PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DongYan, Vic-Vice movies inihahanda para sa MMFF 2026?

Kumusta sa takilya ang I Fell, It's Fine at Wonderful Nightmare?
by PEP Troika
Published Apr 8, 2026
dongyan vic vice mmff 2026
The MMFF has announced the deadlines for script submissions and finished films for this year’s festival. As early as now, talks suggest possible entries could star married couple Dingdong Dantes and Marian Rivera, as well as the highly anticipated team-up of Vic Sotto and Vice Ganda.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

GORGY RULA

Nasa social media account na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang schedule ng kailangang i-submit ng mga interesadong sumali sa MMFF 2026.

Sa Mayo 15 ang deadline ng submission ng Letter of Intent.

Sa film producers na gustong sumali, magpadala muna ng letter of intent sa email nila.

Ang script ay kailangang ma-submit on or before 5:00 P.M. ng June 15, 2026.

Ang finished film naman ay on or before 5:00 P.M. ng September 30, 2026 ang deadline ng submission.

mmff 2026 deadlines
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

POSSIBLE MMFF 2026 MOVIES

May mga napapag-usapan nang movie projects para sa MMFF 2026.

Meron daw gagawin ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, na nagbida sa MMFF 2023 movie na Rewind, ang kasalukuyang may hawak ng record bilang highest-grossing Filipino film of all-time.

May kuwento ring posibleng mag-collaborate sina Vic Sotto at Vice Ganda, na parehong nag-dominate sa MMFF sa kani-kanilang panahon.

Tiyak na meron pang magagandang materials ang mga malalaking film productions kagaya ng Star Cinema, Viva Films, GMA Pictures, at Regal Entertainment.

May iba ring independent producers na nag-iisip ng magandang script na isa-submit sa MMFF, pero alam nilang mas malaki ang tsansa ng mga malalaking film productions.

Totoo bang may pelikulang pagbibidahan daw ng SexBomb dancers? Kainitan kasi ngayon ng Sex Bomb, kaya malay natin baka tuluy-tuloy rin hanggang sa pelikula.

Read: Hubaderos 2026 1Q: The Big Four, Piolo, sexy actors on fire

ARE PRODUCERS STILL WILLING TO PRODUCE MOVIES FOR MMFF?

Mangilan-ngilang producers ding nagsasabing pambata ang gusto nilang isali sa MMFF. Ilang taon na rin kasing wala talagang pambata na dati’y namamayagpag sa MMFF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero iba na ngayon ang sagot sa akin ng ilang producers na napagtanungan ko kung sasali sila.

Medyo nag-aatubili na raw sila dahil sa kinakaharap nating krisis. Nagdadalawang-isip na raw sila dahil sa wala pa tayong katiyakan kung ano ang kahihinatnan natin sa lumalalang giyera sa Middle East.

Nag-shout out sa Facebook si Roselle Monteverde ng Regal ngayong Abril 8, Miyerkules: “How can we stay ‘business as usual’ when rising costs and crisis are changing how people spend?”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang iba pang producers na napagtanungan namin ay naaalangan ding magsugal sa panahon ngayon na hindi na alam ng mga tao kung paano malalampasan ang hirap ng buhay sa patuloy pa ring pagtaas ng gasolina.

Ngayon ay mas inagahan ang pagsasara ng malls.

Siyempre, mababawasan din ng screening time ang mga pelikulang ipalalabas sa mga sinehan.

At sa panahon ngayon, ipa-prioritize pa ba nila ang panonood ng sine?

Paano kaya ang magiging Pasko natin kung patuloy pa rin ang bombahan sa Middle East?

“Katakot na walang pera sa ganitong panahon. Dapat liquid ka,” text sa akin ng isang kilala ring movie producer.

Hirap ngang kumita ang MMFF nung nakaraang taon, ngayon pa kayang halos triple na ang presyo ng gasolina at tuluy-tuloy pa rin ang giyera?

Read: Emmanuel Dela Cruz, sinibak sa Montañosa Film Festival

NOEL FERRER

Iyon na nga ang realidad ng buhay, may krisis at nagtataasan ng presyo ng lahat… kaya kailangan nating magtulungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya sa MMFF Execom, kakausapin ang partner nating cinema operators (CEAP) at producers kung puwedeng babaan ang admission prices to make it affordable.

Hindi lang yan, tingnan natin kung ano pang subsidy o tulong ang puwedeng ibigay sa mga sasali sa taunang festival.

Pero bago nito, excited din ako sa pagbabalik ng Short Film Festival, na ngayon ay pagsasamahan ng MMFF, FDCP, pati na ng QCinema!

Nakakatuwa lang na kahit sa gitna ng krisis, tuloy ang pagkukuwento.

Actually, nakasulat sa kasaysayan na ang pinakamakabuluhang kuwento ay nagagawa sa gitna ng krisis at kalamidad.

Kasi, doon lumalabas ang tunay na pagkatao! Kaya tuluy-tuloy ang bisa ng sining sa pagbubuo at paghihilom ng mga tao, komunidad at bansa!

Read: 1976: The Golden Year of Philippine Cinema

JERRY OLEA

Nang makatsikahan ko sandali si Direk Adolf Alix Jr. sa awards night ng Sinag Maynila 2026 filmfest noong Marso 28, Sabado, sa Gateway Mall II, Cubao, Quezon City, natutuwa siya dahil maraming pelikulang Pilipino ang naka-lineup nang ipalabas this year sa ating mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinost nga ni Direk Adolf sa Facebook recently na dalawang pelikula niya ang magwo-world premiere sa 48th Moscow International Film Festival ngayong Abril 16-23.

Una ay ang drama film na Pila (Queue) na bida ang beteranang aktres na si Gina Pareño.

pila poster

Ikalawa ay ang horror film na Poon kung saan tampok din si Gina Pareño kasama ang yumao nang sina Ronaldo Valdez at Jaclyn Jose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa cast din sina Janice de Belen, Lotlot de Leon, Ara Mina, Bembol Roco, Allen Dizon, JC de Vera, Will Ashley, Martin del Rosario, Kelvin Miranda, at marami pang iba.

poon poster

Ikinakasa rin ni Direk Adolf ang pelikulang pagbibidahan nina Bembol Roco at Hilda Koronel, na gumanap bilang Julio Madiaga at Ligaya Paraiso sa pelikulang Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag (1975).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Arnel Pineda reveals he tried to retire as vocalist of Journey

NEW AND UPCOMING PINOY MOVIES

Noong Abril 4, Sabado de Gloria, ay dalawang pelikulang Pilipino ang nag-open sa local cinemas.

Ang isa ay ang GL drama nina Glaiza de Castro at Rhian Ramos na I Fell, It’s Fine.

i fell it's fine
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa pa ay ang Wonderful Nightmare ng mag-asawang Kim Molina at Jerald Napoles.

wonderful nightmare

Wala pa tayong nakukuhang box-office figures kung fine ba, wonderful or bagsak ang kinahinatnan ng mga ito.

Tatlong banyagang pelikula ang nakasabay ng mga ito na nag-open noong Black Saturday — Super Mario Galaxy Movie, The Drama, at Our House.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Abril 8, Miyerkules, ay dalawang foreign films ang nag-open sa ating mga sinehan, Door Lock at 5 Centimeters Per Second.

Abril 10, Biyernes, ang showing ng How to Make a Killing na exclusive sa SM Cinema, samantalang sa Abril 11 ang BTS World Tour Arirang: Live Viewing from Goyang.

Sa Abril 15 ay dalawang Pinoy movies ang kasadong mag-showing, Umbag nina Marie D. at LJ Ramos, at Huwag Kang Titingin nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Makakasabay ng mga ito ang Lee Cronin’s The Mummy.

Nasa April 22 playdate ang 3 Words nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte; at horror movie na Rosario nina Aubrey Caraan, Jairus Aquino, Lance Carr, Meg Imperial, Rose Van Ginkel, at Suzette Ranillo.

Kasabay ng mga ito ang Michael.

Nasa April 29 playdate ang She Who Must Not Be Named nina Francine Diaz at Seth Fedelin, kasabay ang The Devil Wears Prada 2.

Nasa May 6 playdate ang Almost Us nina Fyang Smith at JM Ibarra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa May 13 playdate ang Midnight Girls nina Sanya Lopez, Loisa Andalio, Jane Oineza, at Jodi Sta. Maria.

Nasa May 27 playdate ang Tayo Sa Wakas nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.

Maaaring magbago pa ang playdates ng mga ito.

Kabilang pa sa Hollywood films na magpapasiklab this year ang The Mandalorian and Grogu, Masters of the Universe, Scary Movie 6, Toy Story 5, Supergirl, Moana, The Odyssey, Spider-Man: Brand New Day, Clayface, Streetfighter, The Hunger Games: Sunrise of the Reaping, Focker-In-Law, The Chronicles of Narnia, at Jumanji 4.

Sa Disyembre bago mag-MMFF ay dalawang pangmalakasang pelikula ang nakatakdang ipalabas… Avengers: Doomsday at Dune: Part Three.

Read: Impersonator Michelle O'Bombshell dies at 48

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The MMFF has announced the deadlines for script submissions and finished films for this year’s festival. As early as now, talks suggest possible entries could star married couple Dingdong Dantes and Marian Rivera, as well as the highly anticipated team-up of Vic Sotto and Vice Ganda.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results