GORGY RULA
Ang taas ng rating ng Big Night ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 2.0 noong Sabado, February 28, 2026.
Naka-10.8% ito, habang ang katapat nitong Your Face Sounds Familiar ay 2.6%.
Mukhang inabangan talaga ng maraming manonood ang PBB Big Night noong gabing yun.
Ang ibang programa ay hindi gaanong pumalo ang viewership.
Ang 24 Oras Weekend ay 4.6% lamang. Ang TV Patrol Weekend at Frontline Weekend ay parehong 1.2%.
Sumunod ang Pepito Manaloto na hindi naman talaga bumababa. Naka-7.4% ito. AngRainbow Rumble ay 2.2%.
Pagkatapos ng PBB ay ang Magpakailanman na may 7.2%, at ang MMK ay 2.1%.
Read: Caprice Cayetano and Lella Ford are Big Winners of PBB Celeb Collab 2.0
PBB CELEBRITY COLLAB SEASON 1
Tingnan natin kung maganda ang ratings ng mga programa kung saan magge-guest ang housemates ng PBB Celebrity Collab 2.0.
Sa unang PBB Celebrity Collab kasi ay talagang marami ang nanonood sa guest appearance ng ex-housemates.
Nakapagbida na nga sina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca de Vera sa pelikulang Love You So Bad, na entery sa MMFF 2025.
Nagsimula naman nitong Lunes ng gabi sa GMA 7 ang kanilang series na The Secrets of Hotel 88.
Mas lamang sa exposure dito ang dalawang big winners na sina Brent Manalo at Mika Salamanca.
Tingnan natin kung kaya na nilang magbida at mapapataaas nila ang ratings nito.
Read: Brent Manalo, Xyriel Manabat, Dustin Yu, Bianca De Vera: Checking In

NOEL FERRER
Noong Biyernes, February 27, 2026, ay ang ending na ng Unica Hija. Replay lang ito kaya hindi ito gaanong kataas ang viewership.
Noong araw ring yun ay 5% ang It’s Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 3.5%.
Sumunod ang Hating Kapatid na 5.3%, at ang Frontline Express ay 1.8%.
Ang House of Lies ay 5%, ang Senior High ay 0.4%, at ang Cine Hapon ay 0.9%.
Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na 3.8%, at ang Cine sa Hapon ay 0.4%.
Ang finale episode ng replay na Unica Hija ay 3.3%, at sumunod ang Delightfully Deceitful na 2%.

Ang Family Feud ay naka-5.6% lamang.
Pagdating ng primetime, ang 24 Oras ay 10.8%, ang Frontline Pilipinas ay 2.1%, at ang TV Patrol ay 4.2%.
Ang Sang’gre ay 10.3%, at ang FPJ's Batang Quiapo ay 9.7%.
Ang Never Say Die ay 7.5%, at ang Roja ay 4.8%.
Ang penultimate episode ng PBB Celebrity Collab 2.0 naman ay 4.7%, at ang What Lies Beneath ay 2.3%.
Read: Mavy Legaspi explains reason behind "cringe" PBB hosting
JERRY OLEA
Dalawang linggo na lamang ang FPJ’s Batang Quiapo. Magtatapos ito sa Marso 13, 2026, Biyernes.
Ipinasilip ng ABS-CBN ang mga maaaksyong tagpo ni Tanggol (Coco Martin).
Andiyan ang maangas na pakikipagbakbakan ng mag-amang Ramon (Christopher de Leon) at Tanggol, at ang emosyonal na pagpapahirap nina Rigor (John Estrada) at Roberto (Albert Martinez) kina Tindeng (Charo Santos) at Roda (Joel Lamangan).

ANG HULING LABAN NI TANGGOL
Sa pagtatapos ng FPJ’s Batang Quiapo, all-in-one ang gigil, aksyon, at drama sa paghaharap ng mga bigating karakter. Sino sa kanila ang magwawagi at sino ang matetegi?
Sasabog na ang makapigil-hiningang komprontasyon sa pagitan ng mga mortal na magkaaway — Tanggol laban kina Miguelito (Jake Cuenca) at Roberto, Rigor laban kay Ramon, at hindi rin pahuhuli ang eksena nina Marites (Cherry Pie Picache) at Jackie (Angel Aquino).
Sama-samang panoorin ang huling laban ni Tanggol sa gabi-gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 8:00 P.M. sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, iWant, at Kapamilya Online Live.
Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Read: Coco Martin, inanunsiyo ang pagtatapos ng Batang Quiapo
