PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor, gumanda ang ilong at career pero pumangit ang ugali

Aktor, mas pinapaboran umano ang mayayamang fans.
by PEP Troika
Published Just now
blind item aktor
ILLUSTRATION: Chat GPT

JERRY OLEA

Parang kailan lang na laging lumuluha si Young Actor dahil walang direksiyon ang kanyang showbiz career.

Mangilan-ngilan lang ang fans na nagtitiyaga sa kanya at nagpapalakas ng kanyang loob.

Hanggang sa naisipan ng kanyang manager na iparetoke ang kanyang ilong sa halagang PHP150,000.

THE TRANSFORMATION

Aba! Nadagdagan ang confidence ni Young Actor.

Unti-unti, nagkaroon siya ng star aura, lalo pa’t panay mamahalin ang kanyang sapatos, nagkaroon siya ng sariling kotse, nakapagpatayo ng negosyo, at lumipat sa isang condo unit sa isang business district.

Nabiyayaan siya ng movie projects at TV programs kung saan lutang ang kanyang kakisigan.

Dumami ang nagtitilian niyang fans. Nagkaroon siya ng endorsements.

Kung kailan gumanda ang kanyang ilong at career, saka unti-unting pumangit ang ugali ni Young Actor.

NOEL FERRER

Tinubuan ng mga sungay si Young Actor.

Nalunod sa isang hydro flask tumbler na tubig.

Na-turn off ang iba niyang fans sa pagbabago ng kanyang ugali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung dati ay napakagiliw at napakadaling lapitan niya, iba na ngayon.

Gusto ni Young Actor na tuwing lalabas siya sa public event ay merong marshals na tagaharang.

At halatang pinapaboran ni Young Actor yung mayayamang avid fans na nagreregalo sa kanya.

Read: Senator Robin Padilla dodges questions on role in Bato dela Rosa’s escape

GORGY RULA

Sang-ayon ang driver ni Young Actor na noong gumanda ang ilong nito, pumangit naman ang ugali.

Hindi man lang daw nagbigay si Young Actor ng Christmas bonus kay Driver last December.

Madalas na inuumaga raw si Driver sa pagmamaneho pero wala man lang dagdag na suweldo.

Naku, naku! Pagsabihan sana si Young Actor ng manager niya sa lalong madaling panahon.

At mahimasmasan nawa si Young Actor bago maglabasan ang iba pang kanegahan sa kanya!

Read: Viral judge steals spotlight from looksmaxxing founder Clavicular at court hearing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results