GORGY RULA
Totoo kayang muling ipinasok sa rehabilitation center ang isang magaling na aktor?
Hindi na bago ang ganitong kuwento kay aktor, pero heto at naulit na naman.
Hindi lang idinetalye ng aming source ang pagpapa-rehab kay Aktor dahil sobrang itinago na raw.
Hindi raw malapit sa Metro Manila siya ipinasok kundi malayo para mas matutukan.
Tinanong ng PEP Troika ang source kung ano ang dahilan ng rehab.
Dahil ba sa alcoholism, drugs o iba pang bisyo nito?
“Lahat-lahat!” mabilis na sagot ng aming source.
NOTHING HAS CHANGED
Hindi naman daw kasi talaga nagbago ang aktor.
Nakakarinig pa kami ng di magandang karanasan sa naturang aktor, dahil sa bisyo nito.
Hindi magandang pakinggan ang naikukuwento sa amin ng ilang katrabaho at kaibigan.
Ang ibang nagbigay ng magandang proyekto at break sa kanya ay may tampo na, pero ayaw na lang nilang pag-usapan pa.
Nakakapangnhinayang dahil magaling naman si Aktor.
Pero hindi lang talento ang kailangan. Mahalaga pa rin ang mabuting asal at tunay na pakikitungo sa kapwa.
May magagawa pa ba ang rehab kung ikaw mismo ay hindi pa rin handang magbago?
Read: Mag-ex na popular actor at controversial actress, may "kisscandal"?
JERRY OLEA
How sad.
Hindi matatawaran ang husay ng aktor na ito, na kung babanu-bano ang kaeksena ay nilalamon niya nang buo.
Inaasam natin na malagpasan ni Aktor ang pagsubok na ito sa kanyang buhay.
NOEL FERRER
Siyanawa.
Sana, mapagtanto ng aktor na he’s been given a lot of chances para magbago at maipakita ang kanyang galing.
Sana, sana mailagay pa niya sa ayos ang sarili niya.
Read: Patrick Garcia speaks about split with Jennylyn Mercado 18 years later
