PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Lapus finally breaks into Virgin Lab Fest main lineup

John “Sweet” Lapus praises Christian Bables, Mosang chemistry in Taksyapo!.
by PEP Troika
Published 2 hours ago
john lapus taksyapo
Playwright John “Sweet” Lapus praises Christian Bables’s chemistry with Mosang in Taksyapo!, and reveals that the emotional one-act play was inspired by his own life experiences.
PHOTO/S: Jerry Olea / Virgin Lab Fest

JERRY OLEA

Pasok sa Staged Reading ng Virgin Lab Fest (VLF) 2018 ang dulang Bagyolanda na akda ni John “Sweet” Lapus.

Sa VLF XXI: Hubo’t Hubad ngayong Hunyo 3-28, 2026 sa Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Black Box Theater), ang dula ni Sweet na Taksyapo! ay kabilang sa 15 one-act plays na itatanghal.

Ka-cluster ng Taksyapo! sa Set D: Pusong Mamon ang Footprint ni Jerom Canlas, at Buhaghag ni Gerald Manuel.

Bida sa Taksyapo! sina Christian Bables at Mosang, sa direksiyon ni Tuxqs Rutaquio.

taksyapo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Third ko [sa VLF] itong Taksyapo!. Yung first ko, noong 2018, nag-Staged Reading siya,” lahad ni Sweet sa mediacon noong Mayo 19, Martes, sa Tanghalang Ignacio Gimenez, CCP Complex, Pasay City.

“So kumbaga, parang laplapan lang noon. Ito, na-devirginize na ako finally!”

Kumbaga sa beauty pageant, noon ay semi-finalist lang siya.

“Eto, thank God, pasok na ako sa finals!” bulalas ni Sweet.

VIRGIN LAB FEST 2026

Kumusta ang proseso ng paglahok sa VLF 2026?

“OK naman, masaya. Kasi, nang sumali ako noong 2018 na Staged Reading, tapos ahhh well, nag-aaral din kasi ako ng Directing dito sa Cinemalaya Foundation.

“So, may access ako, napanood ko lahat nung… tumalo sa akin noong 2018. Talo ka, Staged Reading ka lang.

“May dalawa, may tatlo, pinanood ko, ‘Ha?! Pumasok yan, ako hindi?!’ Pasensiya na… so after nun, may ganun ako talaga.

“Taun-taon, nanonood na ako. ‘Pumasok yan?!’ Tapos bumbulong ako, nagmumura. Tapos na-realize ko, ‘Teka, sandali lang. Kanya-kanyang taste yan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sumali ako uli, the year after, VLF 2019, hindi pumasok. So, nanood na naman ako. ‘Ba’t pumasok yan?!’ So sabi ko, pass muna.

“Dapat yung next kong sali, pumasok na. And eto na yon.”

Read: Virgin Lab Fest 2026: schedules, plays, key details to know

john lapus taksyapo

SWEET'S LIFE STORY

Life story ni Sweet ang Taksyapo!. Ano ang hubo’t hubad sa one-act play na ito?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang hubo’t hubad sa Taksyapo! ay yung emosyon ng dalawang karakter,” pagmamatwid ni Sweet.

“Si Maya played by Mosang, at si JM will be played by Christian Bables. Dalawang strangers, at naging hubo’t hubad sila sa kanilang emosyon. At nag-open up sila to each other.

“Iyon nga ang sinasabi ng Writer’s Bloc nung… kasi, meron kaming session, e. Yun ang comment nila.

“Nagustuhan nila iyung konsepto na, ‘Oo nga, no, at the end of the day, minsan mas masarap magbuhos ng saloobin, ng damdamin, ng hinanakit sa stranger, sa hindi mo kakilala.’

“At iyon ang nangyari dito sa Taksyapo!. Nagkaroon ng instant bond yung isang nanay at saka isang middle-aged na bakla.

“Nagkaroon sila ng instant bonding na nakapag-open up sila sa isa’t isa kahit hindi sila magkakilala.

“Minsan, at the end of the day, a stranger can give us something that we want, or something that we needed.”

Read: Star Worx talents react to bashers, vow to prove they deserve spotlight

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
tuxs rotaquio taksyapo

NOEL FERRER

Trentahin si Christian Bables, swak gumanap bilang middle-aged na bakla.

“Perfect sa edad ni Christian Bables kaya nalokah kami. Actually, may ina-eye na kami ng aking direktor na si Direk Tuxqs Rutaquio,” pagtatapat ng playwright na si John “Sweet” Lapus.

“May ina-eye na kami doon sa karakter na JM. E, biglang parang… days before yung audition namin, tumawag si Direk Andoy Ranay sa akin, ‘Bakla! Tinawagan ako ni Christian Bables.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“‘Napanood niya si Angelica Panganiban last year, na-inspire siya, gusto rin niyang mag-theater. un daw play mo na Taksyapo!, parang may character na puwede sa kanya.’ “

Sino ba naman ang tatanggi sa isang award-winning actor na si Christian Bables?

“So sabi ko, ‘Andoy, i-double check mo. Sure ba siya? Gay character ito. Out!’

“Oo daw! Gusto lang ni Christian na ma-experience yung theater. Nagkaroon siya ng… parang sa loob, nagkaroon siya ng urge after niyang mapanood si Angelica. Gusto niya rin.

“Actually, ikinukuwento ni Christian, nag-member din siya ng mga theater-theater noong college siya pero hindi siya sa acting. Siguro, staff-staff, ganun.

“So, ito ang kanyang first theater experience.”

Tampok si Angelica sa dulang Don’t Meow For Me, Catriona ng VLF 2025.

Read: Singha beer heir Psi Scott accuses older brother of sexual abuse; Pi Scott denies claims

christian bables taksyapo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Kumusta so far si Christian Bables sa rehearsal ng dulang Taksyapo!?

“Ay, naku, napakahusay!” mabilis na tugon ng playwright na si John. “Sweet” Lapus.

“Actually, nakapag-rehearse silang dalawa ni Mosang ng dalawa last April. Itong May, nagbakasyon si Christian o… basta, may ginawa siya sa Amerika.

“Kadarating lang ni Christian the other day. So last Sunday na lang ulit sila nagkita ni Mosang, and yun naman ang promise nila pareho.

“Magbe-break sila pero pag nagkita na sila ulit, drop script na. Nagulat ako. Last Sunday lang yung aming third and rehearsal again na nagtagpo na naman silang dalawa.

“Drop script na yung dalawa, so proud na proud ako! Magaling, e!”

Beterana sa teatro si Mosang. Suki sa VLF.

Nilamon ba ni Mosang si Christian sa aktingan?

“Hindi! Hindi nagpakabog si Christian Bables!” sey ni Sweet.

“Si Mosang naman, after kong ma-watch yung kanyang… maloka-loka ako sa katatawa at maiihi ako katatawa sa performance niya doon sa VLF last year, yung Minating ni Mariah ang Manto ng Mommy ni Mama Mary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tawang-tawa ako sa kanya. At that time, last year, dine-develop ko na sa utak ko yung Taksyapo!, sabi ko, ‘Naku! Parang si Mosang na nga yata.’

“Nung nag-read kami, si Mosang lang, walang iba. Si Christian, dalawa silang nag-read nung isa pa na gusto nga sana namin.

“Tapos nung nalaman namin na aalis si Christian, we opted, baka puwedeng alternate.

“E, unfortunately, gusto ng Virgin Lab Fest, as much as possible, wala nang alternate. Kasi nga, eight shows lang naman, e, unless mabenta.”

mosang taksyapo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang festival directors ng VLF 2026 ay sina Toni Go-Yadao at Marco Viana, na nag-host din ng mediacon.

Read: REVIEW: Drug War's pilot is a fearless reckoning

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Playwright John “Sweet” Lapus praises Christian Bables’s chemistry with Mosang in Taksyapo!, and reveals that the emotional one-act play was inspired by his own life experiences.
PHOTO/S: Jerry Olea / Virgin Lab Fest
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results