PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lolit Solis' handwritten letter surfaces during her babang luksa

Family, friends, and colleagues remember Manay Lolit's first death anniversary.
by PEP Troika
Published 9 hours ago
lolit solis death
One year after Lolit Solis' passing, her daughter Sneezy discovered a handwritten letter that felt like her mother's final message. Part of her letter reads, “Your life is your choice, whatever you want with your life, ok lang. Di ba sabi ko, kung hindi nyo ako mahal, respeto na lang. Pero pareho, wala ka. Walang respeto, wala pang pagmamahal.”
PHOTO/S: Jerry Olea

NOEL FERRER

Babang-luksa ni Manay Lolit Solis ngayong Biyernes, Hulyo 3, 2026.

Nagkaroon ng misa sa Oriental Palace restaurant sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, na dinaluhan ng kanyang mga kamag-anak, alaga, at kaibigan.

Nagkaroon ng masaganang pananghalian, at umaatikabong tsikahan.

Read: Lolit Solis: Far from perfect, fascinating till the last

MANAY LOLIT'S HANDWRITTEN LETTER TO DAUGHTER

Matapos ang pagtitipon, ipinost ng daughter ni Manay Lolit Solis na si Sneezy Solis McDonald sa Facebook ang isang liham ng kanyang ina.

Sabi ni Sneezy patungkol kay Manay Lolit: “For the whole year, wala ka paramdam, ni hindi kita napanaginipan but on my way back for your babang luksa, I found this.

“Siguro alam mo ang nangyayari and I will take this letter as your huling payo to me, na susundin ko na, promise, dahil yung isa mong letter, di ko sinunod, ayan tuloy.

“Go be at peace, Ma. Keri ko na this.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nilalaman ng undated letter ni Manay Lolit na mukhang patungkol sa isa pa niyang anak na si Sloopy:

“I always believed na ang oras, importante, so don't waste it on people na wala kang matututuhan, walang maitutulong sa iyo, wala kang pakinabang at hindi mo naman mahal and I will not waste my time with people who don't know how to appreciate the things you do for them.

“Walang utang na loob, keeps on complaining about life. Loser. Stressful. Negative. Jobless college graduate. Getting older but refusing to grow up. No accomplishment, naka time warp.

“Tuloy ang oras, pero wala pa rin nagawa sa buhay. You are right, it's too late for both of us. When you sold the condo, you kept the money. It's all yours, sana you spent it wisely.

“Your life is your choice, whatever you want with your life, ok lang. Di ba sabi ko, kung hindi nyo ako mahal, respeto na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero pareho, wala ka. Walang respeto, wala pang pagmamahal.”

Read: Sneezy McDonald on Lolit Solis: "She is not a good mom…"

lolit solis letter

GORGY RULA

Dati ay mahigit limampu (50) ang mga alagang aso ni Manay Lolit Solis.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang makatsikahan namin siya noong Agosto 17, 2022 ay dalawampu’t tatlo (23) na lang ang mga iyon, na pawang may lahi.

Sa babang luksa ni Manay Lolit, nagtanong si Direk Chito Roño kung ano na ang nangyari sa mga alagang aso ni Manay Lolit.

Ang kasagutan ng girl Friday ni Manay Lolit na si Mel: “Bago mamatay si Manay Lolit ay dose pa ang mga aso niya. Pagkalibing niya, may nawalang dalawa.

“Tapos, may sumunod na paisa-isa. Ang naiwan ngayon, tatlo na lang.”

MANAY LOLIT'S DOGS

Paano kapag pumanaw na rin ang tatlong aso na nasa bahay ni Manay Lolit sa Fairview, Quezon City? Paaalisin na rin ang mga nagbabantay sa mga aso?

Sabi ni Sneezy Solis McDonald, “Hindi naman papaalisin, dyusko naman! Pero wala na silang suweldo. Ha! Ha! Ha!

“May iniwan talaga si Mommy na pera, na doon kinukuha ang gastos para sa mga aso. Ang namamahala noon, si Vanessa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi siya yung nandito. Siya yung pag kailangang bumili ng pagkain ng mga aso, tapos yun nga, yung suweldo ng mga nag-aalaga sa mga aso.

“So, pag na-deds na yung mga aso, siyempre wala na rin, di ba? Ha! Ha! Ha! So, yun naman, hindi naman sila papaalisin.”

Read: Lolit Solis, gustong isama ang alagang aso pag ike-cremate siya

FRIENDS AND COLLEAGUES REMEMBER MANAY LOLIT

Maliban kina Sneezy at Direk Chito, nasa babang luksa sina Lorna Tolentino, Lani Mercado, Glydel Mercado, Amy Austria, at ang mag-inang Michelle at Ysabel Ortega.

Andiyan din sina Madam Jo-Ann Maglipon, Atty. Joji Alonso, Tita Malou Choa-Fagar, Congressman PM Vargas, Pat-P Daza, Faye Lorenz, Tet de Joya, Rubby Sy ng Flawless, Avic Amarillo, Bambbi Fuentes, at marami pang iba.

lolit solis first death anniversary
Standing, from left: Allan Diones, Jerry Olea, Gorgy Rula, Jo-Ann Q. Maglipon, Lorna Tolentino, Sneezy McDonald, Malou Choa-Fagar, and Salve Asis; (seated, from left) Rep. Lani Mercado, Glydel Mercado, Atty. Joji Alonso, Direk Chito Rono, and Bambbi Funetes.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat si Sneezy sa mga dumalo sa babang luksa, at sa mga patuloy na nagmamahal at gumugunita sa kanyang ina.

Ani Sneezy, “The fact na like nami-miss nyo siya, proof na yun, di ba, kung paano siya maging friend, paano siya maging nanay nga sa inyo.

“Kaya ayun, so parang masaya naman. Kaya ngayon na at least, nakita ko kayo uli, at least hindi na masyadong sad.

“Hindi katulad nung burol. Ha! Ha! Ha! At least ngayon, babang luksa na.”

Read: Lolit Solis, hindi pinagsisisihan ang Manila Filmfest scam

JERRY OLEA

Natuwa si Sneezy Solis McDonald na makita yung mga solid sa ina niyang si Manay Lolit Solis.

Pahayag ni Sneezy: “Katulad ng sabi ni Father [pari sa misa], yung babang luksa, e, ile-let go mo na.

“So, parang at least one year din tayong nag-mourn. O ngayon, hopefully, makapunta na siya sa peaceful place, di ba?”

Matatahimik na ba talaga ang kaluluwa ni Manay Lolit? Knowing her…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa si Sneezy, “Dahil sa kaguluhan na siya rin ang may gawa, di ba? Keri ko naman yun. Alam naman din niya yun…”

Nagparamdam ba sa kanya si Manay Lolit? Napanaginipan niya?

Napabuntong-hininga si Sneezy, “Alam mo, hindi. Ito ang nakakatawa. Kasi, dapat ipo-post ko ito sa Facebook. Kasi yung isa [Sloopy], ini-stalk niya yung Facebook ko.

“Nakakatawa kasi never ko siyang napanaginipan. Never siyang nagparamdam.

“Pero… nitong magwa-one year siya, may nakita akong sulat niya. Ngayon ko lang nakita.

“Dyusko, day! Ang sabi ko, ‘Ahhh baka ito yung message niya sa akin. Ipo-post ko sa Facebook. Kesehoda!

“Kasi para malaman nila, di ba? Hintayin mo. Ha! Ha! Ha!”

sneezy mcdonald
Sneezy McDonald
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SNEEZY ON POSSIBLE RECONCILIATION WITH SISTER SLOOPY

Posible bang magkaayos sila ni sister niyang si Sloopy pagdating ng panahon? Maghihilom eventually? Nababanaag niya ang ganoong possibility?

“Alam mo, hindi. Kasi, like I said, yung sulat ni Mommy, doon mo malalaman,” saad ni Sneezy.

“Doon mo malalaman. Kasi sa letter niya na yun, may linya siya doon, e. Na malalaman mo. Na ipo-post ko.

“Dapat nga, hindi na, e. But since natanong mo ako, alam mo parang yun nga. Kasi parang hindi siya nagparamdam the whole time.

“One year, di ba? Tapos bigla kong makikita yung sulat na yun… nasa parang coupon bond lang. Tapos sinulat niya lang.

“Kasi punung-puno yung coupon bond, e. Kasi siyempre, di ba? Galit siya doon sa isa [Sloopy].

“Parang galit na letter yun, e. Tapos basta may linya siya dun na malalaman mo, na parang…

“Yun ang ano. Parang yun din ang paramdam niya na, ‘Ito ang gagawin mo.’ Like, you know, kaya basta…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang ilang oras ay pinost na nga ni Sneezy sa Facebook ang nasabing liham ni Manay Lolit.

Read: Lolit Solis reflects on biggest takeaway from 1994 MFF scam

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
One year after Lolit Solis' passing, her daughter Sneezy discovered a handwritten letter that felt like her mother's final message. Part of her letter reads, “Your life is your choice, whatever you want with your life, ok lang. Di ba sabi ko, kung hindi nyo ako mahal, respeto na lang. Pero pareho, wala ka. Walang respeto, wala pang pagmamahal.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results