JERRY OLEA
Ang wake/urn viewing ni Sue Prado ay mag-uumpisa ng Abril 17, 2026, Biyernes ng 1:00 P.M., sa Diligence Chapel ng Loyola Memorial Chapels and Crematorium, Commonwealth Avenue, Quezon City.
Tatagal ang lamay hanggang Abril 20, Lunes ng 5:00 P.M.

Nag-post si Elijah Canlas ng tatlong broken heart emoji sa X (dating Twitter). Gumanap si Sue bilang Leila Lazaro, ang ina ni Cairo Lazaro (karakter ni Elijah) sa Pinoy BL series na Gameboys.
MORE TRIBUTES FOR LATE ACTRESS SUE PRADO
Ngayong Huwebes, Abril 16 ay patuloy ang pagpupugay kay Sue sa Facebook.
ANGELI BAYANI
“There are souls who pass through a room and leave it brighter, braver, more human. Sue was one of them.
“She stood not only in the light, but for others — to lift, to protect, to remind us of the dignity of our craft and the worth of every actor who dares to step into truth.
“Her heart made space where there was none, and her courage gave voice where there was silence.
“We grieve her loss deeply. Our community feels the quiet she leaves behind. “
From all of us, we hold her family and loved ones in our prayers, wrapped in gentleness and strength in this difficult time.
“And to you, Sue -- thank you for standing with us, and for us. Your light does not leave. It continues in every artist you helped rise.”
PINKY AMADOR
“Paalam Sue M. Prado higit 2 months tayong magkasama at magka-eksena bilang ‘Mildred’ nuong nakulong (ng ilang beses) si ‘Moira Tanyag’ sa Abot Kamay Na Pangarap…
“Maraming salamat sa pakisama, pagmamahal sa sining, at pagka-mapagbigay habang nasa set tayo.
“You will be missed. Vaya con dios”
VINCENT DE JESUS
“Oh my dear God. I don’t know how to make sense of this. I love you, Sue.”
"AWIT PARA SA MGA MAHAL NATING NAUNA"
V. DeJesus
Gumising nang maaga’t hindi nagpaalam
Lumisan na walang gamit na dala
Nakagayak, suot ay postura
Di binanggit kung saan pupunta.
Iniwan ang iyong sapatos at nakayapak
Marahil upang hindi marinig ang iyong mga yabag
Paglabas ng pintuan parang bulak kang lumipad
Tinangay sa hangin ng mala-ulap mong pakpak.
Ang iyong amoy
Ang iyong ngiti ay babaunin ko
Isisilid sa aking bulsa
Na parang isang pirasong araw mo
At kapag ang langit ay nananakot
Nagbabadya
Dudukutin ko ang ‘yong alaala
At isasaboy sa kawalan
At mag-aabang
Hanggang sumikat muli ang araw
Ng malambing mong himbing.
Nauna ka lang.
Darating ang panahon
Na lahat tayo’y kakailanganing
Magka-pakpak at kumalas
At sa ating paglutang, pag-angat, paghimpapawid
Ang luha’y magiging ulap
Ang ulap magiging ambon
At sa pagluha ng langit ng ulan
Tayo’y magsasamang muli
Sa iisang pugad
Na puno ng mga natuyong luha ng pangarap
Ng mga ngiting pinagsaluhan ng lahat At ang tubig-ulan.
Ang tubig-ulan.
Walang nawala
Hindi ka nawala
Nauna ka lang.
THE IDEAFIRST COMPANY
“The IdeaFirst Company mourns the passing of Sue Prado.
“Sue was more than just a versatile actress; she was a quiet force who brought unparalleled depth and authenticity to every role she touched.
"We were honored to have her in our productions, from Barber’s Tales, Kalel, 15, Big Night, and Your Mother’s Son, to the series Gameboys.
“Thank you for the stories, the dedication, and the grace you shared with us, Sue. You will be deeply missed.”
KAPUSO MO, JESSICA SOHO, GMA PUBLIC AFFAIRS
“Maraming salamat, Sue Prado
“Isang mahusay na aktres na nagbigay-buhay kay Mariang Labo sa KMJS Gabi ng Lagim V noong 2017, at nag-iwan ng alaala sa bawat manonood.
“Paalam at maraming salamat, Sue Prado”
DULAANG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
“Dulaang UP mourns the passing of Sue Prado (1981–2026).
“A deeply respected actor in theatre, film, and television. Sue was known for her commitment to truth in her work. She approached each role with care, rigor, and generosity.
“She was part of Dulaang UP productions of The Country Wife / Ang Misis Kong Promdi (2014) and Distrito De Molo's Venus De Molo (2016) both as an actor where she brought strength and sensitivity to the stage.
“We will continue to remember and honor her for her kindness, humility, and passion for the craft she devoted herself to.
“We extend our deepest sympathies to her family, friends, and collaborators.
“Her work remains with us.”
Read: Actress Sue Prado dies at 44
FAMILY FEUD PHILIPPINES
“Masasayang alaala ang iniwan ni Sue Prado sa mga manonood ng Family Feud. Isang payapang paglalakbay, Sue.”
GUILD OF ASSISTANT DIRECTORS AND SCRIPT SUPERVISORS OF THE PHILIPPINES
“‘You must use your breath the best possible way. And speak. Shout if you must. Speak for those who can’t.’ - Sue Prado
“Rest in Peace, Sue. Thank you for sharing your light and your incredible gift. You will be deeply missed, but your art will live on forever. Deepest condolences to her family and loved ones.”
REGAL ENTERTAINMENT
“Rest in peace, Sue Prado
“Your Regal Family will always be thankful for your contribution in the movie industry. We are praying for your soul.”
CCM FILM PRODUCTIONS
"Ang buong CCM Film Productions ay nakikiramay sa pamilya, kaibigan at mahal sa buhay ni Ms. Sue Prado.
"Maraming salamat sa iyong talento at kontribusyon sa industriya. Mananatili ka sa aming mga puso."
RAYMOND RED
“Hindi ko alam sasabihin. Nung Monday last message ko sa iyo sana maka attend ka screening ng film natin this weekend sa Fdcp. Nauna ka na pala sa Himpapawid nitong Martes. “Mapayapang paglalakbay Sue Prado”
ELY BUENDIA
“I am shocked and saddend at Sue Prado’s passing. I’ve had the pleasure of working with her, and during our short time together I saw her passion and generosity shine through.
“The film community has just lost an amazing actress and a beautiful human being.”
KENKEN NUYAD
“Paalam ate Sue M. Prado ilang beses kitang nakasama sa nga Projects yung una sa Liway at ang huli sa Magpakailanman ikaw ang nanay ko doon salamat at proud kja sa akin ma miss ko yung malambing mong boses at ang tawag mo nga sa akin na ako ang favorite mong tenga sa universe ...salamat ate sa talento mo na ipinakita sa mundong ito fly high ate you are always in my heart”
TERI MALVAR
“isa sa mga unang ate ko sa industriya “mamimiss kita ate sueeee huhu”
ROYCE CABRERA
“Nakakabigla… Paalam ate! Hanggang sa susunod na chikahan”
YASSER MARTA
“Salamat sa lahat ng masasayang alaala ate Sue paalam at hanggang sa muli.
MHACK MORALES
“Salamat po sa mga advice Ate Sue and sa pag comfort sa premiere night ng DESPERADA, r.i.p we love you
“Tama ka nga po. maikli lang ang buhay. Express natin ang pagmamahal sa mga taong mahal natin, kasi di natin alam kung hanggang kailan tayo sa mundo.”
RUBY RUIZ
“Lagi mo kong sinusurprise Sue M. Prado .... i love you... travel peacefully”
GELEEN EUGENIO
“My heart is so broken for the passing of a very good actress,SUE PRADO
“At the taping of GMA Born to be a Star I was her sick mother and she was my loving daughter who sacrificed so much for me… a very heartbreaking intimate scene between a mother and daughter…
“Coming out soon… Am going to miss you Sue… I Love you”
THEA TOLENTINO
“Gone too soon ate Sue. I'm so honored to have worked with you ate. Isa ka sa mga pinaka mabait at sweet na taong nakilala ko. Inspirasyon ka sa aming mga aktor.
“May you rest in eternal peace. You will be deeply missed. My heartfelt condolences to your family and loved ones.”
ADOLF ALIX JR.
“Maraming Salamat Sue. Still grappling for words but you are one beautiful and kind soul…”
FRANNIE ZAMORA
“Ang Aga mo nag Curtain Call Sue M. Prado …Hindi pa naipalabas yung movie na pinag bidahan mo. Ma m? miss ko yung kainan at halakhakan natin!”
ANGELO P. REYES
“Still trying to process this.
“Sue M. Prado, you left way too soon. You took a chance on me, flying all the way from Manila to Virginia to help bring my concept to life. That meant more than I can put into words.
“You were one of the best actors I’ve met—truly committed to the craft, and it showed in everything you did. We had so many plans ahead.
“I’m really going to miss you. “Rest easy, Sue.”
GILBERT OBISPO
“Isa siya sa mga artistang hindi ko makakalimutan — hindi lang dahil sa husay niya, kundi dahil sa tiwala na ibinigay niya sa akin bilang direktor.
“Sa pelikulang EDWINA, pinili niyang sumugal, sumabay sa vision, at ibigay ang buong puso niya sa bawat eksena.
“Napakagaling mong aktres, Sue. Pero higit pa doon, isa kang taong may malasakit sa sining.
“Maraming salamat sa tiwala, sa dedikasyon, at sa mga alaala sa set.
“Paalam, Sue. Rest in peace.”
FRANK RIVERA
“Parang Pelikula lamang ang buong Buhay mo -- napakakulay, maraming pagsubok, masaya, malungkot, maikli...
“Paulit-ulit na panonoorin.
“Hindi ka malilimutan.
“PAALAM, SUE, KKK “(Kasining, Kapanalig, Kapatid)!”
MONTI PARUNGAO
"BLESSED, SUE
"In almost 40 years in this industry, I learned to protect myself. I stopped trying too hard to fit in, because it’s not easy to find real and genuine people here. I accepted that… until life brought me a few who proved me wrong—Manilyn Reynes, Thea Tolentino, Richard Quan, Jay Gonzaga… and you, Sue Prado.
"You were not just someone I worked with. You were someone I could lean on. When I was fighting for my life, you were there. You helped in so many ways—not just financially, but more importantly, you gave me strength when I was weak. You reminded me I was not alone.
And now, you’re gone.
"It hurts deeply. It feels sudden, and it’s hard to understand. But even in this pain, I try to find comfort knowing you left in peaceful manner. No pain. No hospital bills. No worries. You just left … the kind you deserve. I wish to have the same fate.
"Still, it’s hard to accept that you’re no longer here with us.
"Thank you, Sue, for your kindness, your honesty, and your heart. You were one of the few real people I found in this industry, and I will never forget that.
"I will miss you.
"Until we meet again."
SUE PRADO'S WISH
Read: Colleagues, film industry organizations pay tribute to Sue Prado
NOEL FERRER
Kapwa emotional sina Direk Louie Ignacio at Mhack Morales sa gala premiere ng Sinag Maynila 2026 film nilang Desperada noong Marso 23 sa Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.
Ipinagluluksa kasi noon ni Direk Louie ang pagpanaw ng kanyang ina, samantalang ipinagluluksa ni Mhack ang pagyao ng kanyang lola.
Mensahe ni Sue sa mga nanood ng Desperada: “Maraming-maraming salamat sa lahat ng bumubuo nitong proyekto na ito. Ahhm salamat po sa inyo, kasi kahit mahal po ang petrolyo, nandito po kayo.
“Kasi napakamahal pong bumiyahe ngayon! Kahit na isang kendeng lang ang Cubao, di ba? Mararamdaman mo.
“Pero higit po sa lahat, ahh personally po, hindi man po ako kamag-anak pero iniaalay ko po ito para sa mama ni Direk Louie, sa lola ni Mhack.
“Siyempre masakit na nawalan tayo ng mahal sa buhay pero sigurado ako… ang lola mo, Mhack… ang mama mo, Direk Louie…
“Naku! Baka tuma-tumbling iyon sa clouds! Kasi, sobrang proud nila sa inyo!
“And of course, with that, maikli lang po ang panahon natin sa mundo. Kaya i-express po natin ang pagmamahal natin sa mga mahal natin.
“Kasi hindi natin alam kung hanggang kailan.”
Paborito ni Direk Louie si Sue kaya isinama niya ito sa pelikulang The Flying Red Balloon na magsyusyuting sa Taipei City, Taiwan, bago matapos ang buwan.
Dumalo si Sue sa storycon ng nasabing pelikula noong Abril 11, Sabado, sa Mellow D Cafe, Roces Avenue, Quezon City.
Nang usisain doon ni Ka-Troikang Jerry si Sue kung ano ang wish niya, ang tugon ng premyadong aktres, “Yung totoo? Mamatay na si Trump! Seryoso! Gusto ko talaga, tumahimik na iyung mundo.
“Di ba? Kasi especially, iyung Pilipinas ahhmm… wala tayong proteksyon, e. Di ba?
“Ang nanggugulo talaga, silang mga malalakas na bansa. O, anong nangyari sa Pilipinas? Naiipit tayo, di ba?
“Gusto lang naman nating mabuhay nang maayos, e. Pero it’s been becoming hard.
“Kahit na gusto nating maging maayos na tao, dahil nag-aagaw-puwersa itong mga malalaking ito, iyung mga malalakas… di ba, tayo, gusto lang mabuhay nang disente. Naiipit tayo.
“So that’s what I really wish for. Tumahimik na sila.”

GORGY RULA
Sa Facebook post ni Direk Jose Johnny Nadela, inilahad niya na napansin ng mga kaibigan ni Sue Prado na parang nagpapaalam na ito.
May premonition ba si Sue?
Lahad ni Direk JJN: “Miss Sue M. Prado .. Kaya pala kakaiba mga linyahan mo nong premiere night ng pelikula nyo.
“Naramdaman kita at gusto pa sana kita i-message at biruin kung bakit parang nagpapaalam ka na... Ganon ang nabuo nating pagkakaibigan yung kaya kitang biruin...
“Ikaw ang bukod tanging artistang di ako tinatawag na direk kundi first name basis lalo na pag tayo na lang dalawa nag uusap... Kaya alam ko close tayo... Siguro tinatawag mo lang akong direk, kasi baka sabihin ng iba wala kang respeto sa akin.
“Pero grabe... ramdam ko yung respeto mo sa akin at tiwala mo sa akin as ur director... yung pag nagbibigay ako ng instructions nakatingin ka talaga sa direktor mo, nakikinig... at nagtatanong ka kung kinakailangan... Ganun mo kamahal ang craft mo... No wonder... ang husay husay mo!
“Kaya nga nong una kitang makatrabaho sa mainstream, aaminin ko na starstruck talaga ako sayo bilang lodi kita sa mga indie films... nasabi ko yan sayo, natawa ka lang.
“Kaya lalo ako bumilib sayo miss Sue... di mo pinaramdam na maiilang ako bilang baguhang direktor ako... basta gawin ko trabaho ko, gagawin mo assignment mo at open tayo sa collaboration, nakikinig ka kaya makikinig din ako sayo, kung ano ikagaganda ng eksena don tayo pareho...
“Ganon lagi galawan natin... mula sa mga anthology na ginawa natin gang nagkasama na nga tayo sa isang soap opera, na mas lalong nagpatatag sa ating pagkakaibigan at bilang magkatrabaho...
“Hindi matatawaran ang mga binigay mo sa aking mga payo at pampalakas loob para lalo pa akong magtiwala sa sarili ko bilang direktor...
“Kaya isang pagsaludo at taos pusong pasasalamat ang pabaon ko sa iyong paglisan... Miss Sue ...Hindi ka namin makakalimutan... hanggang sa muli my FAVORITE ACTRESS!
“Sabi nga nila DIRECTING IS 90% CASTING... Kaya i-cast nyo ang isang Sue Prado... at maniwala ka 10% na lang ang tatrabahuin mo bilang direktor...”
