GORGY RULA
Idinaan ni Enchong Dee sa pagpu-post sa kanyang social media account ang pagkadismaya niya sa Air France nang magbiyahe siya pa-Madrid, Spain, pabalik ng Pilipinas.
Ipinost ng aktor sa kanyang IG story ang detalye ng karanasan niya sa naturang international airline.
Ayon kay Enchong, na-offload ang kanyang flight papuntang Madrid dahil daw sa kanyang visa.
Desisyon lang daw iyon ng ground staff ng Air France sa Bangkok, Thailand, hindi ng Immigration officers.
Wala raw siyang magawa kundi sumunod na lang dahil natakot siya sa sinabi sa kanyang posibleng ma-revoke ang kanyang Schengen visa.
Ang Schengen visa ay isang uri ng short-stay permit kung saan maaaring bumiyahe ang holder nito sa 29 bansa sa Europe ng hanggang 90 araw sa loob ng 180-day period.
Dahil sa nangyari, napilitan si Enchong na bumili ng panibagong ticket sa Air France pa rin patungong London, England, bago siya tumuloy sa Paris, para masunod lang ang travel requirements.
“So, I bought a new ticket to land straight to London then went to Paris to follow the rules still flying with Air France, kasi baka tama naman sila,” bahagi ng post ni Enchong.
Ayaw na lang niyang dagdagan pa ng kanegahan kaya chill na lang daw siya.
“Sure, these things happen. It’s part of traveling. I’m chill. I went through my trip peacefully,” sabi pa ng aktor.
Read: Bon Appetit Your Majesty, Our Unwritten Seoul lead 62nd Baeksang Arts Awards nominees
ENCHONG DEE'S TRAVEL ORDEAL CONTNUES...
Pero hindi pa pala natapos doon ang travel ordeal niya sa Air France.
Nagulat na lang daw siya nang nalaman niyang na-block muli ang isa pa niyang ticket kahit nakapag-online check in na siya.
Kaya nag-decide si Enchong na kumuha ng panibagong flight sa ibang airline para hindi na maantala ang pagbibiyahe niya.
Himutok niya: “So what to do? I bought a new ticket with @etihad instead right then and there.
“Thank God nag ceasefire sa war. I honestly enjoyed the food and comfortability of any Middle eastern airline.
"@airfrance YOU SUCK!”

Read: Dr. Manny Calayan recalls "illicit affair" that ended his marriage
JERRY OLEA
Dahil sa pagkaantala ng biyahe ni Enchong Dee, na-extend ang stay niya sa Madrid at ini-enjoy na lang niya.
Sabi pa niya sa kanyang IG story: “I get to spend an extra whole day in Madrid.
“I’ve seen all their terminals since I’m transferring from terminal to another.
“Baka makita ko pa si Zaldy Co.
“@airfrance again, You Suck!”
Pakiramdaw daw ni Enchong ay may pagka-"racist" ang business class service ng Air France dahil siya lamg umano ang nag-iisang Asian sa flight na iyon papuntang London.
Aniya, “P.S. Business class service of Air France felt racist. Yes, I was the only Asian during that flight to London.”
At this writing, wala pang inilabas na sagot ang Air France kaugnay sa hinaing ni Enchong.

NOEL FERRER
Enchong Dee comes from his truth.
Opinyonado siya, pero sinasabi niya ito nang puno ng passion at conviction.
At ako mismo, naawa ako sa pinagdaanan niya.
But like the Enchong I know, hinahangaan ko sya nang naunawaan at nakita niya ang big picture ng nangyari sa kanya.
Matter of perspective yung last post niya, looking at the good side of things.
Pero sana, sana talaga, hindi na mangyari ito kaninuman!
Read: JM dela Cerna and Marielle Montellano win Your Face Sounds Familiar Season 4
