PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV Updates: Kapuso at Kapamilya shows, sunud-sunod magpapaalam

TV Updates
by PEP Troika
Published Feb 25, 2026
kapamilya and kapuso shows
Philippine television will soon bid goodbye to PBB: Celebrity Collab Edition 2.0 (top, left), Sang'gre (top, right), Batang Quiapo (bottom, left), and Roja (bottom, right) in the coming days, weeks, and months.

JERRY OLEA

Noong Disyembre 2025 ay kani-kanya ng announcement ang GMA-7, ABS-CBN, at TV5 para sa mga bagong programa nila for 2026.

Sa Kapuso Network, nagtapos ang Cruz vs Cruz sa afternoon lineup noong Enero 17, Sabado, at pinalitan ng House of Lies umpisa Enero 19, Lunes.

Nagwakas ang primetime show na Sanggang-Dikit FR noong Enero 30, Biyernes, at pinalitan ng Never Say Die umpisa Pebrero 2, Lunes.

never say die
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang Pebrero 27, Biyernes, na lamang ang rerun ng Unica Hija.

Umpisa Marso 2, Lunes ng hapon, nasa Afternoon Prime na ng Siete ang Apoy sa Dugo.

Big Night ng PBB Celebrity Collab 2.0 sa Pebrero 28, Sabado, at ookupa ng timeslot nito ang The Secrets of Hotel 88 umpisa Marso 2, Lunes ng gabi.

pbb celebrity collab ultimate 8
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naulinigan nating hanggang Abril ang Sang’gre: Encantadia Chronicles.

Ito ba ang papalitan ng The Master Cutter ni Dingdong Dantes umpisa Abril 20?

Read: Vavavoom actress, natigil ang PHP2M monthly allowance mula sa government official

dingdong dantes the master cutter
Dingdong Dantes in The Master Cutter
Photo/s: Netflix

KAPAMILYA SHOWS UPDATES

Ang tatlong primetime Kapamilya shows ay pawang magtatapos next month.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Finale ng FPJ’s Batang Quiapo sa Marso 13, Biyernes; at umpisa Marso 16, Lunes ng gabi, ay kapalit nito ang Sigabo nina Coco Martin at Julia Montes.

Finale rin ng Roja sa Marso 13, Biyernes.

Ito ba ang papalitan ng The Alibi: Ang Buong Katotohanan?

Nadagdagan ng 10 episodes ang What Lies Beneath, kaya ang finale nito ay sa Marso 20, Biyernes.

Wala pa tayong balita kung ano ang kapalit nito, at kung kailan.

what lies beneath
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Marso 29 ang Palm Sunday.

Palilipasin kaya muna ang Holy Week bago mag-umpisa ang pag-ere ng kapalit ng What Lies Beneath?

Looking forward tayo sa Blood vs Duty nina Richard Gutierrez, Gerald Anderson, Bela Padilla, Barbie Imperial, at Baron Geisler, ganoon din sa Love is Never Gone nina Joshua Garcia at Ivana Alawi.

Sa tantiya natin ay Mayo o Hunyo pa ang pilot ng Someone, Someday nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador.

Read: Albert, Christopher, Direk Joel magpapaalam na sa Batang Quiapo

someone someday
Kathryn Bernardo, James Reid, and Maja Salvador in Someone, Someday
Photo/s: Netflix
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE LATEST ON TV5

Sa Kapatid Network, naudlot ang pagsisimula ng Artista Academy ngayong Pebrero.

On hold muna ang promo ng reality competition show hosted by Julia Barretto and Xian Lim.

Yung A Secret in Prague nina Andrea Brillantes, Enrique Gil, Cedrick Juan, at Kim ay nag-shoot na sa Czech Republic.

Noong Enero 8 pa nag-script reading ang The Kingdom: Magkabilang Mundo na pangungunahan nina Piolo Pascual, Derek Ramsay, Cristine Reyes, Sue Ramirez, at Ryza Cenon.

Nasa cast din nito sina Ruby Ruiz, Nico Antonio, Zion Cruz, at Art Acuña.

Sabi ng isang Kapatid insider, third week of March nakatakdang umpisahan ang taping nito.

Wala pa rin tayong update kung ano na ang status ng The Good Doctor ni Iñigo Pascual, at yung Magic Boys nina Dylan Menor, Joao Constancia, Kych Minemoto, at Baileys Acot.

TV5 2026 primetime offerings The Kingdom, My Bestfriend Emman, and A Secret in Prague
Photo/s: TV5 on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang natuloy sa mga bagong project ng TV5 ay yung Project Loki nina Dylan Menor, Jayda Avanzado, at Marco Gallo, directed by Xian Lim.

Nag-streaming ang Episode 1 (“Detective of Mischief”) nito sa VivaOne at Cignal Play.

Ang logline nito: “When troubled transferee Lorelei Rios moves into a new place, she must share a unit with the aloof Loki Mendez.

“Their clashing personalities spark tension, until a secret admirer triggers a chain of events that forces them to work together.”

Read: Arrival of ex-NBA player Bol Bol sparks hilarious live news moment

project loki poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Inaabangan kung lalo bang tataas ang ratings ng FPJ’s Batang Quiapo ngayong nag-announce na sila ng pagtatapos nito sa Marso 13, 2026, Biyernes.

Sabi kasi sa akin ni Direk Joel Lamangan, kaabang-abang ang ending nito pero hindi niya puwedeng itsika sa amin siyempre.

Nagpatikim ang ABS-CBN sa inilabas na finale trailer at first look stills para sa mga makapigil-hiningang engkuwentro sa serye ngayon na haharapin na ni Tanggol ang pinakahuli niyang laban.

Ipinasilip ang sunud-sunod na bakbakan ni Tanggol (Coco Martin) laban sa pinakamatindi niyang kalaban na si Rigor (John Estrada), at ang pagsugod niya sa city hall kasama ang buong-pwersa ng kanyang mga tagasuporta upang patalsikin sa puwesto ang pamilya Guerrero para opisyal na siyang matanghal bilang mayor.

Napaka-emotional ng eksena na nalagay sa bingit ng kamatayan ang buong tropa ni Tanggol dahil sa paglaglag sa kanila ni Enteng (Jojit Lorenzo).

batang quiapo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TV RATINGS

Pagkatapos i-announce ni Coco ang nalalapit na pagtatapos ng kanyang FPJ’s Batang Quiapo, halos ganun pa rin ang ratings nito katapat ang Sang’gre ng GMA-7 at Totoy Bato ng TV5.

Noong Biyernes, February 20, ay naka-9.7% ang Sang’gre. Ang Batang Quiapo ay 8.5%, at ang Totoy Bato ay 0.8%.

Noong Lunes, February 23, naman ay tumaas ang viewership kaya naka-10.9% ang Sang’gre. Naka-9.6% ang Batang Quiapo, at ang Totoy Bato ay 0.7%.

Read: Ellen Adarna spills on child support from Derek vs. John Lloyd

FAMILY FEUD FOURTH ANNIVERSARY PROMO

Sa susunod na buwan ay ipagdiriwang ng Family Feud ang kanilang 4th anniversary.

Talagang pasabog ang kanilang month-long celebration na makakatulong pa sa ibang programa ng GMA-7.

Meron silang "Expanded Guess More Win More" kung saan maglalaro ang viewers ng Kapuso shows mula sa afternoon prime hanggang sa GMA Prime.

May lalabas na questions sa gap ng mga drama series mula sa Hating Kapatid hanggang sa Never Say Die ng GMA Primetime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipapadala lamang ang sagot, at mas maganda kung marami kayong entries para mas malaki ang chance na manalo.

Walong lucky winners ang mananalo ng tig-PHP10,000 araw-araw. At ang mga daily winners ay may chance pang manalo ng PHP100,000 bawat linggo. Kaya puwede kang magwagi ng PHP110,000.

Ang winners ay ia-announce sa Family Feud tuwing Lunes.

Ibig sabihin, huwag nang maglipat ng channel, tumutok na lang mula sa afternoon prime hanggang sa primetime ng Kapuso network, para puwede kang magwagi ng kadatungan.

“Yes! Every week yan, may PHP500,000 na ipamimigay ng Guess More, Win More Promo.

“Kailangan lang nila sagutin ang mga tanong na mapapanood sa GMA nung araw mula hapon hanggang primetime,” sey sa amin ni Dingdong Dantes.

Kahit daw ang studio audience ng Family Feud ay may dagdag pang gift pack bukod sa PHP5,000 na mapapanalunan nila.

family feud promo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo pang na-excite si Dingdong sa mga maglalaro sa kanilang anniversary celebration.

World class ang dating ng paglalaro for the first time ni Liza Macuja-Elizalde kasama ang kanyang daughter.

Nakatakda rin daw maglaro sina Hllda Koronel, Dina Bonnevie, Eugene Domingo, ang magkasintahang Shuvee Etrata at Anthony Constantino; at babalik daw ang It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda, Jhong Hilario, Vhong Navarro, Amy Perez, Cianne Dominguez, Jackie Gonzaga, at first time nina Ryan Bang at Darren.

Read: Marian Rivera rejects blind item linked to her and Dingdong

NOEL FERRER

Mea culpa.

While I’m aware sa mga palabas sa TV ngayon, hindi na ako nakakapanood ng TV in most of my times.

Ang nagpabalik lang sa akin ulit ngayon sa panonood ng TV ay ang Confirmation of Charges sa ICC ni Digong. Na yung iba nga ay sa social media na rin lang nila pinanonood.

Oh well, nagbago na nga ang consumption natin sa media. Ewan ko lang kung ganito na rin halos sa probinsya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tanong, may data ba tayo sa social media engagements versus mainstream media? Gaano kabilis nagbabago ang numero?

Ano ang iba pang pagbabagong kailangang maganap para matarget ang mas maraming manonood?

Ibang klase na talaga ang panahon ngayon. Kailangan nating mag-adapt!

Read: XX anniversary celebration ni Nina, kinukuwestiyon ng fans

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Philippine television will soon bid goodbye to PBB: Celebrity Collab Edition 2.0 (top, left), Sang'gre (top, right), Batang Quiapo (bottom, left), and Roja (bottom, right) in the coming days, weeks, and months.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results