PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat

Apat na aktor ang diumano'y sangkot.
by PEP Troika
Published Mar 1, 2026
Video
Napanood mo na ba ang diumano'y video scandal ng apat na aktor? Bago ka maghanap ng kopya, tandaan na mayroong batas na Republic Act No. 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.
PHOTO/S: Canva

JERRY OLEA

Huling linggo ng Pebrero 2025, kumalat online ang 49-second clip na ipinangangalandakang may video scandal umano sina Gil Cuerva, Nikko Natividad, Ron Angeles, at Mark Herras.

Ang claim ng mga nakapanood, hindi gaanong kita ang mga mukha ng nasa clip dahil may mga pantakip o overlay na nakasulat, “ULTRA VIP.”

Lumutang din noon ang usapang pati si Arron Villaflor ay may video—bagay na dinenay niya sa panayam ng Cabinet Files noong Pebrero 27, 2026, isang araw bago pumutok ang panibagong update tungkol sa video scandal.

ALLEGED VIDEO SCANDAL OF THE BIG FOUR

Makalipas ang isang taon—sa huling linggo ng Pebrero 2026—kumalat online ang sex videos.

Sa pagkakataong ito, base sa mga comments online, kitang-kita na raw ang mukha ng babae, maging ang mga lalaki.

Nag-viral ang apat na magkakahiwalay na videos, na ayon sa mga netizens, ay kahawig diumano nina Gil, Arron, Nikko, at Ron. Wala raw si Mark sa apat na videos.

Tinagurian silang The Big Four, na nag-trending sa X (Twitter).

May mga naglista pa ng running time ng videos:

  • Alleged video of Gil Cuerva: 24 minutes and 26 seconds
  • Alleged video of Arron Villaflor video: 23 minutes 57 seconds
  • Alleged video of Nikko Natividad:19 minutes 57 seconds
  • Alleged video of Ron Angeles video: 18 minutes 16 seconds

Naku, sa Telegram ay may compiled version pa raw ng apat na video?

Kapansin-pansin na iyong mga account sa X na todo promote sa mga videos na ito ay this year lang in-upload.

Read: Facebook post ni Ron Angeles, reaction niya sa video scandal?

NOEL FERRER

Wow, bakit may pag-resurface ng ganitong videos?

Ngayon pang panahong may bombahan nang nangyayari sa Middle East, at habang bukas, Marso 2, 2026, Lunes, ay sisimulan nang pag-usapan ang impeachment kay Vice President Sara Duterte sa Congress?

Hindi pa nga napapanagot ang mga big time na nangurakot sa flood control trillion peso scandal ay bigla namang nagsulputan ang mga ganitong dibersiyon?

Focus muna tayo sa basic issues—ang taas ng mga bilihin, ang mga corrupt na hindi pa nakukulong, at sina Harry Roque, Zaldy Co, at maging si Atong Ang ay hindi pa nahahanap.

Ano kaya ang magiging ambag nitong Apat na Pinagpala or The Big Four video, aber?

Read: Anne Curtis’s Dubai flight diverted amid Middle East tensions

GORGY RULA

Hindi kaya sadyang binubuhay lang ito para mapalakas ang site o account na yun? Matagal na itong pinag-usapan at nanguluntoy na ang isyung ito.

Ang daming naku-curious, kaya tuloy hinahanap na naman ang video ng ibang aktor.

Nanahimik lang si Gil Cuerva, pagkatapos ng napabalitang breakup nila ni Lexi Gonzales. Ngayon, nag-iingay ang mga netizens. Sana, kung siya man talaga ang nasa video, hindi maapektuhan ang career niya. Sana magka-project na siya ulit.

Si Arron Villaflor ay may pino-promote na pelikula na magso-showing sa Marso 25, at nakakaraket naman si Ron Angeles.

Malamang na mas napakinabangan pa ito ni Nikko Natividad, in case na siya nga yun, dahil napaka-active niyang mag-content.

Mukha namang hindi sila apektado.

Puwede pa ito makatulong sa kanila, sa totoo lang.

Ang Facebook post nga ni Ron ngayong Sunday lunch, kalakip ang photo niya sa swimming pool, “Relax lang kayo dyan.”

Facebook post ni Ron Angeles, reaction niya sa video scandal?
Ron Angeles
Photo/s: Ron Angeles on Facebook

Tama, relax lang ang mga netizens sa pagpapakalat ng kopya. Bawal, uy. Baka makasuhan kayo ng violation ng Republic Act No. 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, lagot kayo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napanood mo na ba ang diumano'y video scandal ng apat na aktor? Bago ka maghanap ng kopya, tandaan na mayroong batas na Republic Act No. 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results