PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pretty actress, natuklasan ang lihim ng influential boyfriend

Pretty actress, nadaan sa bagong kotse at pangkabuhayan showcase.
by PEP Troika
Published Feb 25, 2026
blind item pretty actress influential boyfriend
PHOTO/S: Chat GPT

GORGY RULA

Mas matanda pa yata sa kanyang tatay ang influential boyfriend ni Pretty Actress, pero hindi iyon hadlang sa kanilang relasyon.

Yayamanin at matulis si Influential Boyfriend, at matagal nang napawalang-bisa ang marriage nito.

Nag-alok ng kasal si Influential Boyfriend, pero tinanggihan iyon ni Pretty Actress.

Ayaw pa nga ni pretty actress na magka-baby, kaso napuruhan siya ni Influential Boyfriend.

Tuluyang naging seryoso ang kanilang pagsasamahan.

Ang kanilang supling ay bigkis na lalong nagpatibay sa kanilang pag-iibigan.

Read: BLIND ITEM: Tunay na sugar daddy ng sexy starlet, nabunyag na

INFLUENTIAL BOYFRIEND'S SIDE CHICKS

Mabait at maunawain si Pretty Actress.

Nabalitaan niyang naging side chick ni Influential Boyfriend ang isang female singer na malapit nang maging senior citizen, pero malakas pa rin ang hatak kahit sa younger men.

Naka-affair din ni Influential Boyfriend ang isang mestisang aktres na hiwalay sa asawa.

Natiis iyon ni Pretty Actress, dahil inuuwian pa rin siya ni Influential Boyfriend at hindi ito nagkukulang sa financial support sa kanilang mag-ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may isang insidenteng nasubukan kung hanggang saan ang pasensiya ni Pretty Actress.

Read: Vavavoom actress, natigil ang PHP2M monthly allowance mula sa government official

NOEL FERRER

Minsan ay may sexy female model na nagpalitrato kay Pretty Actress.

Nang i-post ni Sexy Female Model ang picture, naka-tag kay Pretty Actress.

Na-curious si Pretty Actress na i-check out ang socmed account ni Sexy Female Model.

Napansin ni Pretty Actress ang pictures ni Sexy Female Model na may kasamang bata.

Kinutuban si Pretty Actress.

Kamukha ng tsikiting ang kanyang influential boyfriend.

Sa pag-scroll ni Pretty Actress ng iba pang posts ni Sexy Female Model, nakumpirma niyang anak ni Sexy Female Model ang bagets.

Sa pagtatanung-tanong ni Pretty Actress, napatunayan niyang tumpak ang kanyang instinct.

Si Influential Boyfriend nga ang ama ng anak ni Sexy Pretty Model!

Read: Did Edu Manzano hard launch new girlfriend at EDSA 40 prayer rally?

JERRY OLEA

Kasabihan ng mga matatanda na kapag puno na ang salop ay dapat nang kalusin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasya si Pretty Actress na makipaghiwalay kay Influential Boyfriend.

Pero inamo siya nito, niregaluhan ng bagong kotse, at dinagdagan ng kabuhayan showcase.

Nalamuyot ang puso ni Pretty Actress, kaya pinanghawakan niya ang pananalig ng English poet na si Alexander Pope (1688-1744), “To err is human; to forgive, divine.”

Tuloy sana ang maliligayang araw ng kanilang pagsasalo at pagmamahalan.

Kaso, nadawit si Influential Boyfriend sa isang malaking iskandalo.

Lumipad pa-Amerika si Pretty Actress kasama ang anak.

Mas mabuting manahimik sila sa ibang bansa.

Yung naiwan niyang negosyo sa Pilipinas ay ipinagkatiwala ni Pretty Actress sa kanyang mga kapamilya.

Read: Derek Ramsay, hindi raw papatulan ang mga pasabog ni Ellen Adarna

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results