GORGY RULA
Nagsimula nang umere ang Blood vs. Duty sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live noong Abril 6, 2026, Lunes ng 8:00 P.M., pero halos ganoon pa rin ang viewing level sa primetime.
Ito ngayon ang umookupa sa dating timeslot ng FPJ's Batang Quiapo ni Coco Martin, na pansamantalang inokupahan ng The Alibi: Ang Buong Katotohanan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Iba talaga kapag teleserye ni Coco ang dahil talagang bakbakan sa labanan ng ratings.
APRIL 6 TV RATINGS
Sa primetime noong Lunes ay naka-10.4% ang 24 Oras.
Ang TV Patrol ay 3.3%, at ang Frontline Pilipinas ay 1.8%.
Ang Sang’gre ay naka-9.6%, at ang pilot episode ng Blood vs. Duty ay 4.8%. Medyo tumaas pa ang Totoy Bato ng TV5 na naka-1.1%.

Ibinaba ang timeslot ng The Alibi na natapat na sa Never Say Die nina Jillian Ward at David Licauco.
Naka-3.9% ang The Alibi; naka-6.7% naman ang Never Say Die kung saan lumabas na ang karakter ng PBB: Celebrity Collab 2.0 ex-housemate na si Heath Jornales.

Sumunod ang The Secrets of Hotel 88 na 3.9% din; at ang katapat nitong Love Scout ay 1.7%.
Ang Saksi ay 2.4%.
Sa afternoon timeslot ay halos ganoon pa rin ang ratings ng mga programa.
Ang It’s Showtime ay 5.4%, at ang Eat Bulaga! ay 3%.
Ang Born To Shine ay 4.7%, at ang Can’t Buy Me Love ay 0.8%. Ang Frontline Express ay 1.8%.
Ang House of Lies ay 4.5%, at ang Senior High ay 0.5%.
Ang Apoy sa Dugo ay 3.3%, at ang Gold Blockbusters ay 0.1%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 2.5%, at ang sumusunod na My Sweetest Taboo ay 1.6%.
Ang TV Patrol Express ay 0.8%, at ang Una Sa Lahat ay 1.4%.
Ang Family Feud ay 5.1%, at ang Minute To Win It ay 0.9%.
JERRY OLEA
Abril 3, 2026, Biyernes Santo ng gabi, nag-umpisang mag-streaming sa Netflix ang 80-episode Blood vs. Duty nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.
Sa talaan ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines, nag-debut ito sa third place noong Abril 5, Linggo ng Pagkabuhay.
Kinabukasan, Lunes, pumuwesto sa No. 2 ang Kapamilya series na nagtatampok din kina Bela Padilla, Barbie Imperial, Baron Geisler, Susan Africa, Ejay Falcon, Jaime Fabregas, Rommel Padilla, Malou Crisologo, Edgar Mortiz, Geoff Eigenmann, Antonio Aquitania, Dino Imperial, at Elmo Magalona.
At nitong Abril 7, Martes, sa wakas ay nakamit ng Blood vs Duty ang top spot.
Tingnan natin kung ilang araw itong magiging topnotcher.
Read: Lara Quigaman on abusive ex-boyfriend: "I'm living in sin."

TOP 10 TV SHOWS ON NETFLIX
Nakakatuwa na nasa Top 10 TV Shows pa rin ng Netflix PH ang comedy special ni Alex Calleja na Past Is Past.
Ang Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ngayong Abril 7, Martes:
- Blood vs Duty
- Bloodhounds
- XO, Kitty
- Phantom Lawyer
- One Piece
- Girl From Nowhere: The Reset
- Agent From Above
- Danny Go!
- Past Is Past
- Pursuit of Jade
NOEL FERRER
Nanguna ang The Passion of The Christ sa talaan ng Top 10 TV Movies ng Netflix Philippines noong Abril 4, Sabado de Gloria.
Mula April 5, Easter Sunday, hanggang Abril 7, Martes, ay topnotcher ang comedy na Anaconda starring Jack Black, Paul Rudd, Steve Zahn, and Thandiwe Newton.
Nasa Top 10 Movies pa rin ang The Last BeerGin nina Cherry Pie Picache, JC Santos, Pepe Herrera, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Minnie Aguilar, Soliman Cruz, Mercedes Cabral, Nikki Valdez, Ketchup Eusebio, Miggy Jimenez, Temi Abad, at Jojit Lorenzo.
Streaming na sa Netflix umpisa Abril 9, Huwebes, ang 18th Rose nina Xyriel Manabat at Kyle Echarri.
TOP 10 MOVIES ON NETFLIX
Ang Top 10 TV Movies ng Netflix Philippines ngayong Abril 7, Martes:
- Anaconda
- Humint
- Despicable Me 4
- Sniper 3
- The Last BeerGin
- Jurassic World
- Extraction
- Spider-Man
- The Battleship Island
- The Red Line
Read: TV Ratings: Kumusta ang finale ng What Lies Beneath noong Miyerkules Santo?
