PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Dalawang aktor, nagkaroon ng hidwaan dahil sa lupa

May kinalaman kaya sa kanilang hidwaan ang aktres na parehong naugnay sa kanila?
by PEP Troika
Published Apr 9, 2026
blind item dalawang aktor
ILLUSTRATION: Chat GPT

GORGY RULA

Nagkaayos kaya ang dalawang pogi at sikat na aktor na nagkaroon ng hidwaan dahil sa kani-kanyang ari-arian sa isang bayan sa southwestern part ng Luzon?

Malaki ang lupang binili ni Gorgeous Actor para sa gagawin niyang bakasyunan na malapit sa dalampasigan.

Nag-invest siya sa property na ito para maging fallback na rin siya sakaling hindi na siya aktibo sa showbiz.

Tamang-tama, binili naman ni Ravishing Actor ang malaki ring lupa na katabi ng property ni Gorgeous Actor.

THE RIGHT OF WAY

Ewan kung ano ang balak ni Ravishing Actor sa nabiling property. Pero kailangan niyang makahingi ng right of way kay Gorgeous Actor.

Ang siste, ayaw ni Gorgeous Actor na magbigay ng right of way.

Kaya kinailangang ayusin ni Ravishing Actor ang daraanan para makapagpatayo siya ng bahay bakasyunan.

Read: Xyriel Manabat to take action vs TNVS driver over lewd comments

JERRY OLEA

Nauna sa showbiz si Gorgeous Actor, at mas mas may edad siya nang konti kay Ravishing Actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang biru-biruan ng mga nakababatid sa sigalot na ito, baka ang sanhi ay ang sikat na Striking Actress na kapwa nagkaroon ng kaugnayan sa dalawang poging aktor.

May intriga pa noong sinalo ni Ravishing Actor ang isang project na si Gorgeous Actor sana ang katambal ni Striking Actress.

NOEL FERRER

Talaga ba? May isyu pa rin itong Gorgeous Actor?

Sana, makabigayan sila ni Ravishing Actor.

Kasi, hindi natin alam kung ano ang ravage na puwedeng gawin ng katapat niyang aktor dahil makapangyarihan ito ngayon.

Hindi na ito pelikula na naaayos ang lahat ng kanilang leading lady na of striking distance lang.

Sana, world peace na lang!

Read: Malabon diocese apologizes over pigeon cruelty in Salubong

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results