GORGY RULA
Nagpasalamat si Direk Dustin Celestino dahil nabigyan ng mas malawak na platform ang Cinemalaya 2025 film niyang Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan.
Ipalalabas sa mga sinehan umpisa Hunyo 3, 2026 ang nasabing existential drama na bida sina Mylene Dizon, Zanjoe Marudo, Jojit Lorenzo, at Dolly de Leon.
Ang logline ng pelikula — Four Filipinos confront the slow erasure of memory and truth in a country devoured by disinformation.

FOR PEOPLE WHO ARE LOSING HOPE
“Gusto kong mapanood ito ng mga tao, specifically yung mga nawawalan ng pag-asa,” sambit ni Direk Dustin sa mediacon noong Mayo 12 sa Sine Pop, Cubao, Quezon City.
“Kasi, yung goal natin dito is wala naman tayong universal quick answer kung paano aayusin ang lahat, e.
“Some things take time. Some things take resilience, di ba? Pero paano tayo magkakaroon nun kung hindi na tayo naniniwala na may pag-asang bumangon yung bansa natin?
“So, gusto kong mapanood ito ng mga taong nawawalan na ng pag-asa para maipaalala sa kanila.
“Sa dulo naman ng lahat ng ito… lahat tayo, abo. Ang ipinaglalaban natin, kung paano bibigyan ng halaga, yung mga buhay natin ngayon.
“And para sa akin, isa sa mga bagay na puwede nating gawin para mabigyang-halaga yung buhay natin, e, yung lumaban sa kasamaan.
“So some people see corruption as parang… di ba, parang end all, and be all, wala na tayong pag-asa.
“Pero para sa ibang tao, para sa select few, this is an opportunity for them to expand or increase the meaning of their lives.
“May hydra, may dragon, and they’re asked to conquer it, di ba? You’re tasked or iniimbitahan kang humarap dito, humarap sa halimaw.
“And that act of courage is an opportunity that’s not available to everyone all the time.
“So we are in a unique situation, we are given as individuals opportunities to battle with the greatest monsters of our time.
“So para sa akin, that’s something that’s inspiring.”
Read: Midnight Girls: a heartfelt movie with strong female leads
DIREK DUSTIN HOPES LENI GETS TO WATCH HABANG NILALAMON NG HYDRA ANG KASAYSAYAN
Noong 2022 nag-ugat sa isip at puso ni Direk ang kuwento ng pelikula, matapos ang eleksyon kung saan nahalal na ika-17 Pangulo ng Pilipinas si Ferdinand Marcos Jr.
Napanood na ba ni Naga City Mayor Leni Robredo itong Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan?
“Hindi ko alam, e. Baka hindi,” natawang sagot ni Direk Dustin.
“Baka hindi pa. Pero sana, mapanood niya one day. Sana umabot sa kanya yung wide release namin. Sana tumagal siya sa sinehan.
“Sana mapanood niya.”
Read: Dustin Celestino on 2022 election heartbreak, Senate chaos
NOEL FERRER
Sa mga nangyayari nowadays sa ating bansa… personally, gaano kaimportante ang pagpapalabas ng Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan? Gaano ito ka-relevant?
“Ako, honestly, nangarap ako na hindi siya kailanganin,” pahayag ni Direk Dustin Celestino.
“Or maging irrelevant siya, di ba? Kasi, gusto ko, by the time na 2026, hindi na importante ang disinformation kasi natalo na natin.
“Pero hindi pala iyon ang sitwasyon. And of course, fulfilling for me na nabigyan ako ng platform to voice out at least a general idea of how we can… isang option to confront what’s going on.
“We can confront it not as ano… hindi kasi ako outcome-oriented na tao. Sa akin, basta ginawa ko yung best ko. Kahit ano pa yung outcome, puwede kong bitawan.
“Parang minsan may gagawin akong pelikula, hindi niyo magugustuhan. Pero pag ginawa ko naman yung best ko, nandoon pa rin para sa akin yung fulfillment.
“Na there was this period in my life where I was operating at my optimum level because of a belief, because of a hope.
“So ngayon, nandoon pa rin ako. Na ginagalingan ko, e. Kasi, nandoon yung pangarap ko na baka makapag-contribute.
“Maaaring hindi. Pero the mere fact that I’m trying, for me, makes my life beautiful. Ang sarap mag-try, guys. Parang kalaban niyo, against all odds. Di ba?
“Parang napaka-romantic nung mga idea na may kalaban kang dragon, tapos pangkaraniwang tao ka lang.
“Yung metapora nga ng kaibigan ko, para siyang ano. Ang paglaban daw or ang pagtindig laban sa kapangyarihan ay parang pagkalmot sa pader…
“Basta makita mo lang na may maliit kang marka, minsan enough na yon.”
Read: Eric reveals why many of Dolphy’s children chose not to marry
JERRY OLEA
Feeling vindicated ba siya sa mga gulo at problema ng bansa ngayon, considering na ang sinuportahan niyang kandidato sa pagkapangulo noong 2022 ay natalo?
“I don’t think ‘vindicated’ is the word that I will use,” tugon ni Direk Dustin Celestino.
“Pero ano… parang paano ba… naniniwala kasi ako na tao lang tayo, e. So I don’t want this movie to be interpreted as, ‘Ganito lahat ng pain,’ or ganito lahat ng ganyan.
“Na archetypes sila or that they’re representatives of a whole. That would be a generalization.
“I want them to be seen as individuals. As regular people, na wala naman talagang perfect people.
“We are all flawed. Ako, flawed din ako. Di ba, may mga ugali tayong hindi nagugustuhan ng lahat, tapos… sometimes we find ourselves in a situation na masyadong malakas yung temptation for this and that.
“May mga nagtsi-cheat. Yung iba, nangungurakot. Kasi nga, we’re fallible. We’re humans.
“And that goes for the government as well. It’s a fallible government because it’s composed of humans.
“And humans whose only access we have is yung brand image nila pag nangangampanya sila. Wala tayong kilala sa kanila! Di ba?
“Hindi natin kilala itong mga taong ito. Pagalingan lang silang magpa-cute sa atin. Kaya mahirap magsalita kung ano talagang klaseng tao itong mga ito.
“Kasi nga, hindi ko naman sila kilala, e. Hindi ko naman sila kilala personally. Ang alam ko lang, yung nababalitaan kong nangyayari which is corruption.
“Which is a very clear indication of what kind of people we’re dealing with, in my opinion. But we don’t know them as people.
“They could be good mothers; they could be good fathers. They could be good to their constituents.
“Kaya ang hirap nilang i-criticize. Kasi madami silang nako-convince. Dahil nga magaling silang mag-perform. They’re performers.
“And in my opinion, if we want to be able to defeat good performers, we have to be good performers as well.
“Hindi naman katotohanan yung ginagamit nila para talunin tayo, e. Di ba? Ginagalingan nila ang pakisama. Kahit hindi ka nila gusto, grabe, ambait nila sa iyo!
“Di ba? So, ang galing nilang makipagplastikan kaya sila nananalo.
“And which is why I think kailangan ding maging part ng strategy ng gustong manalo sa arena na iyon, na maging magaling sa pag-perform. Di ba?
“Hindi puwedeng, ‘Iboto niyo ako dahil ako’y magaling.’ Nakakairitang sabihin iyon! ‘Iboto nyo ako dahil ako’y mabait.’ Di ba?
“Parang ganoon yung nagiging sitwasyon natin. We don’t know these people.”
MORAL DILEMMA
Sa pelikula, may moral dilemma ang karakter ni Dolly de Leon nang makaharap niya si General (Nanding Josef) na butcher noong kasagsagan ng martial law pero meron nang Alzheimer’s Disease.

“Tinatanong ko, paano ba maging mabait? Sino ba sa atin ang good, sino ba sa atin ang hindi?” wika ni Direk Dustin.
“Finally umabot ako sa sitwasyon na paano mo matatawag ang sarili mong mabuti pag hindi mo kayang gawin yung masama na kayang gawin ng iba?
“And iyon yung naisip kong… may time kasi na may taong ayokong-ayoko siya, tapos in-imagine ko, ‘What if may gawin akong masama?’ Tapos na-realize ko, hindi ko kaya.
“Kasi makokonsensya ako. Pangit sa mental health ko yon. Doon ko na-realize, baka ganito maging mabait.
“Na para sa akin, iyon yung threshold ko, ayoko siyang patayin. Kasi hassle yon, parang masama sa mental health ko, baka makulong pa ako.
“Pero may ibang tao, yung asawa ko, tatawid lang yan sa hindi pedestrian lane, masama na ang loob niya. So, mas mabait siya sa akin…
“Na-inspire ako sa karakter ni Dolly na hanggang saan ang kaya mong gawin at hanggang saan yung hindi?”
At marami sa mabubuting tao ang natatalo.
“Hindi natin kayang gawin yung nagagawa nung mga masasamang tao,” pakli ni Direk Dustin.
“Mas madami silang moves kumbaga kesa sa atin. Mas malawak yung moral spectrum nila kaya lugi tayo.
“Pero isa iyun sa mga bagay na kaya kong tanggapin. OK lang sa akin matalo basta tama yung ginagawa ko, kaya kong ipagmalaki yung sarili ko kahit humarap ako kay Lord.
“‘Lord, ginalingan ko, ha?’ Di ba? Parang OK lang matalo basta’t tama tayo.”
Read: Former UP student journalist Michael Purugganan appointed dean of New York University
