JERRY OLEA
Tatalakayin ang fulfillment ng wisg sa pelikulang The Flying Red Balloon na magsu-shooting sa Taiwan two weeks from now.
Bida rito sina Liezel Lopez at McCoy de Leon, sa direksiyon ni Louie Ignacio. Ang scriptwriters ay sina Acy Ramos at Rish Mangubat-Lunasco.
Kasama sa cast sina Jayson Gainza, Richard Yap, Lianne Valentin, Paolo Gumabao, Kimson Tan, Sue Prado, at Rebecca Chuaunsu.
Sa storycon na naganap nitong Abril 11, 2026, Sabado ng hapon, sa Mellow D. Cafe, Roces Avenue, Quezon City, inusisa ang panelists kung ano ang wish nila.
Pasabog ang sagot ni Jayson: “Sana, maraming gas na makuha sa Pilipinas. Kasi sobrang taas na po ng gas.
“Kahit po sa bakuran namin, kahit sa poso, sana lalabas ang gas. Yun ang wish ko para hindi na tayo umangkat ng gas.
“Naku, grabe. Gobyerno, mahiya naman kayo!”
Read: Pinoy nurse Red Cerezo cast in Chief of War series lauds lead star Jason Momoa
JAYSON GAINZA NAGHIMUTOK SA TAAS NG PRESYO NG GASOLINA
Matapos ang open forum ay tinanong namin si Jayson kung ramdam ba niya ang epekto ng pagtaas ng halaga ng fuel.
Natawa si Jayson: “Hehehe. Oo naman. Kasi dati, full tank ko is mga six [thousand pesos] sa Starex ko.
"Ngayon, parang mga sampu, dose na yata? PHP12K, ha. Sobra! Kaya pag minsan… buti na lang, naka-motor na ako ngayon. Motor na ako pag nagte-taping.
"Ngayon lang ako nagkotse kasi mainit. Pero usually talaga, motor na talaga ako."
Maingat daw si Jayson sa pagmo-motor.
Pag-asam pa niya: “Sana, matapos na ang krisis natin sa gasolina. Kasi, hindi lang naman tayo ang natatamaan, pati iyung mga mamamayan na siyempre naghahanap-buhay din. Lahat apektado, e. Pati mga bilihin natin.”
Ramdam ba niyang taghirap ngayon sa movie and TV industry?
Mabilis na sagot ni Jayson: “Oo naman, oo naman. Kaya eto, pasalamat ako ngayon. Nabigyan ako ng opportunity na mapasama sa pelikula.
“Kasi nga, ang hirap ngayong gumawa ng pelikula. Kasi, alam mo na, malaki ang gastos. Kalimitan ngayon, puro content. Streaming sa Netflix at Prime Video.
“Kaya mahirap. Mahirap talaga.”
JAYSON GAINZA, MAY FALLBACK KAPAG humina ang kita bilang aktor
Ano ang fallback niya sakaling mahina ang raket sa showbiz?
“Yeah, yeah, yeah. Ngayon, meron kaming 5-Star Chicken, meron kami sa Batangas, isa sa Lipa, saka dalawa sa Batangas City,” sagot ni Jayson.
“Kaya ako nag-aral ng culinary, gusto ko restaurant. Lomi house. Pansit.”
Paborito niyang magluto ng lomi, sinaing na tulingan, at iba pang pagkaing Pinoy.
Read: KATSEYE’s Sophia Laforteza proud Filipina at Coachella 2026
NOEL FERRER
First movie ng Dgital Production itong The Flying Red Balloon.
Ipinaubaya ng producer kay Direk Louie Ignacio ang pagpili ng mga artista.
Pahayag ni Jayson Gainza, “Maraming-maraming salamat ho kay Direk Louie. Tatlo ho kasi iyong pinagpilian na gaganap na tatay [ni Liezel Lopez].
“Christopher de Leon, Joel Torre… yes, tatlo po talaga. Maraming salamat, Direk, sa pagtitiwala.”

Integral sa kuwento ang karakter ni Jayson na magdudulot ng comic relief.
Counterpoint iyon sa pagdadrama nina Richard Yap at Rebecca Chuaunsu na gaganap bilang ama at lola ng karakter ni McCoy de Leon.
May pressure ba iyon sa kanya?
“Pressure? Ahhh ganun talaga. Sana, matawa sila sa mga comedy ko. Pero ako naman siyempre, laki ako kay Direk Bobot [Mortiz]. Banana Sundae,” sagot ni Jayson, na ang tinutukoy ay ang skletch comedy show na umere sa ABS-CBN mula October 2008 hanggang April 2020.
Sa pagpapatuloy ng komedyante: “Ito naman, magpapakatotoo lang ako. Kasi pag nagpakatotoo ako, doon ako nakakaisip magbato ng mga joke.
“Puwede akong mag-input. Si Direk naman, open sa ganun, sa mga joke na puwede dito sa pelikula.”
Pangarap ba niyang masundan kahit konti ang mga yapak nina Christopher at Joel?
Napahagalpak si Jayson.
“Hahaha! Oo naman, oo naman. Ako kasi, ah, gusto ko lagi sumugal, e, pag iba-ibang karakter.
“Minahal ko na yung trabaho ko kaya ako gigil na gigil. Sabi ko, pag ako, binigyan uli ng project, pagbubutihan ko.
“Kasi ang tagal kong hindi nagkaroon ng pelikula.”
Ang huli pa yatang movie ni Jayson ay Kusina Kings (2018), na pinagbidahan nina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez, sa panulat at direksiyon ni Victor Villanueva.
“Kaya malay natin, baka mas OK ngayon,” sambit ni Jayson, na wala pang acting award para sa pelikula. Nagka-award siya sa hosting at pagko-comedy sa TV. Pangarap din niyang magka-acting award sa pelikula.
“Sabi nga ng asawa ko, pag umaarte ako, ‘Nakakatawa ka.’ Sabi ko, ‘Uy! Seryoso ako diyan, ha?!’
“Mas gusto ko talaga iyong may thrill, may challenge. Gusto ko maiba naman sa nagawa ko before.
“Yung hindi ako nakikita as Jayson na komedyante. Gusto ko, kontrabida o kaya tatay, ganun.”
GORGY RULA
JAYSON GAINZA REMEMBERS PBB DAYS
First runner-up si Jayson Gainza sa unang edisyon ng Pinoy Big Brother (PBB) noong Agosto-Disyembre 2005. Ang big winner ay si Nene Tamayo.
Kasama sa Big 4 sina Cassandra Ponti at Uma Khouny. Ang iba pang OG housemates ay sina Sam Milby, Rico Barrera, Say Alonzo, Franzen Fajardo, Jenny Suico, Chx Alcala, Bob de la Cruz, Racquel Reyes, at JB Magsaysay.
Dumalaw kamakailan si Jayson sa Bahay ni Kuya, bago iyon gibain.
“Ahhmm noong bumalik ako, naisip ko noong una yung buhay ko dati,” lahad ng Batangueñong si Jayson.
“Tapos sila yung nagbigay sa akin ng daan para siyempre umangat. Kasi iba rin talaga iyong naitulong sa akin ng PBB.
“Nalungkot ako kasi nga, sila yung nakatulong sa akin, tapos, siyempre, sa iba ko ring mga housemates.
“Tapos mababalitaan ko na lang na gigibain, ide-demolish. E, sayang naman, kaya nag-post ako at nagpasalamat din.
“Kasi malaki ang utang na loob ko sa ABS, kay Direk Lauren [Dyogi]. Sa lahat ng bumubuo ng PBB. Doon ako nagsimula.
“At alam ko naman na may plano ang Diyos natin na ibigay din iyong makakabuti na mas bago at mas maganda sigurong PBB House.”
Ang bali-balita, itatayo ang bagong Bahay ni Kuya sa ABS-CBN Soundstage sa Horizon IT Park, San Jose del Monte, Bulacan.
