JERRY OLEA
May pa-hashtag na tanong ang TV5, “Sino si Emman?”
Kaugnay ito ng teleseryeng My Bespren Emman, kung saan bida si JM de Guzman bilang Mateo de Jesus.
Pinost ito ng TV5 sa Facebook kahapon, Abril 10, 2026, at ang ilan sa mga hula ng netizens tungkol sa katauhan ni Emman ay sina Piolo Pascual, Donny Pangilinan, JM Ibarra, Willie Revillame, Vic Sotto, at “MJ” de Guzman.

Meron ding sumagot ng, “Short for Emmanuel, God with us.”
About My Bespren Emman
Pero nasulat na rito sa PEP Troika na nagwa-wonder kami kung ang Emman ay pinaikling Emmanuel, isang Hebrew name na ang ibig sabihin ay “God with us.”
Sa Isaiah 7:14 at Matthew 1:23, ang Emmanuel ay prophecy and title para kay Jesus Christ. Ipinapahiwatig nito ang presence ng Diyos sa sangkatauhan.
Ang original soundtrack ng My Bespren Emman ay pinamagatang "Hesus ng Aking Buhay."
Naka-pin ito sa FB ng TV5 mula nang i-post noong Abril 1, Miyerkules Santo.
Ang titik at musika nito ay likha ni Fr. Arnel Aquino, SJ. at kinanta nina Carmela Lorzano at Rouelle Cariño.
Bahagi ng lyrics: “Gayon ang Panginoon kong Hesus ng aking buhay/ Saan man ako bumaling, Ika'y naroroon
'“Tumalikod man sa ‘Yong dakilang pag-ibig Mo/ Sa aki’y tatawag at magpapaalalang
“Ako’y Iyong ginigiliw/ At siyang itatapat sa puso…”
Nasa cast din ng My Bespren Emman sina Shaina Magdayao, Sid Lucero, at Ai-Ai de las Alas.
Sa Abril 27, Lunes, magpa-pilot ang series, na siya ring araw na magpa-pilot ang A Secret in Prague nina Andrea Brillantes at Enrique Gil, na tinagurian ng Singko bilang Teleserye King.

Maging ang K-drama na The Story of Park’s Marriage Contract nina Lee Se-young at Bae In-hyuk ay sa Abril 27 din ipapalabas.
Mapapantayan kaya o malalagpasan ng My Bespren Emman ang tagumpay ng May Bukas Pa nina Santino Guillermo (Zaijian Jaranilla) at Bro?
Umere ang May Bukas Pa mula Pebrero 2009 hanggang Pebrero 2010. Nag-taping ito sa San Guillermo Parish Church sa Bacolor, Pampanga.
UPCOMING SHOWS OF TV5
Ibinalita rin ng TV5 nitong Abril 10, Biyernes, na nag-umpisa na ang production ng The Good Doctor (Philippine adaptation), kung saan tampok sina Iñigo Pascual, Janella Salvador, Ryan Agoncillo, Gabby Padilla, Mylene Dizon, Gelli de Belen, Dylan Menor, Angie Castrence, at Macoy Dubs.
Ang Project Loki ay mapapanood na sa TV5 umpisa Mayo 23. Tampok dito sina Dylan Menor, Jayda Avanzado, at Marco Gallo.
Iyong reality competition na Artista Academy ay iho-host nina Julia Barretto at Xian Lim, hindi kaya mabantilawan?
Noong Pebrero pa ito dapat eere.
At sa patuloy na pagtaas ng halaga ng fuel, lalong lumalabo ang chance ng comeback project sana ni Derek Ramsay na The Kingdom: Magkabilang Mundo. Nasa cast din nito sina Piolo Pascual, Sue Ramirez, Cristine Reyes, Ryza Cenon, Ruby Ruiz, Zion Cruz, Nico Antonio, at Art Acuña.
Read:
Janella Salvador shows Palawan getaway with son and Klea Pineda
Frankie Pangilinan flexes boyfriend Dan Laurel on Instagram
NOEL FERRER
Noong Marso 23, 2026, pinost ng TV5 sa Facebook ang full trailer ng My Bespren Emman na ang sabi: “Sa gitna ng gulong hindi mo na maintindihan, at kapag sumasabay sa ingay ng mundo ang iyong puso, sino ang sandalan mo?
“Ngayong April, makikilala mo na ang Bespren na hindi ka iiwan. Makikinig kahit wala kang masabi, mananatili kahit mahirap ka nang mahalin.”
Ang hinaing ni Mateo de Jesus sa trailer: “Diyos? Anong Diyos? Walang Diyos!”
Sa panahon ngayon na sobrang ang daming pinagdadaanang pagsubok ng mga Pinoy, salamat sa ganitong palabas na puwedeng mag-inspire sa mga tao at magbigay ng pag-asa at feel-good experience sa gitna na lahat ng hamon natin sa buhay.
Salamat sa grupo nina Enrico Santos, BJ Lingan, at Derick Cabrido na in charge sa teleseryeng ito.
Sila rin ang nag-aayos ng The Good Doctor, na isang important franchise.
GORGY RULA
Itong My Bespren Emman ang napabalita noon na unang teleseryeng ipalalabas ng TV5.
Ibang-iba ito kung itatapat sa fantasy series na Sang’gre ng GMA 7 at maaksiyon na Blood vs. Duty ng ABS-CBN.
Puwede ring makatapat nito ang bagong teleserye ni Coco Martin na Sigabo.
STARS WHO HAVE PROJECTS IN TWO TV NETWORKS
Samantala, nilinaw namin kay Ai-Ai delas Alas kung patuloy pa rin ba ang pagiging Kapuso niya kahit kasali siya sa serye ng Kapatid network.
Sabi ni Ai-Ai, maayos siyang nagpaalam sa mga taga-GMA 7 at pinayagan naman siya. Sparkle pa rin ang nagha-handle ng career niya.
Posible kayang magkaka-show pa si Ai-Ai sa GMA 7, kahit meron siyang My Bespren Emman sa TV5?
Kasali pa kaya ang comedy queen sa pagbabalik ng The Clash?
Hintayin na lang daw ang announcement ng bagong season nitong singing competition ng GMA-7.
Si JM de Guzman ang lead actor dito sa My Bespren Emman, pero nasa cast din siya ng Sigabo.
Noong nagkaroon ng storycon itong bagong teleserye ni Coco Martin, kasama roon si JM.
Paano kung magkasapawan sila ng teleserye ng Kapatid network?
So far, wala pang sagot sa amin ang Sigabo kung bumalik na ba sila ng taping. Aalamin pa namin kung kasali pa rin doon si JM.
Samantala, nasa cast din ng Sigabo si Joey Marquez, na nasa sa The Master Cutter din ni Dingdong Dantes.
Pero guest role lang pala yun at pam-pilot episode lang ang partisipasyon ni Tsong Joey sa The Master Cutter, na sa Mayo pa eere.
So, okay lang kung regular siya sa Sigabo.
Si Roi Vinzon naman ay nagpaalam na sa Sigabo para makalipat sa Kamao ng GMA-7 at masuportahan ang anak niyang si Anton Vinzon.
Nakakaloka! Ang daming artistang walang trabaho, pero nandiyan ang mga artistang kabi-kabila ang ginagawa at nagkakasapawan pa ng show sa magkakaibang TV network!
