GORGY RULA
Magkasama ang magkasintahang Sue Ramirez at Domnic Roque na dumating sa Eastwood Cinemas noong Martes, June 9, 2026, para sa premiere night ng pelikulang Project Baby na pinagbibidahan ni Sue at ni Rico Blanco.
Kaagad kinorner ng PEP Troika si Dominic para kapanayamin, pero mailap ito.
Sabi lang niya: “Of course, nandito ako to support her, si Sue. And happy ako na siyempre, every time na may ginagawa siyang trabaho, she gives everything.”
Umiwas na si Dominic sa mga kasunod naming tanong.
Akala namin ay umalis na siya nang magsimula ang red carpet, dahil sina Sue at Rico na ang magkasamang rumampa.
Pero nalaman naming pinanood ni Dominic ang kabuuan ng pelikula. Lumabas kaagad siya pagkatapos ng screening ng Project Baby.
Natuwa si Sue dahil nagustuhan daw ng nobyo ang pelikula.
“Kinilig ako!” bulalas ni Sue nang kinausap ng PEP Troika pagkatapos ng screening.
“Actually, medyo matagal yung convincing para ano, para mapasama ko siya and manood.
“Kasi hindi talaga siya nanonood ng mga premiere night, actually.
“Hindi naman siya umalis. Akala ko nga, aalis pagka-red carpet. Ta's, nag-stay siya, Nagulat ako. I’m so happy.
“Thanks, baby, for staying.
"I think he liked the movie. He congratulated me after.
“Sabi niya, ang ganda ko daw sa movie.”
Read: Dennis Padilla accepts daughters' decision to remove his surname
SUE RAMIREZ ON CHEMISTRY WITH RICO BLANCO
Magaling si Sue sa Project Baby.
Nagawa niyang magkaroon sila ng chemistry ni Rico, at may kilig silang dalawa sa ilang eksena.
“Totoo yung kilig ko. Siyempre si Rico Blanco yun, ano! Grabe! One of the biggest musical icons,” bulalas ni Sue.
“To be working with him, and for him to agree to work on this with me, it’s a big big honor po and very very grateful.
“And above anything else din sa Regal na ipinagkatiwala po nila sa amin. Who knew that it’s gonna work?
"But it’s my first time watching and I love the movie. Walang bias, ha, dahil kasama ako dito,” sabi pa ni Sue.
Kahit si Rico ay pinupuri si Sue dahil nadadala raw siya sa mga eksena nila sa pelikula.
“Super fun working with Sue. She has very good instincts po. So, nag-i-interact ako sa kanya, napakadali,” saad ni Rico.

JERRY OLEA
Napapanahon ang mensahe ng Project Baby, lalo na sa mga kababaihan.
Sabi nga ni Eric Quizon na nagdirek ng pelikula, iba na ang pananaw ng mga tao ngayon, lalo na ang mga kababaihan, at inilahad nila ito sa pelikula.
“Kagaya nga ng sinabi ni Alice [Dixson] sa pelikula, ang mga babae, maraming ipinaglalaban.
“They wanna prove something. It’s not just about women empowerment or it’s not just about equality.
“But women being realized as ‘Hey, we are equals!’ Parang ganun," saad ni Direk Eric.
WOMEN'S POWER TO CHOOSE
Sabi naman ni Sue Ramirez: “May power na kami pumili. Yun ang pinakamagandang mensahe ng movie namin na gusto naming mapanood ng lahat.
"Na at this point in time, we women, now we have a choice.
“How we want to live our lives. Kung puwede na naming planuhin ang kahit na ano para sa amin.”
Dagdag ni Direk Eric, sinunod nila ang script ni Jose Javier Reyes at ibinase rin nila sa kuwento ng mga kilala nila.
“In-apply ko na lang yung… from experiences, from people that I know who’s gone through something like this,” sambit ng actor-director.
“So that’s why, somehow, it was also very personal. Kasi in-attach ko yung mga… may mga personal touches kasi based siya on friends and personal experiences.”
Agree rin si Roselle Monteverde ng Regal Entertainment sa gustong iparating ng Project Baby.
Kagaya niya na isang single mother, walang inaasahan at independent daw siya.
“Independence gives a lot of… it’s a progress. Independence is progress for every women,” bulalas ni Roselle.
Read: Tessa Prieto opens up about ex-husband's "infidelity"

NOEL FERRER
Na-inspire si Eric Quizon sa Project Baby. Iba raw talaga ang fulfillment para sa kanya kapag nakapagdirek siya ng pelikula.
“Yes! I love directing. Because pag nagdirek ka… pag gumawa ka kasi ng pelikula, it’s like a masterpiece,” sey ni Direk Eric.
“And siyempre kung yung ginagawa mo nakaka-relate din yung mga tao, masarap sa pakiramdam.”
Kaya naman talagang nakikiusap si Sue Ramirez na marami ang makapanood ng Project Baby.
“Nag-enjoy po kami. The process of making it, and it showed nung ipinalabas yung pelikula.
“Sana maraming manood,” asam ni Sue.
Kaya lang, hindi maiwasang mangamba ngayon dahil sa nangyaring malakas na lindol sa Mindanao noong Lunes, baka matakot ang ibang lumabas at manood sa mga sinehan.
Sa tingin ba ng Regal producer na si Roselle Monteverde, makakaapekto yung lindol sa pelikula na showing na ngayon sa mga sinehan nationwide?
Saad ni Roselle: “First of all, I really feel for what happened in Mindanao.
“Kasi parang ang laki ng epekto na yan sa mga tao sa Mindanao, and praying hard na may maitulong din ang government and also the citizens who were not affected.”
Maganda naman ang pelikula. At sana nga ma-promote ito sa word of mouth.
“I’m just happy that we made a very good movie. And sana masuporta niyo na ma-promote ang isang pelikula na maganda at napapanahon na rin na maging open-minded ang mga tao.
“So, bahala na, di ba?” napangiting pahayag ni Roselle.
Kasabay ng Project Baby (R-13) ang showing today sa mga sinehan ng Disclosure Day (PG), Open Endings (R-16), Scary Movie (R-16), Queer (R-18, exclusive sa Ayala Malls cinemas), Searching for Ingmar Bergman (R-13, exclusive sa Megaworld Cinemas), at Gintama Movie: Yoshiwara Flames Arc (PG, exclusive sa SM Cinemas).

Read: Police release initial findings in two Ateneo players' drowning
