GORGY RULA
Nagkaroon ng aksidente sa set ng isang drama series na araw-araw nating sinusubaybayan.
Nabundol ng kotse ang aktres na isa sa mga bida sa serye.
Nagkamali ang driver ng kotse sa eksena. Sa halip na iatras niya ang kotse ay umabante iyon papunta sa kinatatayuan ng aktres.
Nahagip talaga ang aktres kaya kaagad siyang isinugod sa ospital.
Ilang araw ring na-confine si Aktres.
Nang kinumusta namin ang kanyang kalagayan, sinabi nitong okay na siya, pero may minor pains lang daw siyang naramdaman sa katawan.
ACTRESS READY TO RETURN TO WORK
Nakiusap si Aktres na huwag na naming isulat dahil gusto lang niya ng tahimik na pag-recover.
Ipinakiusap namin kung puwedeng i-blind item na lang.
Nagsisimula na kasing kumalat ang nangyari at pinag-uusapan kaya mabuting isulat naming okay na siya, at maayos siyang inasikaso ng nasa production.
Baka kasi kung anu-ano pang maglabasang kuwento.
Kaya ngayon pa lang ay nilinaw na ng aktres na okay na siya at handa nang bumalik sa trabaho.
Walang may kagustuhang mangyari ito, kaya ayaw na nilang palakihin pa ang naturang aksidente.
Hindi naman nagpabaya ang nasa production, at maayos nilang inasikaso ang aktres hanggang sa pagka-discharge sa kanya sa hospital.
Pero kailangan lang talaga ngayon ng dobleng pag-iingat.
Leksiyon na rin ito sa ibang TV production na mas lalo pang mag-ingat para hindi na maulit ang nangyari sa aktres.
Read: JM dela Cerna and Marielle Montellano win Your Face Sounds Familiar Season 4
JERRY OLEA
Nasubaybayan ko ang career ng aktres mula pa noong 1987 na nag-umpisa ako sa magasing Jingle Extra Hot, hanggang maging entertainment editor ako ng isang tabloid, at mapunta sa PEP noong Nobyembre 2017.
Respetado at well-loved sa industriya ang aktres, at marunong makisama.
Hindi siya “patola” sa mga walang wawang gimik at intriga.
Kaya mabuting maging malinaw sa lahat na aksidente ang nangyari sa kanya sa set, at hindi siya pinabayaan ng produksiyon.
Dalangin kong maka-recover fully ang aktres sa lalong madaling panahon.
NOEL FERRER
Naalala ko ang aksidenteng nangyari noong Marso 2018 sa set ng teledramang Kambal Karibal.
Tungkol iyon sa putukan ng baril na ang naging casualty ay ang paborito kong aktor na si Christopher de Leon.
Mabilis rumesponde ang lahat at nagamot agad si Papa Boyet.
Wala namang may gustong mangyari yun kasi aksidente nga, pero people took necessary steps and safeguards na sa shoot — lalo na kapag may involved na baril.
Ngayon, kapag nangyayari ang ganito, ano ang lessons learned at steps na gagawin para hindi na maulit?
Ngunit dahil ayaw nang lumaki pa ang issue, people ought to keep it under the rags na lang.
Para wala na lang gulo o walang mawalan o matanggal sa trabaho?
Kung ganoon, ano pa rin ang learning sa sitwasyong ganito?
Read: Ismarteng Aktor at Madiskarteng Aktres, sweet in public pero di talo
