Trigger Warning: Mention of alleged video scandal, acts of lasciviousness.
NOEL FERRER
Lubhang nakakaeskandalo ang intimate video ng isang twentysomething young actor.
Ayon sa source ng PEP Troika, 16 or 17 years old pa lang ang young actor nang ma-video na may lascivious acts sa isang binatilyong 12-anyos.
Tinatawag pa naman ng binatilyo ang young actor bilang uya.
Ang nag-video raw ay isang fortysomething na indie movie director.
“Pedophile ang indie director na iyan,” pahayag ng source ng PEP Troika.
“Meron din siyang videos habang hinahalay niya ang mga menor de edad na lalaki na pinangakuan niyang gagawing artista.”
GORGY RULA
Magkakalahating taon na mula nang pumutok ang scandal videos ng "The Big Four" na sina Gil Cuerva, Arron Villaflor, Nikko Natividad, at Ron Angeles.
Kapagkuwan ay kumalat din ang mga eskandalosong video nina Nico Locco, Andre Cue, at Jayden Fernandez.
Tatlong babaeng maraming tattoo ang nakaniig ng mga nasabing celebrity.
Wala sinuman sa mga lalaki ang dumulog para magpatulong sa Film Academy of the Philippines (FAP).
Yung karanasan doon ni Nico ay inspirasyon ng VMX movie niyang Scandal Queen, na nag-streaming noong Hunyo 5, 2026.
Co-stars dito ni Nico sina Karen Lopez, Rhian Rivera, Dimple Rubia, at Ardy Raymundo, sa direksyon ni Topel Lee.
Nitong Agosto 18, Martes, ay nag-streaming sa VMX ang volume 1 ng VMX Tapes na kunwari’y collection ng video scandals.
Host nito si Shannon Sizon, sa direksyon ni Ray Gibraltar.
Of course, pawang adults ang tampok sa mga pauga at payugyog ng VMX, maging doon sa series of scandal videos na pinasimulan ng The Big Four.
Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat
RON ANGELES
Noong Agosto 12 ay nag-post sa Facebook si Ron kaugnay sa kanyang kaarawan.
Ani Ron: “Today, I celebrate not just another year of my life, but the people who stayed, believed in me, and stood by my side through the hardest times.
“This past year tested me in ways I never imagined. I’ve been through pain, disappointments, and moments that almost broke me. But here I am still standing, still fighting, and still choosing to be grateful.
“To my family, loved ones, friends, fans, and everyone who stayed when things got difficult thank you. Thank you for believing in me, loving me, and reminding me that I am never alone. You mean more to me than words can ever say.
“I’m leaving the past where it belongs and stepping into this new chapter with a grateful heart, stronger faith, and hope for better days.
“I survived the hard days. Now, I’m ready for the good ones.
“Ron Angeles is still here. Still existing. Still standing. And no one can put us down.”
ARRON VILLAFLOR
Tuluy-tuloy si Arron Villaflor sa paglilingkod sa kanyang constituents sa Tarlac.
Facebook post ni Arron recently: “Kahit malakas ang ulan, naging makabuluhan at produktibo ang aming committee hearing ngayong araw.
“Sa kabila ng maulang panahon, nanatili ang aming determinasyon na gampanan ang tungkulin at tapusin ang mga usaping nakapaloob sa iba’t ibang agenda ng bawat committee.
“Naniniwala tayo na ang bawat isyung dapat pag-usapan ay nararapat harapin nang may malasakit, pag-iingat, at buong pananagutan.
“Isang paalala rin po sa ating lahat na maging maingat at unahin ang kaligtasan, lalo na’t patuloy ang malakas na buhos ng ulan.”
Kasunod na FB post ni Arron kaugnay sa AICS Students Payout: “Panibagong araw, panibagong pagkakataon upang makapaghatid ng tulong sa ating mga estudyante sa buong 2nd District ng Tarlac.
“Sa patuloy na pagharap sa mga gastusin sa pag-aaral, sisikapin nating maging katuwang ninyo sa bawat hakbang tungo sa inyong mga pangarap.”
Related Stories:
- Gil Cuerva breaks silence amid leaked video scandal
- Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."
- Arron Villaflor finally addresses alleged video scandal
- Nico Locco on leaked video scandal: "Yes. It’s me."
- Andre Cue, umamin sa kinasasangkutang video scandal
- Ron Angeles spills details about viral video scandal
- Arron Villaflor, kapansin-pansin ang kumpiyansa sa sarili ngayon
JERRY OLEA
Magtatatlong taon na nang ipagtapat sa amin ni Direk Laurice Guillen ang nakakawindang na papel niya sa HBO limited series na Call My Manager.
Nabanggit namin iyon noong pang Setyembre 2023 dito sa PEP Troika.
Sa Episode 2 ng Call My Manager ay sumulpot na si Direk Laurice.
Sa ending ng episode ay nagulantang ang mga taga-SAM (Shine Artist Management), lalo na ang tatlong manager (Judy Ann Santos, Edu Manzano, RK Bagatsing) dahil sa kumakalat na video ng kanilang talent habang pinapaligaya ang sarili gamit ang vibrator.
Oh, yes! Ang pinagpipitaganan nating si Direk Laurice, may scandalicious video sa nasabing palabas.
Ang peg ng fictionalized character ni Laurice ay dalawang conservative na veteran actress, na parehong gumanap na Virgin Mary sa Passion plays.
Ayon sa CMM insider, “Originally, isang young star ang magkaka-sex scandal sa story. Pero mas scandalous siyempre kung senior actress na mala-birhen ang magkaka-video scandal.
“Mas mahirap iyong i-damage control!”
Ang nasabing episode ay mag-i-streaming sa HBO sa darating na Huwebes, Agosto 27.

Read: Laurice Guillen recalls reprimanding newbie for arriving on the set in pajama with pillow
LAURICE GUILLEN IN THE OPENING AND CLOSING FILMS OF 6TH PHILIPPINE FILM INDUSTRY MONTH
Ang husay ni Direk Laurice bilang aktres ay matutunghayan din natin sa opening film at closing film ng 6th Philippine Film Industry Month (PFIM) next month.
Ang opening film ay ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974) ni National Artist Lino Brocka. Dito first time na nakipag-kissing scene si Christopher de Leon sa screen.

Si Direk Laurice ang kahalikan niya. Ang closing film ay ang Sister Stella L (1984) ni Mike de Leon.
Tukayo rito ang characters nina Vilma Santos at Laurice na parehong madre.

“I’m really looking forward to watching that film. Antagal-tagal na nun,” sabi ni Direk Laurice nang makatsikahan namin sandali sa opening ceremony ng Cinemalaya 2026 noong Agosto 6 sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City.
“And I’m glad that it’s a restored version kaya good as new, and probably even better. So it’s always nostalgic to think about it.
“At that time, good na good kami ni Mike. Kasi kami ni Mike, ang relationship namin, good na good but…
“Good na good but,” at natawa si Direk Laurice bago idinugtong, “kami, matindi. Ang friendship namin, mula Ateneo pa!”
Read: Cinemalaya 2027 pushes through as FAP, FDCP step in for funding
