GORGY RULA
Naglabas ang TV5 ng teaser video para sa Star Worx ngayong Abril 9, 2026, Huwebes, Araw ng Kagitingan.
Fourteen (14) seconds lang ang video, kung saan isa-isang ipinakita ang mga letra ng STAR WORX at sa bandang huli ay nakalagay ang "5.5.2026."
Wala pang anunsiyo kung sa Mayo 5, 2026 na ilulunsad ang Star Worx.
Basta abangan na lang daw, sabi ng napagtanungan naming taga-Singko.
WILL MR. M'S MAGIC ALSO WORK ON TV5?
Nang inilunsad si Johnny Manahan, mas kilala sa showbiz sa tawag na Mr. M, bilang bahagi na ng Kapatid network, inanunsiyong siya na ang hahawak sa talents ng TV5 under MQuest Artists Agency o MQAA.
Pero magkakaroon daw ng rebranding, sabi ni Mr. M. Gusto niyang palitan ang MQAA ng ibang pangalan.
“Ang balak namin, to rebrand it,” pakli ni Mr. M.
“Marami pero parang niluluto pa namin. Abangan niyo na lang yun.”
Sinabi rin noon ni Mr. M na may naisip na siyang bagong pangalan ng talent management arm ng Kapatid network, Star Worx.
“Sabi ko nga, Star Worx. Sana matuloy yun. Iyan ang ano ko… it says it all. You work, and work, and work,” saad ng kilalang direktor at star maker.
Read: Johnny Manahan signs with TV5; leads new artist center
Dito mapapatunayan ang magic ng beteranong star builder na maraming napasikat sa ABS-CBN sa pamamagitan ng Star Magic, ang talent management arm ng Kapamilya network.
Nang nawalan ng franchise ang Kapamilya network, pina-handle naman kay Mr. M ang talents ng GMA-7. Pinalitan ang GMA Artist Center ng Sparkle.
Ngayon ay masusubukan ang talents ng Kapatid network sa Star Worx ni Mr. M.
Abangan na lang daw ang official announcement tungkol dito at kung sinu-sino ang mga bagong mukhang ilulunsad at magiging Star Worx artists.
NOEL FERRER
Nang humarap si Mr. M sa entertainment media sa TV5 noong 2025, sinabi nitong ia-apply niya sa Star Worx ang mga natutunan niya sa pag-handle ng mga artista sa loob ng maraming taon.
Saad niya: “Yung mga natutunan namin sa ibang istasyon over the years, yun sana ang gagawin dito.
“Like I said, less mistakes. Kasi ano, e… knowledge na e. Hopefully, we can fiddle around with the machine, and make it more competitive.”
Iba raw ang energy na nakukuha niya sa pag-handle sa mga kabataang may potential maging big star.
“I like working with the young people. I guess that drives me, you know, the energy they give me,” sey ni Mr. M.
Nakakatuwa raw na nakikita niya ang mga pinasikat ng Star Magic na parang barkada na raw ang turing niya.
Aniya: “Pag nakikita ko sila ngayon… si Piolo [Pascual], Claudine [Barretto]. Tawag ko dun, mga barkada ko yun, e.
“I think in the early years of ABS… ang tawag nila sa akin, Coach. Nagba-basketball kami, kung anu-ano ang ginagawa namin. Parang barkada ba. Tropa!
“Over the years, makikita mo sila, you know, booming and doing their own way. Parang lumilipad na sila.
“That is the great satisfaction for me. I’m also humbled by their achievements. And we hope to do that to these young people.”
Read: Xyriel Manabat to take action against TNVS driver over lewd comments

JERRY OLEA
Frontliner ba sa Star Worx si Dylan Menor? Inaasahan nating itotodo ng Kapatid Network ang pagbi-build up kay Dylan this year.
Kung meron nang Star Worx, ano ang kahihinatnan ng Artista Academy na naudlot ang pag-ere noong Pebrero?
At least, may mga showbiz update na tayo sa Singko ngayong nasa second quarter na tayo ng taon.
UPCOMING TV TELESERYES
Sa Abril 27, 2026 ay magpa-pilot ang dalawang teleserye ng TV5 — ang A Secret in Prague nina Enrique Gil at Andrea Brillantes, at ang My Bespren Emman ni JM de Guzman.

Noong Semana Santa ay nagpunta sa hometown kong Lucban, Quezon, si Andrea.
Kababayan ko ang boyfriend niyang si Franchesko Juan “Pankie” Capistrano. Sumama si Andrea sa prusisyon.
Samantala, Mateo de Jesus ang pangalan ng karakter ni JM sa My Bespren Emman.
Sa full trailer (2 minutes 31 seconds), ramdam na ramdam namin ang religious undertones ng teleserye, at naalala namin sina Santino (Zaijian Jaranillo) at Bro sa Kapamilya teleseryeng May Bukas Pa (Pebrero 2009-Pebrero 2010).
I wonder kung ang Emman ay pinaikling Emmanuel, Hebrew name na ang ibig sabihin ay “God with us.”
Sa Isaiah 7:14 at Matthew 1:23, ang Emmanuel ay prophecy and title para kay Jesus Christ. Ipinapahiwatig nito ang presence ng Diyos sa sangkatauhan.
Read: Hubaderos 2026 1Q: The Big Four, Piolo, sexy actors on fire
