PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda-Jun Lana films sold-out sa Tokyo, Japan

Call Me Mother ang opening film sa Philippines-Japan Film Festival 2026.
by PEP Troika
Published Mar 1, 2026
Vice Ganda and director Jun Robles Lana with the Ambassador of the Philippines to Japan, Mylene J. Garcia-Albano
Vice Ganda (L) and director Jun Robles Lana (R) with Ambassador of the Philippines to Japan, Mylene J. Garcia-Albano
PHOTO/S: The First Company on Facebook

GORGY RULA

“Jun Robles Lana Festival itong pinuntahan natin,” unang bati ni Vice Ganda, pagdating sa K Cinema sa Shinjuku, Tokyo, Japan, nitong Sabado, February 28, 2026.

Parang nagpa-film fest nga sa Tokyo, Japan, si Direk Jun Lana dahil tatlong pelikula niya ang ipinapalabas dito. Yup, nasa Japan ang inyong lingkod ngayon.

ABOUT US BUT NOT ABOUT US MAKING WAVES IN TOKYO

Unang pinuntahan ni Direk Jun ang Image Forum sa Shibuya, Tokyo, dahil in-introduce niya roon sa isang special screening ang pelikula niyang About Us But Not About Us, na matagal na palang napapanood doon.

Kuwento ni Direk Jun: “Napaka-emotional kasi ang kinukuwento nila sa akin usually, yung mga Filipino films na dini-distribute nila dito, mga two weeks lang. Pero itong About Us, umaabot na ng seven weeks.

“Tapos, yung mga cinemas na yung tumatawag sa distributors na nagre-request kung puwedeng ipalabas yung movie.

“Kanina na-meet ko yung ibang nanonood, yung audiences. Yung isa dun, tatlong beses na niyang pinanood. Sobra silang passionate sa film, nakakatuwa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naikuwento rin daw ni Direk Jun na meron nang stageplay itong About Us But Not About Us.

“Sinabi ko. Gusto nga nilang mabasa yung nobela. Tagalog, paano?” napangiti niyang pakli.


about us but not about us
About Us But Not About Us is headlined by (L-R) Romnick Sarmenta, Elijah Canlas, and Epy Quizon.
Photo/s: PR

Read: Iwa Moto vs. Hajie Alejandro: Who's telling the truth?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Pagkatapos sa Image Forum sa Shibuya, tumuloy na si Direk Jun Robles Lana sa K Cinema sa Shinjuku, kung saan opening day ng Philippines-Japan Film Festival 2026.

Ang pelikulang Call Me Mother ang opening film at ipapalabas din doon ang And The Breadwinner Is…

Parehong sold out daw ang dalawang pelikula. Nakatakda na ring mag-screening sa naturang filmfest ang Kono Basho, Iti Mapupukaw, About Us But Not About Us, Plan 75, at ang tatlong short films na tinawag nilang The Depth of Blue.

Dumalo si Vice Ganda para magpasalamat sa mga kababayan natin doon na nagsadya para mapanood lang ang pelikula niya.

Vice Ganda and  Direk Jun Lana graced the screening of Call Me Mother at the Philippines-Japan Film Festival 2026
Vice Ganda and Direk Jun Lana graced the screening of Call Me Mother at the Philippines-Japan Film Festival 2026
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Siyempre, excited talaga siya. Expecially for this festival,” pakli ni Direk Jun.

“Gusto talaga niyang pumunta sa mga festival. Ma-experience manood ng pelikula kasama ang mga kababayan natin sa ibang bansa, mga foreign audiences din.

“Yun din naman talaga yung gusto naming gawin, ahhh, huwag ma-alienate yung core audience niya na nagpapatawa pa rin.

“And at the same time, mas maging universal. Makagawa tayo ng pelikula para sa festivals,” saad ni Direk Jun.

Sakaling maimbitahan pa itong mga pelikula ni Vice Ganda sa ibang international film festival, tiyak na dadaluhan daw ang mga ito ng Unkabogable Star.

Dagdag ni Direk Jun: “Feeling ko, gagawin niya iyan. Kakarerin niya iyan. Nakita niyo naman kung gaano siya kasipag pumunta sa mga sinehan. Gagawin niyang Cubao itong Tokyo. Yung Europe, gagawin niyang Cubao iyan,” napangiting pahayag ni Direk Jun.

Read: Chinese star Zhang Yingfei nagulat na siya pala si Linda Walker

NOEL FERRER

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VICE GANDA'S SPEECH

“First na inaattend-an. Kasi yung Praybet Benjamin, may nasalihang festival dati yun e,” pakli ni Vice Ganda.

Sandali lang ang tsikahan namin kay Vice Ganda dahil tinawag na siya para simulan ang programa ng opening ng Philippines-Tokyo Film Festival 2026.

Magkukuwento pa sana siya nang pinuntahan nila ni Ion Perez ang nag-viral na unggoy sa Ichikawa Zoo na si Punch.

Tsika ni Vice Ganda sa amin: “Ang saya! Akala ko, hindi ko siya makikita. Ang tagal, hindi siya lumalabas. Tapos nung paalis na kami, sinabihan kaming andiyan na.”

Samantala, nagpasalamat si Vice Ganda sa lahat na mga kababayang dumalo doon sa Philippines-Japan Film Festival 2026.

Aniya: “Maraming salamat po sa mga kababayan nating nandidito. Hindi ko po alam kung ang iba sa inyo nakapanood na nung umuwi kayo sa Pilipinas nung Pasko, at yung iba naman, first time makapanood dito.

“Maraming salamat po sa pagkakataong ito, at sana po magustuhan ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sigurado rin po kami na makukurot ang mga puso ninyo dahil alam na alam naman natin na sa bansa natin at sa katauhan natin bilang Pilipino, labis-labis ang pagmamahal natin sa mga magulang natin lalung-lalo na sa mga nanay at sa mga taong itinuturing nating ina.

“Kaya, alam po namin na magkakaroon ng ibang epekto sa inyo itong pelikulang ito pag napanood ninyo.

"At sana po, nabigyan namin ng buhay ang mga kuwento niyo din. At nabigyan namin ng magandang pagtalakay yung kung paano natin itinuturing ang pamilya natin sa Pilipinas bilang mga Pilipino.”

Nagpasalamat din siya sa mga Hapon at iba pang lahing nandoon din para mapanood ang kanyang pelikula.

“I also wanna say thank you very much to all the Japanese people who are here who have given us the chance and the opportunity to showcase Filipino talent and the beauty of Filipino movies. Thank you very much. God bless you,” pangwakas na mensahe ni Vice Ganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda (L) and director Jun Robles Lana (R) with Ambassador of the Philippines to Japan, Mylene J. Garcia-Albano
PHOTO/S: The First Company on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results