PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Derrick Monasterio admits losing hope in PH amid political issues

Derrick Monasterio worries about future family because of country’s situation.
by PEP Troika
Published 10 hours ago
derrick monasterio ibarra ngayon
Derrick Monasterio opens up about his frustrations over the country’s political climate while preparing for Ibarra… Ngayon. The actor admits feeling worried about the future of his family and said Rizal’s message about education and awareness remains relevant today.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Pagkatapos gawin ni Piolo Pascual ang musical play na Ibarra noong Hunyo 2023, si Derrick Monasterio naman ang susunod na gaganap nito sa re-staging ng naturang play, ang Ibarra… Ngayon.

Handog pa rin ito ng Tanghalang Una Obra, sa pakikipagtulungan ng GSIS (Government Service Insurance System) at Nickel Asia Corporation, para sa Rise Against Hunger Philippines.

Ito’y mula sa panulat at libretto ni Jomar Fleras at sa direksiyon ni Frannie Zamora.

Nagsimula nang mag-rehearse si Derrick para sa Ibarra… Ngayon.

Nilalagare niya ang taping ng Kapuso afternoon drama series na Apoy Sa Dugo at rehearsal ng Ibarra.

Nang pinuntahan ng PEP Troika ang kanilang rehearsal sa GSIS noong Miyerkules, Mayo 20, 2026, sinabi ni Derrick sa amin na alas-kuwatro ng umaga na raw siya nakauwi mula taping.

Kulang pa siya sa tulog na pumunta ng rehearsal.

“Wala, e. Kailangan lang talagang gumising,” napangiti niyang pakli.

Nae-enjoy raw kasi niya ang mag-stageplay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobra! Nae-enjoy ko talaga yung teatro. Nae-enjoy ko yung pagkanta at ang focus ko talaga andito,” dadag ni Derrick.

Read: Robin Padilla dodges questions on role in Bato dela Rosa’s escape

THE AWAKENING OF DERRICK MONASTERIO

Ayon sa Kapuso actor, malaki ang nabago sa kanya habang pinag-aaralan niya ang script ng Ibarra.

Malinaw na raw sa kanya ang kuwento ni Crisostomo Ibarra, ang pangunahing karakter sa mga nobela ng Pambansang Bayaning Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Dati ay hindi raw niya pinapansin ang mga nangyayari sa ating paligid. Pero ngayon ay involved na raw siya at nadidismaya sa mga nangyayari sa pulitika.

Iyon daw ang pagkakaiba niya sa karakter ni Ibarra.

“Mahirap siguro sa akin yung love for the country.

"Ako kasi as Derrick, parang mawala yung stress sa sarili ko, hindi ko na masyadong nilalagay yung sarili ko sa mga nangyayari sa lipunan natin ngayon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero si Ibarra kasi, opposite talaga. Super involved siya sa mga nangyayari.

"So, feeling ko, yun din yung isa sa pinakamahirap, e,” tugon ni Derrick nang tinanong kung saan siya nahirapan sa pagganap bilang si Ibarra.

Pero iba na raw ang pananaw niya ngayon at nararamdaman sa mga nangyayari sa ating bansa.

Nagkataon pang katabi lang ng GSIS na pagtatanghalan ng Ibarra... Ngayon ang Senate building, na sentro ngayon ng kontrobersiya dahil sa mga galawang pultiika ng mga senador na dapat sana'y kapakanan ng bayan ang inuuna.

DERRICK MONATSERIO MULLS LEAVING THE PHILIPPINES

Dahil sa mga nangyayari sa Senado, nadidismaya raw si Derrick sa mga ginagawa ng ilang politiko at sa nangyayari sa ating lipunan.

Aniya: “As a civilian ng Pilipinas, medyo nawawalan na rin ako ng pag-asa, sa totoo lang.

“Dito sa mundo natin… tagal na nitong problema, e. Si Rizal nga, nalaman na niya, ang tagal na ito… tapos hanggang ngayon, ganito pa rin tayo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Parang iniisip ko, kung hindi pa rin ito magbabago, anytime soon, ako na lang ang mag-a-adjust. Ako na lang ang lalayo.

"Lilipat na lang ako ng ibang bansa. Kasi nakakawala ng hope.

“Personal lang yun, ha?”

Sabi pa ni Derrick: “Actually, sobrang ironic na ganito ang napi-feel ko. Tapos, ganito yung napi-feel ni Ibarra. Kasi magkaibang-magkaiba talaga kami ng pananaw.

“Pero... well, as actors, kailangan naming gawin, kailangan kong ibigay, kailangan kong mahalin ang bayan kahit mahirap.”

Kaya ramdam na ramdam daw niya ang mga kinakanta niya sa Ibarra... Ngayon.

Halos 35 awitin ang kakantahin niya kasama ang magagaling na stage actors na sina Andrea Manuel-Stevenson na gaganap bilang si Maria Clara, Jay Mangui, at Bon Gonzales na gaganap bilang si Padre Salvi.

Simula June 18 ay mapapanood na ang Ibarra…Ngayon sa GSIS Theater.

Read: Mayor Vico Sotto, celebrities react to Senate gunfire incident

ibarra ngayon cast and director
From left: Frannie Zamora, Derrick Monasterio, Andrea Manuel-Stevenson, Jay Mangui, and Bon Gonzales.
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Nabanggit ni Derrick na pinag-iisipan na niyang iwan ang Pilipinas at manirahan na lang sa ibang bansa.

Pinag-uusapan na raw nila ito ng kasintahan niyang si Elle Villanueva.

Seryoso na ang pag-uusap nila ni Elle kung ano ang balak nila kung sakaling gusto na nilang malagay sa tahimik.

“Napapag-usapan namin. Agree din siya,” pakli ng Kapuso actor.

“Feeling ko, dumating na kami sa point na kaming dalawa, nag-ano na rin, e, patindi na yung emotions. Hehehe.

“Tapos, wala, e… iniisip na namin yung sell everything and move to, yun, sa abroad.”

Lalo raw tumibay ang relasyon nila ni Elle kaya nagpaplano na siya sa magiging future nila.

“Mas strong kami ngayon na parang wala kaming mga doubts sa isa’t isa.

"So, yun ang pinakaimportante at grabe rin yung trust namin sa isa’t isa."

Read: Aktres, kumukuha ng Spanish citizenship dahil dismayado sa Pinas

NOEL FERRER

Ngayon pa lang ay iniisip na raw ni Derrick Monasterio ang kinabukasan ng magiging anak nila ni Elle Villanueva dito sa Pilipinas na ganito ang ginagawa ng ilan sa ating mga lider.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: “Siguro worried ako sa magiging future ng family ko, ng anak ko most importantly. Kasi, ang laki na ng utang ng Pilipinas ngayon, all-time high.

“So, parang hanggang gaano pa kalaki ang mangyayari, gaano pa kalaking pinsala ang mangyayari?

“So ako, yung feeling ko, parang nakakawala ng hope,” saad ni Derrick.

Ano sa tingin niya ang nararapat na solusyon o gawin natin lalo na ng mga kabataan?

Pahayag ng 30-year-old actor: “Actually, sa panunulat ni Rizal, yun na nga, e. Sinasabi na nga niya kung ano yung solusyon, e, which is mag-aral.

“Yun lang naman. Mag-aral ang taumbayan, maging educated.

"Ngayon kasi, pag nanonood sila ng TV, kung ano lang yung parang pinaka… eto pa!

“Meron akong isang sobrang pet peeve. For example, magkakaroon ng issue, tapos yung mga tao, magko-comment.

“Na parang yung comment nila is about... parang ginagawa nilang joke.

"So ako, pag nabasa ko yung comment na yun, parang isipin ko, nawawala yung bigat nung situation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, parang ang dami ng mga nagdyo-joke, e, about it.

"Pero yung mga tao, talagang galit, pinapakita nila yung emosyon nila, seryoso sila, baka ma-affect din yung ibang tao, di ba?

“So, parang dapat huwag nating… hindi siya gawing lightly. Dapat talagang magalit tayo kung magalit.”

Read: Pro-Duterte senators oust Senate President Sotto; Bato surfaces

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derrick Monasterio opens up about his frustrations over the country’s political climate while preparing for Ibarra… Ngayon. The actor admits feeling worried about the future of his family and said Rizal’s message about education and awareness remains relevant today.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results