tayo na sana hindi lang ito expo na nagtatanghal ng pagkain at lutong Pinoy kundi pagtuklas pa rin ng ating potential to grow the market and be at par with the other world-class cuisines.

Aminin natin, ang pagkaing Thai at Vietnamese ay kilala na sa lahat ng dako ng mundo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Yung sa atin, magagaling ang ating mga cooks and chefs na Pinoy, pero kailangan pang i-refine ang taste at gandahan ang presentasyon para mas maging kaaya-aya sa ibang lahi.

Kaya natin 'yan kapag may mas malaki tayong vision para sa kultura at pagkaing Pinoy.

GORGY RULA: At least may nakaplano na pala sa susunod na taon.

Tamang-tama, kainitan 'yan ng pangangampanya sa nalalapit an eleksyon.

Huwag lang sana magamit ito ng mga pulitikong tatakbo sa mga lalawigang kasali sa naturang foodfest.

Pero may Buhay Carinderia pa na pinangangasiwaan ng Department of Tourism.

Sa DAR at NCCA itong Filipino Food Month, at sa DOT nga ang Buhay Carinderia.

Sana hindi magkakaroon ng conflict, magkahalu-halo na parang chopsuey lang!

Read Next
Read More Stories About
erwan heussaff
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results