GORGY RULA
Mula nang magsimulang umere sa primetime ang Coco Martin's Sigabo noong Hunyo 22, 2026, hindi pa nito natatalo sa TV ratings ang katapat na The Master Cutter ni Dingdong Dantes.
Pero masaya pa rin ang mga bumubuo ng Sigabo dahil malakas ito online, at nakikita nilang doon daw talaga nanonood ang supporters ni Coco.
Bahagi ng cast ng Sigabo ang actor-TV host na si Jhong Hilario.
Aniya, masaya sila, lalo na si Coco, sa kinalabasan ng kanilang programa.
“Actually, nakita naman namin yung mga viewers namin, online. So, sobrang happy si Coco dun,” sabi ni Jhong nang mainterbyu ng PEP Troika sa Xtraordinary Kryzl: Born To Shine 10th Birthday Concert noong Hulyo 18, 2026, Sabado, sa Samsung Hall ng SM Aura, BGC, Taguig City.
Dagdag niya: “Sobrang happy kasi nabe-break niya yung record niya dati sa Batang Quiapo. Ang daming nanonood online.
“E, parang at least kahit papano nakikita niya… nakikita ng lahat na nagtatrabaho sa Sigabo na marami pa rin tumatangkilik, at hindi pa rin nawawala ang magic ng isang Coco Martin.”
Read: 1st FAMAS Broadcast Arts Awards: Highlights and sidelights
JULY 17, 2026 PRIMETIME RATINGS
Noong Biyernes, July 17, ay naka-10.6% ang The Master Cutter, at ang Sigabo naman ay 7.8%.

Narito pa ang ratings ng ibang programa sa primetime nung araw na yun:
Ang 24 Oras ay 10%, ang Frontline Pilipinas ay 1.2%, at ang TV Patrol ay 3.1%.
Pagkatapos ng The Master Cutter at Coco Martin’s Sigabo, ang Taskforce: Firewall ay 10.1%, ang Blood vs. Duty ay 4%, at ang A Secret In Prague ay 0.8%.
Ang taas pa rin ng replay na First Yaya na naka-4.7%, ang The Alibi ay 3.2%, at ang My Bespren Emman ay 0.4%.
Read: Bea Alonzo "at my happiest" after marrying Vincent Co
JERRY OLEA
Nagsalita rin si Jhong Hilario sa ilang isyu ng It’s Showtime kung saan sinagot at inamin ni Vice Ganda ang pagkakamali nila sa ilang segment ng naturang noontime show.
Sabi ni Jhong, “Which is good problem yun. Kasi talagang ina-accept naman namin yung mga pagkakamali, e, di ba?
"Yung mga flaws, kasi dun ka matututo, dun mo mapapaganda.
“Kung may mali, accept mo. Do it better. So, di ba? Dun naggo-grow yung Showtime.”
Read: Vice Ganda admits It's Showtime lapses after organ system debate
JULY 17, 2026 DAYTIME RATINGS
Noong Biyernes, July 17, ay medyo tumaas ang It’s Showtime. Naka-5% ito .
Ang katapat nitong Eat Bulaga! ay 2.5%.
Sumunod ang Born To Shine na 4.7%, ang Can’t Buy Me Love ay 0.6%, at ang Frontline Express ay 1.2%.
Ang Kamao naman ay 4.3%, at ang High Street ay 0.3%.
Ang You’re My Favorite Song ay 3.3%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.3%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 2.8%.
Ang Lovers of the Red Sky ay 1.8%, ang TV Patrol Express 0.7%, at ang Una Sa Lahat ay 0.8%.
Ang Family Feud ay 4.9%, at ang Minute To Win It ay 1%.
NOEL FERRER
JULY 18, 2027 RATINGS
Noong Sabado, July 18, ay tumaas pa ang It’s Showtime na naka-5.3%, at ang Eat Bulaga! ay 2.8%.
Sumunod ang Born To Shine na 4.7%, ang Tubig Too Handle ay 0.5%, at ang Frontline Express ay 1.7%.
Ang Tadhana ay 4.8%, at ang rewind ng My Bespren Emman ay 0.2%.
Ang Wish Ko Lang! ay 4.1%, ang Farm To Table ay 3.3%, at ang SOCO ay 0.6%.
Sa primetime naman ang 24 Oras Weekend ay 4.9%, ang Frontline Weekend ay 0.3%, at ang TV Patrol Weekend ay 1.1%.
Ang The People Have Spoken ay 4.9%, ang Tao Po ay 2.1%.
Ang Pepito Manaloto ay 7.3%, at ang Deal Or No Deal ay 3.5%.
Ang Magpakailanman ay 6.9%, at ang Everybody Sing ay 2.8%.
Sumunod ang Planet XP na 3.9%, at ang Maalaala Mo Kaya ay 1.4%.
Ang i-Witness ay 2.7%. Ang Reporter’s Notebook ay 1.5%.
Read: Dingdong Dantes, Coco Martin unite for AKTOR despite competing TV shows
