PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Colleagues, film industry organizations pay tribute to Sue Prado

Sue Prado, malaking kawalan sa Philippine showbiz industry.
by PEP Troika
Published Apr 16, 2026
sue prado tributes
Colleagues, friends, and various film industry organizations paid tribute to actress Sue Pardo, who passed away on April 14, 2026, at the age of 44.
PHOTO/S: Mercedes Cabral Facebook

JERRY OLEA

Na-late ng dating si Sue Prado sa storycon ng pelikulang The Flying Red Balloon noong Abril 11, 2026, Sabado, sa Mellow D Cafe, Roces Ave., Quezon City.

Nagpasabi naman si Sue sa line producer na si Dennis Evangelista na male-late siya.

Sabi pa ni Dennis sa Q&A, maging si Rebecca Chuaunsu na kasama rin sa cast ay male-late din.

Nang dumating si Sue ay ako na ang nakatokang magtanong. Inusisa ko siya kung ano ang wish niya.

Yung story kasi ng movie ay kaugnay sa wish fulfillment. Iyon ang unang question sa panelists sa mediacon.

Nakakagulat na sagot ni Sue: “Yung totoo? Mamatay na si Trump! Seryoso! Gusto ko talaga, tumahimik na iyung mundo.

“Di ba? Kasi especially, iyung Pilipinas ahhmm… wala tayong proteksyon, e. Di ba?

“Ang nanggugulo talaga, silang mga malalakas na bansa. O, anong nangyari sa Pilipinas? Naiipit tayo, di ba?

“Gusto lang naman nating mabuhay nang maayos, e. Pero it’s been becoming hard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit na gusto nating maging maayos na tao, dahil nag-aagaw-puwersa itong mga malalaking ito, yung mga malalakas… di ba, tayo, gusto lang mabuhay nang disente. Naiipit tayo.

“So that’s what I really wish for. Tumahimik na sila.”

Matapos ang open forum, habang karamihan ng reporters at vloggers ay nag-interbyu kay McCoy de Leon, chinika-chika ko pa si Sue kaugnay sa saloobin niya sa mga kaganapan sa bansa, at naiulat namin iyon dito sa PEP Troika.

Walang ibang reporter o vlogger na nag-interbyu kay Sue after the storycon that Sunday.

Miyerkules ng gabi, April 15, nagulantang ang buong showbiz industry dahil sa balitang pumanaw na si Sue, 44.

Kinumpirma ng kakambal ni Sue na si May Shereen Prado ang nakakagimbal na balita sa pamamagitan ng social media post.

April 14, 2026 ang petsa ng kamatayan ni Sue, na magdiriwang sana ng kanyang ika-45 kaarawan sa May 18.

Read: Actress Sue Prado dies at 44

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

COLLEAGUES AND FRIENDS PAY TRIBUTE TO SUE PRADO

Pagkatapos kumalat ang balita tungkol sa pagpanaw ni Sue ay sunud-sunod na ang social media posts ng mga kasamahan niya sa industriya at iba't ibang organisasyon upang magbigay-pugay.

DENNIS EVANGELISTA

Facebook post ng line producer na si Dennis Evangelista ngayong Abril 16, Huwebes ng umaga: “Una kong nakatrabaho si Sue M. Prado sa drama anthology na Pangarap Kong Jackpot sa PTV-4 kung saan tumutulong ako sa pag cast.

"Kinuha ko pa siya nun na mag host sa isang mall event. Until naging manager na niya ang BFF ko na si Ferdy Lapuz.

"Gusto ko si Sue kasi bukod sa napahusay na artista — very Pinay ang kanyang beauty at hindi retokada.

“Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siya naka-work — pinaka memorable ang AREA na napahanga niya ako sa husay niya. Isa siya dito na pokpok na may mga anak na kasama niyang nakatira sa casa. For her nuanced and brave performance nominated siya ng Best Supp actress sa AIFFA Malaysia.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ni-recommend ko siya sa PUNE FILM FESTIVAL sa INDIA bilang JURY. Super grateful siya sa akin. Nagpasalubong pa siya ng shawl mula sa India.

“Hindi ako sure kung last film na niya ang Sinag Maynila DESPERADA. Naka attend pa siya ng press con at premiere night nito.

“Last week, naka-attend pa siya ng story conference ng upcoming film na The Red Flying Balloon kung saan may mahalaga siyang role sana — super sorry siya dahil na late.

“Hindi ko alam kung bakit ramdam ko na parang may lungkot siya ng mga oras na yun. Natuwa siya ng abutan namin siya ng bulaklak.

“Ang gesture niya na tumatak sa akin that particular time — Dumaing ako na may masakit sa braso ko. Then may kinuha siya ointment sa bag niya saka niya pinahid sa may masakit sa braso ko — siya mismo nagpahid.

“Then, sabi ko after the event sabay tayong kumain order kita ng masarap na food. Bet na bet niya tuna salpicao ng kumain kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nuong gala premiere ng Desperada — ang sabi niya sa Q and A — ‘Maiksi ang buhay ng Tao kaya ipakita natin ang ating pagmamahal sa mga mahal natin sa buhay…’

“Paalam Sue, hindi ka lang award winning actress kilala ka rin sa pagbibigay ng malasakit sa mga ka-trabaho mo sa industriya. Hindi ka namin malilimutan. Salamat sa iyong talento…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FERDY LAPUZ

FB post ng manager niyang si Ferdy Lapuz: “Paalam, Marissa. Iyan kasi ang tawag ko sa kanya. Siya ang panganay sa mga alaga ko simula noong 2011.

“Maraming salamat sa iyong pagtitiwala at mahal na mahal kita, Sue...

“Pasensya na po dahil kakatanggap ko lang ng balita at hindi ko masagot ang inyong mga mensahe.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LOUIE IGNACIO

FB post ni Louie Ignacio na direktor ng Area, Desperada, at ng magsusyuting pa lang na The Flying Red Balloon: “Mahal kita Sue M. Prado [three black heart emojis] Maraming salamat sa pagkakaibigan at pagmamahal sa Industriya ng Pelikulang Pilipino

“Napakahusay mong Aktres. R.I.P.”

Read: Sue Prado, naghayag ng opinyon tungkol sa fuel crisis

NOEL FERRER

Best supporting actress si Sue Prado sa Cinemalaya 2024 para sa regional film na Kantil.

Hindi siya naka-attend sa awards night dahil may prior commitment siya sa ibang bansa.

Pero bago ang Cinemalaya 2024 awards night ay naging panelist siya sa isang forum ng nasabing indie filmfest sa Ayala Malls Manila Bay.

CINEMALAYA

Pagpupugay ng Cinemalaya sa kanilang Facebook page: “Rest in Peace, Ms. Sue Prado.

“Veteran actress and Cinemalaya artist, Sue Prado, has passed away on April 14, 2026, at the age of 44.

“The Cultural Center of the Philippines and the Cinemalaya Foundation mourn her passing. As we remember her remarkable life, her legacy lives on through the films she brought to life, the stories she helped tell, and the people she inspired.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Her warmth, grace, and kindness will always be remembered by the CCP, Cinemalaya community and Philippine cinema.

“Our deepest condolences to her family and loved ones. Maraming salamat, Ms. Sue.”

Maraming iba pang nagpugay kay Sue sa Facebook.

AKTOR-LEAGUE OF FILIPINO ACTORS

Pahayag ng AKTOR-League of Filipino Actors: “And above all else, truth. That is the secret sauce of the talent that is @pradosue. In her craft, in her relationships, to her family and in life, Sue’s north star has always been her commitment to truth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We will miss you, kapatid. The industry has lost one of its brightest tonight. Fly high, Sue. Into the light of the dark black night.”

FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES

Saad ng FDCP: “Lubos na nakikiramay ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamilya at mahal sa buhay ni Ms. Sue Prado - Aktres (1981 - 2026)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang iyong kontribusyon sa industriya ng Pelikulang Pilipino ay mananatili nakatatak sa aming puso.

“Maraming salamat at paalam, Ms. Sue.”

FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES

Pahayag ng Film Academy of the Philippines (FAP): “The Film Academy joins the Philippine film industry in mourning the passing of one of this generation’s best actresses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ms. Prado starred in the acclaimed films Barber’s Tales, Kamera Obscura, Your Mother’s Son, Ganap Na Babae, Pitong Kabang Palay, along with her award-winning performances in Manila Skies and Kantil.”

MANUNURI NG PELIKULANG PILIPINO

Saad naman ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, na bumubuo sa Gawad Urian: "The Manunuri ng Pelikulang Pilipino expresses its sympathies to the family, friends and loved ones of Sue Prado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sue received the Gawad Urian for Best Supporting Actress for Himpapawid (2010). She was nominated for the Gawad Urian for Best Actress for Alma-Ata (2018).

"She was a human rights advocate and a champion of film workers' rights."

SINAG MAYNILA

Mensahe naman ng Sinag Maynila: "Rest in peace, Sue Prado

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Our heartfelt condolences go out to her family, friends, and loved ones during this difficult time.

"A veteran actress of remarkable talent, her legacy will continue to live on through the lives she touched and the work she shared."

ABS-CBN SAGIP-PELIKULA

Paggunita ng ABS-CBN Sagip-Pelikula: “We remember Sue Prado, a veteran actress whose presence enriched Philippine cinema and television.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Her contributions have become a meaningful part of our industry, and she was also a valued partner in our film restoration efforts.

“Her legacy will continue to live on in our hearts and minds.

“Maraming salamat sa iyong sining at ambag sa pelikula at telebisyong Pilipino.”

SUE PRADO'S CAUSE OF DEATH STILL UNDISCLOSED

Bilang mamamahayag, maraming nagtatanong ukol sa biglang pagyao ni Sue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero tinigilan ko nang magtanong — ano bang nangyari? Ano ba talaga ang cause of death?

Pero dahil walang binabanggit ang pamilya, iginagalang natin yun.

Basta, ipinagdarasal natin siya at nagpaparating tayo ng pakikiramay sa mga pamilya at kaibigan ni Sue.

Read: ABS-CBN denounces "PR attacks" against network amid family dispute

GORGY RULA

Handpicked ni Direk Louie Ignacio si Sue Prado para gumanap na Tita Belle sa The Flying Red Balloon.

sue prado the flying red balloon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin si Sue sa feature length film ni Direk Louie na Desperada, na kalahok sa Sinag Maynila 2026 filmfest noong Marso 23-Abril 1.

Markado ang papel ni Sue sa Desperada bilang Mama Miriam, na katuwang si Sister Carol (Mercedes Cabral) sa pagkupkop sa mga taong may mental health problem.

Nominadong best supporting actress si Sue sa nakaraang Sinag Maynila for her performance sa Desperada. Ang nagwagi sa nasabing kategorya ay si Mercedes para sa Ang Bangkay.

MERCEDES CABRAL

Facebook post ni Mercedes o Chedeng ngayong Abril 16, Huwebes: “araw araw. lagi lagi toots. Sue M. Prado.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MORE TRIBUTES FOR SUE PRADO

Narito ang iba pang FB posts kaugnay sa pagpanaw ng premyadong aktres...

Shoutout ni Direk Chito S. Roño, “Rest well Sue.”

Sabi ni Direk Adolf Alix Jr., “Maraming Salamat Sue. Still grappling for words but you are one beautiful and kind soul…”

Post ni Cedrick Juan: “Sue M. Prado, simula pumasok ng pagpepelikula noong 2016, sa Oro, isa ka na sa napakagaan katrabaho, sobrang professional at makatao sa lahat. Nakakagulat naman ito ng sobra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maraming nagmamahal sayo. Mahigpit na pagyakap sa lahat ng mas malalapit pang kaibigan at kapamilya.”

Wika ni Kiko Matos: “Sue, hindi ako makapinawala na wala ka na. Isa ka sa mga taong may taglay na liwanag na kahit anong kadiliman o bigat na pinagdadaanan ay kaya mong pagaanin at pasiyahin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Salamat sa pagkatao mo Sue M. Prado. Hinding hindi kita malilimutan.”

Hinagpis ni Orlando Sol: “Sue M. Prado kapatid... Bakit namn ganon ... nkakalungkot,.

“May rehearsal pa tayo mamaya para MusicalPlay na gagawin ntin.. first reading natin mamaya eh..

"Ang saya pa natin sa Audition 3days ago.. nag bibiruan pa tayo dalawa.. dahil magkakatrabaho ulit tayo dalawa and magkapartner pa tayo dito sa gagawin nting Musical Play. Exited panaman ako dito sa musical play nating gagawin..

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mag pahinga kana kapatid ko.. I will miss you SUE.. I love you kapatid ko..”

Read: Rob Sy breaks silence on bullying allegation against son, complaint filed by Alfred Vargas and wife

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Colleagues, friends, and various film industry organizations paid tribute to actress Sue Pardo, who passed away on April 14, 2026, at the age of 44.
PHOTO/S: Mercedes Cabral Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results