PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sue Prado, naghayag ng opinyon tungkol sa fuel crisis

Sue Prado, maraming ni-let go dahil sa fuel crisis.
by PEP Troika
Published Apr 13, 2026
sue prado fuel crisis
Sue Prado on actors also being affected by ongoing fuel crisis: “Tumataas ang lahat dahil nga sa krisis ng giyera. Yung fuel, yung petrolyo, tumataas. Pero ang kinikita ng mga tao, hindi naman pataas. So, papaano magkakaroon ng balanse yung usapin na iyon?”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Inaasam ni Sue Prado na wish niyang may masamang mangyari kay US President Donald Trump.

“Seryoso! Gusto ko talaga, tumahimik na yung mundo,” pagmamatwid ng premyadong aktres sa storycon ng pelikulang The Flying Red Balloon noong Abril 11, 2026, Sabado, sa Mellow D. Café, Roces Avenue, Quezon City.

“Di ba? Kasi especially, yung Pilipinas ahhmm… wala tayong proteksiyon, e. Di ba?

“Ang nanggugulo talaga, silang mga malalakas na bansa. O, anong nangyari sa Pilipinas? Naiipit tayo, di ba?

“Gusto lang naman nating mabuhay nang maayos, e. Pero it’s been becoming hard.

“Kahit na gusto nating maging maayos na tao, dahil nag-aagaw-puwersa itong mga malalaking ito, yung mga malalakas… di ba, tayo, gusto lang mabuhay nang disente. Naiipit tayo.

“So that’s what I really wish for. Tumahimik na sila.”

SUE PRADO ON FUEL CRISIS

Apektado ba siya sa pagtaas ng halaga ng fuel?

Mabilis na tugon ni Sue, “Of course. Hindi nga ako nagmaneho ngayon, e. Seryoso! More than a hundred percent ang price hike, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, ramdam siya sa lahat ng aspeto. Hindi lang gasolina.”

Apektado rin ang mga produksiyon sa TV at pelikula.

Naghimutok ang isang beteranong aktor sa Facebook na kesyo mahigit sa kalahati ang tawad ng mga producer sa kanyang talent fee.

Naranasan din ba niya iyon?

Tumango si Sue, “Yun ang masakit. Unfortunately, iyon ang masakit. Kasi nga, ahhmm… disproportionate, di ba?

“Tumataas ang lahat dahil nga sa krisis ng giyera. Yung fuel, yung petrolyo, tumataas.

“Pero ang kinikita ng mga tao, hindi naman pataas. So, papaano magkakaroon ng balanse yung usapin na iyon?”

Nakakalungkot iyon para sa entertainment industry…

“Masyado siyempre. I mean, across the board. Hindi lang sa industriya ng pagpepelikula kundi sa pangkabuuan, sa ating lahat na mga Pilipino,” sabi ni Sue.

“At saka lahat nung tinatamaan ng consequences nung giyera.”

Read: HOW MUCH? Coachella experience for Filipinos

ACT OF VOLUNTEERISM

Nararamdaman ba niyang may mga tumutulong para ma-alleviate ang paghihirap ng mga Pilipino? Nasa gobyerno man o hindi…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I think, you know, unfortunately and sadly, mahirap asahan ang gobyerno,” sambit ni Sue.

“Kasi, more than a month na yung giyera, ano bang alleviation yung nagaganap? I mean, yung PHP5,000 na ayuda, that can never be enough.

“Kasi life goes on, di ba? Nagpapaaral ang mga magulang. Gumagastos para sa pagkain, sa everyday expenses.

“So, ang mas nangyayari, nakakatagpos tayo dahil sa pakikipagkapwa pa rin.”

Nauso muli ang community pantry — magbigay ayon sa kakayahan, kumuha ayon sa pangangailangan.

Sa jeep man o sa taxi, may mga pasaherong hindi na kinukuha ang kanilang sukli sa driver.

May mga tumutulong sa abot ng kanilang kakayahan, gaya nina Donny Pangilinan, Kyline Alcantara, at Beautederm CEO Rei Anicoche-Tan.

“Totoo naman, totoo naman. Pero while it is really good na may ganyang pakikipagkapwa, may concern sa kapwa, iyung ibang mas may kaya,” saad ni Sue.

“Unfortunately… mali siyang nangyayari in the sense that nagsu-survive tayo dahil sa volunteerism.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ibig sabihin, may failure yung gobyerno. Bakit laging kailangang mag-volunteer para maka-survive tayo?

“Anu-ano ba ang priorities ng gobyerno natin, di ba? Hihintayin bang mamatay sa gutom ang mas nakararami bago…

“I mean, i-set nila ang priorities nila nang tama.”

Meron ba siyang panawagan? Ano pa ang inaasam niya?

“Alam mo, ang inaasam ko talaga, matutong magpakatao talaga yung mga dapat nagsisilbi sa bayan.”

Read: Anthony Pangilinan, son Donny cut diesel prices at family station

GORGY RULA

Marami nang ni-let go si Sue Prado.

Aniya, “Ganoon talaga yung buhay, e. Kasama yan sa cycle of life. And I think, letting go is one of the most important parts of living.

“Kasi, letting go is necessary para magkaroon ng space sa mga bagay na mas importante, mas mahalaga at saka tunay na nakatakda.”

Naniniwala ba siyang some wishes find their way back?

“Ahh, yung wish mo, bumabalik? Oo naman kapagka nakatakda para sa iyo, hindi puwedeng hindi mangyari,” sey ni Sue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi puwedeng hindi bumalik, the same way that lessons that need to be learned — hangga’t hindi natututunan, hindi siya matitigil mangyari.

“Hangga’t hindi natututunan ng tao.”

NOEL FERRER

Grabe si Sue Prado, ang sarap kausap at opinyonada. Hindi nangingiming magsabi ng kanyang saloobin sa mga isyu.

Sana lang, mapakinggan at maaksyunan ang kanyang mga hinaing.

At sana, mas mabigyan pa siya ng magagandang roles dahil tunay naman siyang magaling.

Siyangapala, bida sa The Flying Red Balloon sina Liezel Lopez at McCoy de Leon, sa direksiyon ni Louie Ignacio.

Kasama sa cast sina Jayson Gainza, Richard Yap, Lianne Valentin, Paolo Gumabao, Kimson Tan, at Rebecca Chuaunsu.

Magsyusyuting sila two weeks from now sa Taipei City sa Taiwan.

Read: Ian de Leon clarifies he has no personal motive in managing Nora Aunor's legacy

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sue Prado on actors also being affected by ongoing fuel crisis: “Tumataas ang lahat dahil nga sa krisis ng giyera. Yung fuel, yung petrolyo, tumataas. Pero ang kinikita ng mga tao, hindi naman pataas. So, papaano magkakaroon ng balanse yung usapin na iyon?”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results