PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pulitiko, bumalik sa misis matapos makipaghiwalay sa sexy actress

Pulitiko, hindi na kinaya ang demands ng sexy actress?
by PEP Troika
Published Jun 12, 2026
blind item sexy actress politician breakup
ILLUSTRATION: Chat GPT

GORGY RULA

"Kay Misis ang huling halakhak!"

Sey iyan ng isang bading na katsikahan namin na nalalaman ang ilang kaganapan sa pulitika at minsan sa showbiz din.

Pinag-uusapan kasi ng ilang taga-media na nasa grupo ng pulitika na hiwalay na si Kilalang Pulitiko at ang kalaguyo nitong sexy actress.

Nakilala si Sexy Actress sa isang TV network at nakagawa na ng pelikulang flopsina naman.

Mas nakilala si Sexy Actress nang nasangkot ang pangalan niya sa kilalang pulitiko dahil nag-ingay ang wifey ni Pulitiko.

Hindi lang namin matantiya kung kailan nagsimula ang kanilang pagsasama.

Pero hayahay ang buhay ni Sexy Actress sa piling ng sugar daddy na politician.

Hindi na napapanood si Sexy Actress sa TV show na kinabibilangan niya noon.

Kasi nga, may sarilii na siyang negosyo na inaasikaso.

Minsan ay iniimbitahan pa niya ang ilang close friends na artista na pumunta sa shop niya.

ON THE ROCKS?

Pero ang latest na nasagap ng PEP Troika, hindi na maganda ang samahan nina Sexy Actress at Pulitiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dami na raw demands ni Gurl!

Hindi na raw kinaya ni Pulitiko ang mga hinihingi ni Sexy Actress. Isa raw yun sa pinag-awayan nila.

Hindi namin alam kung ano talaga ang tunay na dahilan ng hiwalayan. Pero ang sabi ng aming source, hindi na sila nagsasama.

At ang ending, bumalik na raw si Pulitiko sa asawa niya.

Swak ba kay misis ni Pulitiko ang kasabihang “Kayhaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy?”

Read: Tessa Prieto opens up about ex-husband's "infidelity"

JERRY OLEA

Binasa sana at isinapuso ni Sexy Actress ang 28 golden rules sa aklat ni Jullie Yap-Daza na Etiquette for Mistresses. Available iyon sa Shopee.

At pinanood niya sana ang 2015 film of the same title na pinagbidahan nina Kris Aquino, Claudine Barretto, Iza Calzado, Cheena Crab, at Kim Chiu, sa direksyon ni Chito S. Roño.

Ngayong hiniwalayan na si Sexy Actress ni Kilalang Politician, nawa’y mapalago niya ang “puhunan” na natamo niya at hindi na siya kailangang humanap ng bagong sugar daddy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malapit-lapit nang mawala ang edad niya sa kalendaryo. Bumababa ang kanyang market value, ika nga.

NOEL FERRER

Tama nga ang sabi-sabi, digital na ngayon ang karma!

Read: Pregnant Alex Gonzaga embraces changes in her body

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results