GORGY RULA
Itinuloy ni Yasmien Kurdi at ng mister nitong sa Rey Soldevilla ang paghahain ng reklamo sa Department of Education (DepEd) laban sa dating paaralan ng kanyang panganay na anak na si Ayesha Zara.
Hindi mapigilan ni Yasmien maging emotional kapag pinag-uusapan ang naranasan umanong bullying ng kanyang anak noong December 2024.
Para kay Yasmien, hindi nabigyan ng proteksiyon ng dating eskuwelahan ni Ayesha ang anak na dumanas daw ng pambu-bully mula sa classmates nito.
Mismong si Ayesha raw ang may kagustuhang magsampa sila ng kaukulang reklamo.
Read: Yasmien Kurdi claims daughter Ayesha is being bullied in school
YASMIEN KURDI GRATEFUL TO DEPED FOR ADDRESSING THEIR COMPLAINT
Ngayong Martes, April 7, 2026, ay ipinost ni Yasmien sa kanyang social media account ang saloobin matapos pakinggan ng DepEd ang inihain nilang reklamo.
Saad niya: “We are deeply grateful to Atty. Ade, Atty. Paeng, Atty. Rej, and Atty. Jojo for their unwavering support and guidance to our family. And to all my professors in law school, thank you for your advice and guidance.
“We would also like to extend our sincere thanks to DepEd Secretary @sonnyangara, Mrs. Tootsie Angara, and Ms. Fatima for their support and concern.”
Inilahad ni Yasmien kung ano ang kanilang ginawa sa tanggapan ng DepEd.
Binigyang-diin ng Kapuso actress na hindi lang ito laban ng kanyang anak, kundi pati na ng ibang mga batang nakararanas ng pambu-bully. Dapat daw mapangalagaan ang kanilang kaligtasan.
Sabi pa ni Yasmien sa kanyang IG post: “Last year, upon @ayeshazarasoldevilla’s request, we formally filed our complaint with @depedphilippines with complete and factual evidence. As her parents, we will always stand by her and protect her.
“This is not just about one child, it is about accountability! Under the Anti-Bullying Act (R.A. 10627), schools are required to act, and when they fail, DepEd has the authority to investigate and impose sanctions.
“Thank you DepEd, for listening to Ayesha and prioritizing the welfare of victims.”
Ibinahagi rin ni Yasmien ang contact details kung saan maaaring lumapit ang mga magulang ng mga batang nakararanas ng pambu-bully.
“Parents and kids, SPEAK UP! If schools do not act, you have the right to elevate our concerns:
“TeleSafe Hotline: 33733 (SMART/PLDT)
“Email: weprotectlearners@deped.gov.ph
“Telephone numbers: 8638-1782/8632-1372
“Every child deserves to feel safe, heard, and protected.”
Read: Yasmien fears daughter suffering depression from being bullied
View this post on Instagram
THE COMPLAINT
Hindi gaanong idinetalye ni Yasmien ang nilalaman ng reklamong ipinarating niya sa DepEd.
Sabi ng aktres sa text na niya sa PEP Troika, “The matter was filed in connection with the bullying incident, as well as how the school addressed the situation.”
Ang eskuwelahan lang ba ang inireklamo niya o pati ang classmates na nam-bully diumano sa kanyang anak?
Ayon kay Yasmien, administrative case ito.
Ang ipinupunto raw ng kanilang reklamo ay kung paano tinugunan ng eskuwelahan ang nangyari sa kanyang anak.
Text pa niya: “Nakatuon ang reklamo sa kung paano tinutugunan at hina-handle ng school ang bullying cases, alinsunod sa kanilang responsibilidad.
“Sa ganitong sitwasyon, ang mga bullies ay minors din, kaya ang focus ay hindi sa individual na pananagutan nila, kundi sa sistema at sa actions ng school.
“Posible ring may pinanggagalingan ang behavior ng bata, tulad ng maling pagpapalaki o hindi tamang paggabay sa bahay po.”
Ang ibig sabihin kaya nito ay pananagutin din ang magulang ng mga batang inakusahang nam-bully sa kanyang anak?
Nasa school si Yasmien nang nakaka-text namin siya, kaya hindi na niya gaanong nasagot ang iba pa naming katanungan.
Read: CSA: "No bullying" incident involving Yasmien Kurdi's daughter
JERRY OLEA
Noon nakaraang taon pa namin nakausap si Yasmien Kurdi at ang asawa niyang si Rey Soldevilla tungkol sa nangyari sa kanilang panganay.
Hindi tumitigil ang pag-agos ng luha ni Yasmien habang ikinukuwento ang nangyari umano kay Ayesha.
Pagkatapos ng insidenteng iyon ay hindi na niya pinapasok sa paaralan si Ayesha at nag-home study muna ito.
Pagkalipas ng ilang buwan ay itinuloy ni Ayesha ang pag-aaral sa De La Salle Santiago Zobel School sa Muntinlupa.
Nasa Grade 8 na siya ngayon.
AYESHA'S ACHIEVEMENTS
Noong nakaraang buwan lang ay ipinost ni Yasmien kung gaano siya ka-proud sa mga na-achieve ni Ayesha: Rated A Exemplary Conduct, Third Honors sa first term, at Third Honors sa second term.
Bahagi ng kanyang mahabang post: “There are stories I don’t share — especially the ones that once tried to break my child.
“Ayesha Zara has always been a kind soul —gentle, understanding, the type of child who chooses to stay soft even when the world is not.
“But there was a time when that kindness was tested. She was hurt, and instead of being protected, people chose to question her, twist stories, and place blame where it never belonged, just to protect their own reputation. As a parent, that kind of pain cuts deeper than anything.
“But here she is. Still kind. Still standing. Still choosing to be kind to everyone.”
Read: Yasmien Kurdi's daughter Ayesha "slowly healing" from bullying
View this post on Instagram
NOEL FERRER
Meron akong kaibigang parent na may anak na kakilala at kaibigan ng panganay ni Yasmien Kurdi.
Nagulat nga itong student na ito kung bakit bigla na lang umalis sa school si Ayesha.
Para sa paaralang sangkot, may nagsabing, “The school did everything for what is best and necessary for all parties.”
At sa panig nina Yasmien, may kailangan pa sigurong ayusin.
Magandang malaman kung ano ang kahihinatnan nito.
Ngayong DepEd na ang didinig ng complaint, we trust the DepEd under Sec. Sonny Angara to be able to settle this amicably, once and for all.
Read: Filipino Celebrities Taking A Strong Stand Against Cyberbullying
