PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

9th EDDYs Highlights and Sidelights

What happened offstage at the 9th EDDYs?
by PEP Troika
Published 3 hours ago
9th eddys winners
9TH EDDYS WINNERS: (from left) Jericho Rosales, Best Actor for Quezon; Maris Racal, Best Actress for Sunshine; Will Ashley, Best Supporting Actor for Bar Boys: After School; Rico Blanco, Best Supporting Actor for Manila's Finest; and Rochelle Pangilinan, Best Supporting Actress for Child No. 82: Anak ni Boy Kana/
PHOTO/S: Lee Santiago / Black Ant Lensman

JERRY OLEA

Big winner ang historical film na Quezon sa 9th EDDYs (Entertainment Editors Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) nitong Linggo, Hulyo 5, 2026, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom ng Newport World Resorts, Pasay City.

Sa lineup ng presenters ay ang best actor winner ang aatasang presenter sa kategoryang Best Picture.

E, si Jericho Rosales ang best actor winner para sa Quezon.

Nang mabasa ni Echo na ang pelikula niyang Quezon ang Best Picture, napatalon siya sa tuwa.

jericho rosales eddys
Jericho Rosales jumps for joy after announcing his film, Quezon, as Best Picture at the 9th EDDYs.
Photo/s: Lee Santiago / Black Ant Lensman
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang umaakyat sa entablado ang Team Quezon, sa pangunguna ni Jerrold Tarog na nagwaging Best Director, ipinakita ni Jericho ang cue card kung saan nakasulat na Best picture ang Quezon.

Maliban sa Best Director, wagi rin si Jerrold Tarog katuwang si Rody Vera sa kategoryang Best Screenplay.

BAYANIVERSE

Pinasalamatan ni Direk Jerrold ang production crew sa pagkapanalo niya bilang Best Director.

jerrold tarog eddys
Jerrold Tarog
Photo/s: Lee Santiago / Black Ant Lensman
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Direk Jerrold, “Ahh Echo, magaling naman si Echo pero actually masayang-masaya ako, nanalo siya. Yun lang naman talaga yung gusto kong makita!”

Lubos ang pasasalamat ni Direk Jerrold sa producers ng Quezon.

Dagdag ni Direk Jerrold, “And sa lahat ng mga naging part ng buong Bayaniverse trilogy, maraming salamat sa inyong lahat.

“I’m happy na nasarado yung tatlong pelikulang yun, at makakapagpahinga ako from historical films. For once.

“Pero I’m hoping na marami pang sumunod na mga ganung klaseng pelikula para mas makilala natin yung sarili natin.”

Ang Bayaniverse ni Direk Jerrold ay binubuo ng Heneral Luna (2015), Goyo: Ang Batang Heneral (2018), at Quezon (2025).

Ang bida sa Heneral Luna na si John Arcilla ay isa sa apat na honorees bilang Movie Icons ng 9th EDDYS.

john arcilla eddys
John Arcilla
Photo/s: Lee Santiago / Black Ant Lensman
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang tatlo pang Icons na pinagpugayan ay sina Rio Locsin, Edgar Mortiz, at Janice de Belen.

edgar rio janice 9th eddys
Rio Locsin, Edgar Mortiz, and Jancie de Belen
Photo/s: Lee Santiago / Black Ant Lensman

Sayang at hindi dumalo sa 9th EDDYS si Paulo Avelino na bida sa Goyo: Ang Batang Heneral.

Ang saya sana kung sama-sama sa nasabing event si Direk Jerrold at ang tatlong bida niya sa Bayaniverse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang KimPau tandem nina Kim Chiu at Paulo Avelino ay kabilang sa Box Office Heroes para sa pelikula nilang My Love Will Make You Disappear. Ang proxy nila ay si Atty. Nico Antonio.

Kinilala ring Box Office Heroes sina Vice Ganda para sa Call Me Mother, at si Richard Gutierrez para sa Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.

vice ganda eddys
Vice Ganda
Photo/s: Lee Santiago / Black Ant Lensman
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon ng emergency si Maricel Soriano na Box Office Hero rin para sa Meet, Greet & Bye, at ang tumanggap ng award in her behalf ay ang pamangkin niyang si Meryll Soriano.

Pagbaba ni Richard sa entablado ay nagpa-picture sa kanya ang cast ng I’mPerfect.

richard gutierrez eddys
Richard Gutierrez
Photo/s: Lee Santiago / Black Ant Lensman
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang presenter para sa best actor ay si Maris Racal. Nang i-announce na si Jericho Rosales ang Best Actor, lumapit ito kay Vice Ganda, bumeso, at yumakap.

Read: Jericho Rosales, Maris Racal win top acting honors at 9th EDDYs

THE EDDYS AWARDS HAUL

Limang tropeyo ang nakamit ng Quezon — Best Picture, Best Director, Best Actor, Best Screenplay, at Best Production Design para kay Monica Sebial.

jericho rosales eddys
Jericho Rosales
Photo/s: Lee Santiago / Black Ant Lensman
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Apat ang napanalunan ng Manila’s Finest — Best Supporting Actor para kay Rico Blanco (katabla si Will Ashley ng Bar Boys: After School), Best Theme Song (“Sandalan”), Best Sound, at Best Musical Score.

Dalawa ang nakamit ng Sunshine, Best Actress para kay Maris Racal, at Best Editing.

maris racal 9th eddys
Maris Racal
Photo/s: Lee Santiago / Black Ant Lensman
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katabi namin si Sylvia Sanchez nang ihayag ang mga nominado sa Best Editing, at tama ang hula niya na Sunshine ang magwawagi sa nasabing kategorya.

Tig-iisa ng panalo ang Child No. 82: Anak ni Boy Kana (Best Supporting Actress para kay Rochelle Pangilinan), Bar Boys: After School (Best Supporting Actor para kay Will Ashley), Salvageland (Best Cinematography), at Shake, Rattle & Roll: Evil Origins (Best Visual Effects).

rochelle pangilinan eddys
Rochelle Pangilinan
Photo/s: Lee
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
will ashley rico blanco eddys
Will Ashley (left) and Rico Blanco tied for Best Supporting Actor
Photo/s: Lee Santiago / Black Ant Lensman

Kapwa nagwagi sa 9th EDDYS ang mag-ex na sina Maris Racal at Rico Blanco, pero hindi namin nakitang nagkasalubong sila ng landas.

Sa 14 categories ng 9th EDDYS, ang unang dalawang kategoryang ini-announce ang nagwagi ay best supporting actor at best supporting actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-present pa later on ng awards sina Rico at Rochelle, pero hindi nila tinapos ang awards ceremony kaya wala sila sa group photo ng winners.

Paalis na rin nga sana si Maris noong ia-announce ang panghuling kategorya na best picture. May flight pa kasi siya.

Pinigilan namin ni Jun Lalin si Maris at pinakiusapang magpalitrato with Jericho. Pumayag naman si Maris.

Take note na si Jericho ay isa sa tatlong gaganap bilang Ishmael Bernal sa pelikulang Bernal na isinulat ni National Artist Ricky Lee.

Tinanong namin si Maris kung totoong nag-request siyang mapasama sa Bernal movie, kahit anong role. Umoo si Maris.

Exciting kung magiging magkaeksena sila ni Jericho sa Bernal!

Read: Ricky Lee’s passion project: a star-studded biopic on Ishmael Bernal

GORGY RULA

Pinakamaagang dumating ang Best Supporting Actress nominee na si Odette Khan (Bar Boys: After School).

Dumating siyang naka-wheelchair at pinipilit sana niyang tumayo para maglakad sa red carpet. Pero hindi na siya pinatayo ng mga taga-SPEEd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinaderetso na siya sa cocktails at nag-enjoy naman siyang nakihalubilo sa mga ilang artistang maaga ring dumating.

Nagtsika-tsika sila ni Mowelfund President Rez Cortez, na isa sa presenters.

Last year ay si Odette din ang pinakamaagang dumating sa 8th EDDYS.

odette khan rez cortez 9th eddys
Odette Khan and Rez Cortez
Photo/s: Jerry Olea

Inaasahan na ang maagang pagdating ng mga Movie Icons Awardees na sina Edgar Mortiz, Rio Locsin, at huli nang dumating sina Janice de Belen at John Arcilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kagaya last year, maagang ipinamamahagi ito sa recipients ng naturang parangal.

OTHER SIDELIGHTS

Marami naman ang nagulat nang rumampa sa red carpet ang Star Worx artists na sina Marthena Jickain at Adam Buck.

Dalaga na raw pala at napakaganda ng anak ni Aiko Melendez. Hindi nga makapaniwala si Janice na dalagang-dalaga na si Marthena.

Bagay silang dalawa ng ipina-partner sa kanya ang ‘halfie’ na si Adam Buck.

marthena jickain adam buck eddys
Marthena Jickain and Adam Buck
Photo/s: Lee Santiago / Black Ant Lensman
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natama kasi sa Linggo ang awarding at karamihan ay may maagang calltime kinabukasan.

Hindi rin nagtagal si Dingdong Dantes, pagkatapos niyang in-introduce ang charity works ng SPEEd ay umalis na kaagad dahil kailangan daw niyang gumising nang maaga para sa taping ng The Master Cutter.

Ka-collab ng SPEEd ang AKTOR at Unilab para sa Health and Wellness program.

Gusto man mag-stay nang matagal-tagal ng Best Supporting Actress Rochelle Pangilinan, pero may flight na raw ito kinabukasan para sa Canada tour ng Sex Bomb dancers.

Wala talaga kaming nakuhang leakage ng resulta ng winners, dahil ang higpit ng auditing firm ni Mr. Juancho Robles na siyang nagbibilang ng mga boto.

Mabuti na lang at present ang karamihan sa mga winners, at kahit ang ilang nominado na hindi nanalo ay nag-stay pa hanggang sa natapos ang okasyon.

Si Mylene Dizon na nominadong Best Actress ay dumalo pa kahit may injury pa ito sa kanyang paa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkatsikahan pa sila ni Maris sa cocktails area bago ang awarding ceremony.

mylene dizon maris racal 9th eddys
Mylene Dizon (left) and Maris Racal
Photo/s: Jerry Olea

Read: Kathryn Bernardo in Feng Shui remake? Direk Chito Roño reacts

I'MPERFECT CAST

Game na game ding nakisaya sa 9th EDDYS ang mga may Down syndrome na cast ng pelikulang I’mPerfect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama sa opening number ang grupo nina Krystel Go at Earl Amaba, at hanggang sa closing ay nakipagsayawan pa sila kina Andrea Gutierrez at David Young.

ImPerfect cast during the opening number
ImPerfect cast during the opening number
Photo/s: Lee Santiago / Black Ant Lensman

Sobrang tutok pa rin talaga ang Mamang nila na si Sylvia Sanchez sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natutuwang ibinalita sa amin ni Sylvia na merong offer daw kay Krystel na magbida sa isang series para sa isang streaming app.

“Hindi kami ang producer, ha? Kinuha talaga siya, na siya ang lead,” bulalas ni Sylvia.

May gagawin din daw na docu series ang mga ImPerfect cast na may Down syndrome. Kaya tuluy-tuloy daw ang trabaho nila at may mga nakaplano pa ang Nathan Studios sa kanila.

Wala raw aspiring entry ang Nathan Studios para sa MMFF 2026.

CASH PRIZES FOR THE ACTING WINNERS

Naglaan ang Playtime na tigpi-P50,000 cash prize sa winners ng six categories — Best Picture, Best Director, Best Actress, Best Actor, Best Supporting Actress, at Best Supporting Actor.

Tabla sina Rico Blanco at Will Ashley bilang best supporting actor. Pinaghatian din ba nila ang P50,000?

Nakaligtaang i-award kay Maris onstage ang P50K.

Matapos magpalitrato with Jericho Rosales and other winners ay nagmamadali nang umalis na si Maris na may hinahabol na flight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ako naman, nasa backstage with Kuya Kim Atienza na siyang nagsilbing host kasama ng Concert Queen na si Pops Fernandez.

kim atienza pops fernandez eddys
Kim Atienza and Pops Fernandez
Photo/s: Lee Santiago / Black Ant Lensman

Kasama ng Troika, masayang sinariwa ni Kuya Kim ang kanyang masayang pagkakaibigan sa press lalo pa kay Nay Lolit Solis na pinagbabaang luksa noong Hulyo 3, Biyernes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Handa sina Kuya Kim at Pops na tumulong para mabalik ang sigla ng lokal na pelikula.

Napag-usapan namin na ang SM at Ayala ay may major discounts na ngayon sa local films.

Pagkatapos, natuwa naming pinag-usapan ni Pops ang FINALE concert ni Regine na talaga namang kasupo-suporta.

Napag-usapan din ang collab at tulungan ng networks.

At totoo ba kaya ang nasagap naming balita na joint forces daw ang dalawang business giants na magbibigay-tulong sa ABS-CBN?

Alyansa-alyansa na talaga ito kung nagkataon!

Read: Lolit Solis' handwritten letter surfaces during her babang luksa

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
9TH EDDYS WINNERS: (from left) Jericho Rosales, Best Actor for Quezon; Maris Racal, Best Actress for Sunshine; Will Ashley, Best Supporting Actor for Bar Boys: After School; Rico Blanco, Best Supporting Actor for Manila's Finest; and Rochelle Pangilinan, Best Supporting Actress for Child No. 82: Anak ni Boy Kana/
PHOTO/S: Lee Santiago / Black Ant Lensman
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results