JERRY OLEA
Nakalagay sa poster ng pelikulang Home Along Da Riles: Da Reunion na may special participation si Epy Quizon.
Kagaya ba iyon ng special participation niya sa Through The Years anniversary concert ni Zsa Zsa Padilla noong Mayo 17, 2025 sa Samsung Arts Performing Theater sa Ayala Malls Circuit, Makati City?
AI Dolphy na naman ang peg?
“Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Epy nang makatsikahan ng PEP Troika sa premiere night ng pelikulang Project Baby noong Hunyo 9, 2026, Martes, sa Cinema 6 ng Eastwood Cinemas, Quezon City.
“Akala ko, secret. Hindi ko alam kung sasagutin ko ang tanong mo, e. Baka magalit sa akin si Direk Dos [Boy 2 Quizon].
“Ayokong sagutin, baka magalit sa akin si Direk Dos.”

FATHER'S DAY PRESENTATION
Hunyo 17, Miyerkules, ang playdate ng Home Along Da Riles: Da Reunion. Swak sa Father’s Day sa Hunyo 21.
“I know. I hope the Filipino people go to the movie house. Let’s bring our theater moviegoers back to the movie house,” sambit ni Epy.
“And you know, Project Baby, direktor ang kapatid ko, si Eric [Quizon]. And then Home Along, direktor naman si Direk Dos, di ba?”
Nasa Home Along Da Riles: Da Reunion din sina Vandolph, Jenny Quizon, Vito Quizon…
“Actually, nostalgic siya. Very nostalgic, di ba? So, pag pinapanood ko nga yung trailer, parang gusto mong umiyak,” sambit ni Epy.
“Na hindi mo alam kung saan ka iiyak. Kasi nostalgia ang nararamdaman mo, e, di ba?”
Sa Hulyo 25 ang birthday ng Comedy King na si Dolphy, samantalang sa Hulyo 10 ang death anniversary nito.
“Yes! Yes, and Father’s Day. So, Father’s Day natin siya mapapanood,” pakli ni Epy.
Siyangapala, katabi ni Epy sa Project Baby premiere ang brother nila ni Eric na si Ronnie Quizon.
Sina Ronnie, Eric, at Epy ay mga anak ni Dolphy sa dating aktres na si Pamela Ponti. Ang isa pa nilang kapatid at nag-iisang babae ay si Madonna.
Read: Dennis Padilla says wedding rant may have led daughter Claudia to drop Baldivia surname

GORGY RULA
Hindi pa napapanood ni Epy Quizon yung Home Along Da Riles: Da Reunion.
Absent siya sa premiere screening ng pelikula noong Hunyo 1 sa The Metropolitan Theater ng Maynila.
Paliwanag ni Epy: “Sobrang busy ko kasi. May ginagawa ako sa GMA, yung Amir with Direk Zig Dulay. Kakatapos namin sa Love Is Never Gone, saka yung Tayo Sa Wakas.
“I just finished a Cinemalaya film, Tayo Lang Ang Nakakaalam. And the I’m doing a movie on Sister Teresing, pagbabalik ni Direk Ben Yalung.”
Nag-shooting ang Teresing movie sa Monasterio de Tarlac sa San Jose, Tarlac.
NOEL FERRER
Matagal nang inaantabayan itong bagong Home Along project na ito na tunay ngang isang family film ngayon na kailangan ng ating lipunan.
Produkto ito ng goodwill dahil ang alam ko talaga ay ipinahiram ng ABS-CBN ang IP (Intellectual Property) rights nito para gawing pelikula in honor of Tito Dolphy’s legacy.
Siyempre, iba talaga kapag wala na ang Hari ng Komedya, pero sana masuportahan pa rin ito ng mga Pilipinong nagmamahal sa kanya.
Read: PNP Aurora rules out foul play in deaths of two Ateneo players
