PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jennica Garcia, aminadong marupok pagdating sa pag-ibig

Jennica Garcia, ayaw nang mag-first movie pagdating sa lalaking gusto niya.
by PEP Troika
Published Feb 24, 2026
jennica garcia sisa
Jennica Garcia on falling in love again: "With the new man to love, I wouldn’t want to be in a relationship with this man because I made the first move. I have to know for a fact that you like because you like me first. Ang hirap pag ako ang nauna. Mahirap mag-move on nang ganun.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Pinuri ang pelikulang Sisa at ang buong cast nito ng karamihan ng mga nakapanood sa special screening noong Pebrero 23, 2025, Lunes, sa Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.

Nagkaroon ng media conference pagkatapos ng screening na dinaluhan ng lead actress ng pelikula na si Hilda Koronel.

Kasama niyang humarap sa media sina Eugene Domingo, Jennica Garcia, at Direk Jun Robles Lana.

sisa director cast
Sisa director Jun Robles Lana with Hilda Koronel, Eugene Domingo, and Jennica Garcia
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Jennica ang pinakamasaya na napasama sa pelikulang ito dahil matagal na raw niyang pinangarap makatrabaho si Direk Jun Lana.

Kinukulit daw niya ang best friend niyang si Christian Bables na sabihan si Direk Jun na kunin siya sa pelikula. Pero sa tingin daw niya ay hindi naman ito sinabi ni Christian.

Kuwento ni Jennica: “Nagsabi po ako sa management ko na magpapahinga ako for the entire year. After Saving Grace, wala po muna akong gagawin.

“Pero nung Direk Jun Lana kasi, sabi ko, ‘Kailangan nating gawin. Ang tagal kong hinintay ‘to. Nag-36 na ako, 17 years old pa ako, noon ko pa ito inaantay.’

“So, sobrang thankful po tayo. Kanina rin, sinasabi ko kay Direk Jun, ‘Direk Jun, salamat nasama ako dun sa poster!’

“Kasi hindi naman talaga tayo nag-e-expect, ano? Kaya nga sobra-sobra, thank you Lord!”

Read: Did Edu Manzano hard launch new girlfriend at EDSA 40 prayer rally?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
sisa poster

JENNICA GARCIA ON HER ROLE IN SISA

Ginagampanan ni Jennica sa Sisa ang role bilang si Leonor na sumisiping kay Eddie, ang commander ng hukbo ng mga Amerikano.

Naniwala si Leonor na mamahalin siya nitong Amerikano, kaya pinagsilbihan niya ito nang husto.

Sabi ni Jennica, hindi man niya ito inire-relate sa nangyari sa kanyang married life, pero ganun din siya magmahal at napaniwala sa pangako ng lalaking minahal niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya: “For Leonor, nilagay ko lang talaga dun na sobra kong mahal si Eddie. At naniniwala ako na iba ako sa mga kasama ko at importante ako para sa kanya.

“As Jennica, kasi pag mahal ko kasi yung tao, naniniwala ako sa lahat na mga sinasabi niya.

“Pag sinabi niya na mahal niya ako, ‘Hindi tayo maghihiwalay,’ naniniwala talaga ako.

"Which is, of course, kapag siyempre hindi nagawa ng lalaki yung sinabi niya, masakit.

"Pero hindi naman ako humugot sa tunay na buhay para kay Leonor. Pinapaniwala ko yung sarili ko na ako siya.”

Mag-aanim na taon nang hiwalay si Jennica sa mister niyang si Alwyn Uytingco, at aminado ang aktres na matagal siyang nakapag-move on sa hiwalayang iyon.

Read: Jennica Garcia ends any talk about marriage to Alwyn Uytingco: “Hindi na kami mag-asawa ni Alwyn.”

NOEL FERRER

Aminado si Jennica Garcia na mahina siya pagdating sa pag-ibig. Mahina rin siya sa pag-handle nang natapos na ang relasyon nila ni Alwyn Uytingco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ako ganun ka-strong, e. I can function, I can work, I can still do my role as a mother, which is the most important role.

"But, moving on was really hard.

"And in my experience, it can take, like, one, two years for me to move on.

“Ngayon, okay na okay na,” saad ng aktres.

JENNICA GARCIA ON MAKING THE FIRST MOVE

Ang isa raw kasi sa napagtanto ni Jennica, noong naging sila ni Alwyn ay siya ang unang nagpahiwatig. Siya raw ang may first move.

Kaya siguro nahirapan siyang mag-move on nung naghiwalay sila.

Kung sakaling papasok siya sa panibagong pag-ibig, ayaw na raw niyang siya ang mag-first move.

Ani Jennica: “Si Alwyn kasi, I did the first move. So ngayon, nung naghiwalay kami, kahit meron ako gusto na guy, hindi ako magpi-first move.

“So, wala, kasi dun ko na-realize na pag ako pala mag-first move… kasi naalala ko parang in the process of moving on, with the failing of my relationship with him, meron akong mga gabi na napapaisip ako na, 'Paano kaya pag ako ang hindi nag-first move? Baka hindi ako nasaktan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, ngayon okay kasi may dalawa na rin naman akong kids, and I wouldn’t have it any other way.

"But with the new man to love, I wouldn’t want to be in a relationship with this man because I made the first move.

“I have to know for a fact that you like because you like me first. Ang hirap pag ako ang nauna. Mahirap mag-move on nang ganun.”

Read: Ellen Adarna spills on child support from Derek vs. John Lloyd

JERRY OLEA

Sakaling pumasok siya sa panibagong pag-ibig, wala naman daw mababago sa kanya.

Tiyak na itotodo pa rin daw niya ang pagmamahal, na malamang ikakagalit daw ng kanyang ina na si Jean Garcia.

“Feeling ko ganun pa din. Ibibigay ko pa din yung buong puso ko. Hindi po talaga ako marunong yung magtira ka ng konti para sa sarili mo,” sabi ni Jennica.

Pero ngayon ay iba na raw ang hinahanap niya sa isang lalaking mamahalin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang nakita ko lang na iba this time around, I don’t get attracted to just any man. I find a man attractive when this man has a very evident commitment with the Lord.

“That’s what I find appealing.

"So, if someone comes up to me and he wants to date me or he wants to court me, but then I see that this person has no commitment with God, hindi ako maggo-go ng date kahit lunch lang.

“Medyo careful na ako. Careful ako sa area na yun. Medyo maingat ako, kasi matagal ako mag-move on e,” napangiting sabi ni Jennica.

Sa ngayon ay maayos daw ang co-parenting nina Jennica at Alwyn sa kanilang dalawang anak.

Mabigat ang role ni Jennica sa Sisa, at isa siya pinakamagaling sa historical film na ito.

Maliban kina Hilda, Eugene at Jennica, nasa cast din ng Sisa sina Tanya Gomez, Romnick Sarmenta, Barbara Miguel, Jorrybell Agoto, Nico Antonio, Kobie Brown, Angellie Sanoy, Jess Evardone, Kuya Manzano, Isabel Lamers, Timothy Castillo, Shun Mark Gomez, Janina Mendoza, at Robert Rownd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Marso 4, Miyerkules, nakatakdang mag-showing ang Sisa sa mga sinehan.

Read: Dustin Yu denies Thailand trip with Bianca de Vera

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennica Garcia on falling in love again: "With the new man to love, I wouldn’t want to be in a relationship with this man because I made the first move. I have to know for a fact that you like because you like me first. Ang hirap pag ako ang nauna. Mahirap mag-move on nang ganun.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results