GORGY RULA
Halos iisa ang reaksiyon ng mga taga-showbiz nang nabalitaan ang latest na kuwento tungkol sa kasal nina Bea Alonzo at Vincent Co.
Ibinalita ito sa pamamagitan ng isang blind item kahit obvious na obvious namang silang dalawa ang tinutukoy.
Sa ulat ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay direktang pinangalanan sina Bea at Vincent, at kinumpirma ng ilang sourcs na "on and off" ang pagpapakasal nila dahil sa isyu sa prenup agreement.
Kung totoo man ito, magkahalong maganda at hindi maganda ang naging reaksiyon sa showbiz.
Ito kaya ang dahilan kaya nag-stop taping ang drama series ni Bea sa GMA-7 na Whispers From Heaven?
Ang latest naming nabalitaan, ikinagulat daw ng production staff dahil itinigil na naman ang taping na walang sinabing dahilan.
Wala pa raw makapagsabi kung kailan sila babalik.
Pero sa naunang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa direktor ng Whispers From Heaven na si Zig Dulay, nilinaw niyang naayos na ang taping ng serye at magkakaroon ng break sa taping.
Ayon pa sa direktor, hanggang June o July pa ang taping nila pero sa 2027 pa ilalabas ang teleserye.
Read: WHAT PEP KNOWS Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?
NOEL FERRER
Sa mga bisita, sinasabing kinansela ng magdyowang malapit kay Bea Alonzo ang flight nila pa-Spain ngayong Mayo.
Ang sinabing dahilan, nahirapang maglakad si Misis dahil sa may nangyari sa kanyang tuhod.
Ang isang box-office superstar na malapit naman kay Bea, hindi na rin tuloy ang lipad pa-Spain.
Kaya pumuwede nang mag-guest ang box-office superstar sa forthcoming concert ng isang sikat na singer.
JERRY OLEA
Ibinulong ng insider na source ng PEP Troika, usap-usapan na rin daw sa Filipino-Chinese community itong isyu ni Bea Alonzo sa pamilya ni Vincent Co.
Sa simula pa lang ay hindi na raw talaga pabor ang parents ni Vincent sa relasyon ng dalawa.
Nagkasundo na raw sana sa prenup agreement, pero may hindi pa beripikadong impormasyon na may bigla umanong ipinadagdag ang ina ni Vincent na clause sa contract.
Hindi alam kung ito nga ang isyu sa prenup, pero tumanggi raw si Bea.
Nakasaad pa raw sa pinapipirmahang prenup na titira sila sa bahay ng magulang ni Vincent. Magkakasama silang lahat.
Ayaw raw ni Bea.
Gusto raw niyang nakabukod silang mag-asawa. Kasi, nakabukod naman daw sa sariling condo si Vincent.
Pero sabi ng ilang Filipino-Chinese, ganun daw talaga sa kanila. Gusto ng magulang na magkakasama silang lahat kahit may kanya-kanya nang pamilya.
Hay, naku… kaugnay sa ViBe [Vincent-Bea] wedding at sa taping ng teleseryeng Whispers from Heaven, napaawit ako ng chorus ng 2006 hit song ni Asia’s Songbird:
Urong sulong ka
Bakit ka ganyan
Urong sulong ka
Urong sulong ka
Bakit ka ganyan
Urong sulong ka
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co's wedding date
