GORGY RULA
Magkasama sina Jake Cuenca at Rabiya Mateo na dumalo sa birthday party ng kaibigang Jun Lalin na ginanap sa Five Private Dining sa Greenhills, San Juan City, noong Miyerkules, Mayo 20, 2026.
Nagpaunlak sila ng interview sa PEP Troika, pero hindi sinagot ni Jake kung kailan sila naging official mag-on.
Hindi raw niya maibigay ang buong detalye ng kanilang relasyon dahil kagagaling lang niya sa interview kay Kuya Boy Abunda.
“Actually, kaka-interview ko lang kay Tito Boy. Ikinuwento ko lahat dun. So, yeah!
"Honor ko lang yung interview ko kay Tito Boy. Kasi ni-request din niya sa akin. Abangan niyo,” sabi ni Jake.
Pero pareho raw silang super happy ni Rabiya sa kanilang relasyon.
“She brings out the best in me. Nakaka-inspire siya,” nakangiti niyang pahayag.
RABIYA MATEO TO FOCUS ON HER STUDIES
Tamang-tama naman, babalik muna si Rabiya sa pribadong buhay dahil magpo-focus daw muna siya sa pag-aaral.
Nakapasa si Rabiya sa University of Sto. Tomas para mag-aral ng Medicine.
Nataon ding tapos na ang kanyang kontrata sa Sparkle ng GMA-7 kaya hindi na raw siya nag-renew.
“Hindi na po. Kasi kapapasok ko lang sa UST,” pakli ni Rabiya nang tinanong kung totoong tigil muna siya sa pag-aartista.
“Saka grabe po kasi yung demands ng pag-aaral ng Medicine. So, all or nothing po talaga ako. Private life na po.
“Timing naman po nung last year, patapos din naman po siya [Sparkle contract]. And then, they offered agad.
"Pero sabi ko po, may calling sa pag-aaral. Saka pag-aaral din naman po yun.
“So, naintindihan naman po ng management, nagpaalam naman po ako nang maayos.”
Read: James Reid name-drops Kathryn Bernardo; Daniel Padilla reacts
JERRY OLEA
Sobrang proud si Jake Cuenca kay Rabiya Mateo, at suportado raw ng aktor ang bagong buhay ng beauty queen-actress.
“Sa akin, for me, I find it so remarkable. Kasi sabi ko, parang hindi biro, hindi madali maging doktor.
“One of big responsibilities, lalo na sa mundo ngayon na lahat ngayon, nagmamadali. Trying to, you know, take the shortest way possible to get to whatever we want to go to.
“This is so incredible that she’s taking this, you know, big journey to becoming a doctor.
“So ako, you know, I’m really proud of her. Sobrang proud ako sa kanya.
"Ang galing! I’ve never been with the woman like this.
“I mean it!” buong pagmamalaking pahayag ni Jake.
Na-touch si Rabiya sa mga sinabi ni Jake, at obvious namang sila na.
Pero tila nagparinig naman si Rabiya sa sumunod niyang pahayag.
Aniya: “Thank you naman. At least meron ako ngayong partner na so supportive of my dream. Kasi yung iba, hindi nila maiintindihan.
“Pero, I’m so excited kasi mahirap po talaga yung coming years for me, mentally. Kasi pag-aaral na naman po siya.”
Read: Rabiya Mateo diagnosed with depression and anxious distress
NOEL FERRER
Ikinuwento ni Jake ang huling bakasyon nila ni Rabiya sa Hong Kong.
Doon daw nila nabalitaang tinanggap na si Rabiya sa UST.
“May trabaho kasi ako dun,” simulang kuwento ni Jake.
“She went with me for work. Pero naka-waitlist ka kasi, di ba?”
Tugon ni Rabiya, “Yes! Naka-waitlist ako sa UST. So, hindi pa namin alam kung makakapasok ba ako o hindi.
“Tapos sabi niya…”
Pagpapatuloy ni Jake, “Sabi ko, mag-Disney kami.
"Minsan yung sa buhay, when you’re in the right frequency of… pag masaya ka, dun pa nagkakatotoo yung mga hinihiling mo.
"Dun pa nangyari. Ang galing!”
Ang isa pa raw ikinatuwa ni Rabiya kay Jake, “Hindi lang ako yung niligawan niya, Pati ang mama ko at kapatid.”
Sana talaga, ito na ang endgame para kina Jake at Rabiya.
Read: Rabiya Mateo in HK with Jake Cuenca; to start med school in UST
