JERRY OLEA
Dapat sana’y si Yasser Marta ang bidang lalaki sa pelikulang Haplos sa Hangin, na kalahok sa inaugural Cine Silip filmfest noong Oktubre 22-28, 2025 sa mga piling sinehan ng Ayala Malls.
Ang nakuhang lead actor sa nasabing erotic horror film ay si Martin del Rosario, na nagwaging best actor sa nasabing filmfest.
Ang unang mapangahas na pagganap ni Yasser Marta ay para sa pelikulang Desperada, na title role ang kasintahan niyang si Robb Guinto.
Kalahok ang Desperada sa 8th Sinag Maynila filmfest noong Marso 23-Abril 1, 2026, at itinanghal doong best supporting actor si Yasser.
YASSER MARTA'S FIRST ACTING AWARD
Nakausap ng PEP Troika si Yasser sa appreciation dinner ng Sinag Maynila noong Mayo 29, Biyernes ng gabi, sa Four Seasons buffet & hotpot sa Araneta City, Cubao, Quezon City.
Sa nasabing pagtitipon niya nakuha ang kanyang tropeyo.
“It’s my first acting award, at ang maparangalan po ng ganito ng Sinag Maynila, mas nabubuhay iyong fire ko sa craft,” lahad ng Kapuso hunk actor.
“Mas gusto ko pang gumawa ng maraming movies, and ipakita pa talaga yung talento natin. Hindi lang dito sa local pero international hopefully someday.”
Kaugnay sa Haplos sa Hangin na nagwaging best actor si Martin…
“Siguro bumawi din sa akin ang Sparkle. Pero naniniwala rin kasi ako dito sa industriyang ito, kung hindi para sa iyo, hindi mo talaga mapipilit, e,” pagmamatwid ni Yasser.
“Parang hindi siya puwedeng ganun. So ako, sa every project na hindi napupunta sa akin, alam ko naman po na meron pang kapalit na mas maganda.
“So ito... ito na nga ang ibinigay sa akin, ang project nina Kuya Dennis [Evangelista], Tito Lito [de Guzman], at Direk Louie [Ignacio]. Nanalo rin po tayo ng award.
“Hindi man po best actor pero alam ko naman po, itong takbo ng career ko, paunti-unti. Slowly but surely.”
Read: PBA continues ratings surge, outdraws several TV programs
YASSER MARTA WILLING TO TAKE ON BOLDER ROLES
Mas mapangahas iyong pagganap ni Martin sa Haplos sa Hangin, at napanood iyon ni Yasser. Kakayanin din daw ni Yasser ang mga ganoong eksena.
“Bilang aktor naman, talagang pag binigyan ka ng proyekto at tinanggap mo, all-out dapat,” sambit ni Yasser.
“Nasa vision na rin ng direktor iyon kung anong nakikita niya. Pero ako naman, ipapakita ko rin naman po lahat.”
Nag-frontal nudity si Martin sa stage play na Anino sa Likod ng Buwan. Kaya rin ba niya iyon?
“Ako kasi, hindi pa talaga ako nag-i-stage play dito, e. Hindi ko masabi,” saad ni Yasser.
“Pero nung nakaraan, gumanap akong Jesus Christ, parang play din naman iyon, at talagang nag-enjoy ako.
“Pero siguro sa stage, makikita natin… hindi ko pa alam, e. Ako pa naman, may stage fright ako.
“Baka mamaya, biglang maging ano, maging tuklapin, di ba? Maging kulubot.”
Mas kaya niyang mag-frontal nudity sa pelikula kesa sa entablado, if ever?
“Opo. Kung ako may choice talaga, sa pelikula ko gustong gawin.”
Read: Jinggoy Estrada detained in Payatas jail after arrest for plunder case
NOEL FERRER
Noong nakaraang Semana Santa ay gumanap si Yasser Marta na Jesus sa street play na Siete Palabras: The Seven Last Words of Christ sa Brgy. Lourdes North West (LNW) sa Angeles City, Pampanga.
Isang milestone din iyon sa career ni Yasser.
Mula sa pagganap na adik sa pelikulang Desperada, naging Manunubos siya sa Siete Palabras.

“Pinarangalan din po ako ng Angeles LGU and LEAF Awards din na Outstanding Performance in a Lenten production,” saad ni Yasser.
“Kaya ayun siguro, this year, mas pinipili ko ang projects ko na maso-showcase talaga yung talento natin sa pag-arte.
“And thankful din naman dahil sa bawat ginagawa nating project, napapansin po tayo at binibigyan ng parangal.
“Kaya maraming salamat, I’m so thankful and grateful sa awards na natatanggap ko po ngayon.”
YASSER MARTA'S LUCKY CHARM
Lucky charm ba niya ang girlfriend niyang si Robb Guinto?
Napangiti si Yasser.
"iyon din ang sabi nila — she’s my lucky charm. Sa tingin ko, totoo naman yun,” sambit ni Yasser.
Ibinabahagi ni Yasser ang kanyang parangal sa kanyang nanay na kasama niya sa bahay, at saka kay Robb.
“Kasi siyempre kami namang dalawa ni Robb ang mag-partner dito sa project na ito,” lahad ni Yasser.
“At hindi ko rin naman magagawa kung hindi rin sa tulong niya. Kaya nga best supporting actor, kasi sinuportahan ko talaga siya.”
Read: Atasha Muhlach, Jacob Ang spotted getting cozy at a wedding

GORGY RULA
Sa appreciation dinner ng Sinag Maynila, ipinagkaloob ang trophies sa mga nagwagi noong 2025 and 2026 editions.
Lima ang mga section ng filmfest na itinatag nina Sir Wilson Tieng at Direk Brillante Mendoza.
Ang mga ito ay full feature, documentary na student category, documentary na open category, short film na student category, at short film na open category.
Kabilang sa 2025 winners — Daungan ng mga Naghihintay, Romeo & Julie, Pendiente, Sa Wakas, Kasama, Philip Altejos, Mga Bayaning Ayta, Oscar’s Recipe, Ang Gadya Sang Suba, Precious Paula Nicole, Nerrikka Salim & Immanuel Verona, Ab Garcia, Chrishel G. Desuasido, at Direk Topel Lee.
Kabilang sa 2026 winners — Duros, Mga Ulol, Mag Unsa Na Lang Ta Ani?, Lugud, Cemento, Shalom, Mga Muni-muni sa Gitna ng Ambon, Del Mundo, Kaon, Paon, Alex Tomboc, Yasser Marta, Cyrus Khan, Manuel Pandoy Abanto, Mercedes Cabral (best supporting actress for Ang Bangkay), Ang Bangkay, Marie-Luise Calvero, Jay Hernandez, Cris Fuego, Jade Makawi (best actor for Pinikas), at Angela Villarin (best actress for Pinikas).

Si Jade ang tumanggap ng best actress trophy ni Angela dahil nasa abroad ito.
Present sa event ang jurors ng Sinag Maynila 2026 na sina Harlene Bautista, Direk Jeffrey Jeturian, FAP Director General Paolo Villaluna, Direk Arvin Belarmino, at Ms. Shirley Lua.
SCRIPT LAB 2027
Sa appreciation dinner ay binuksan ng Solar Studios ang pintuan para sa Script Lab Call for Pitch 2027.
Bahagi ng announcement: “The initiative aims to discover bold, original, and compelling stories ready to take the next step from concept to screenplay development and possible nationwide film production under Solar Studios.
“Open to both emerging storytellers and established filmmakers, the program serves as a platform for creators to pitch their vision and bring their stories closer to the big screen.”
Tumatanggap ang Solar Studios ng original story concepts na ang genre ay Action, Romance, o Horror.
Ang deadline for submission ay Hulyo 31, 2026. Chosen entries will be contacted.
Each selected concept will receive a cash incentive and upon agreement between both parties, will move forward into script development.
Read: Caritas Philippines addresses takedown of YSpeak 2.0 episode with Christian Esguerra
