PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

XX anniversary celebration ni Nina, kinukuwestiyon ng fans

Nina, damang-dama pa rin ang hugot songs.
by PEP Troika
Published Feb 24, 2026
nina concert
Nina on her loyal supporters: “Siguro ang nagbibigay ng inspiration sa akin at love ay yung pagmamahal din ng mga tao sa akin. Kasi siyempre, kung nandoon yung pagmamahal, nandoon din yung pagmamahal ko sa kanila to sing for them. Yun lang naman talaga ang inspiration ko. Siyempre, bakit pa ako kakanta kung hindi na nila ako bet, di ba?”
PHOTO/S: Jerry Olea / File

JERRY OLEA

Maraming napaaray sa pag-awit ni Nina sa Beyond Gold: Songs of A Lifetime The Repeat concert ni Nonoy Zuñiga noong Disyembre 9, 2025 sa Newport Performing Arts Theater (NPAT), Newport World Resorts, Pasay City.

Paskung-Pasko na ang ambience noon, pero ayun at mapanakit ang mga kanta ni Nina, na kinalugdan ng mga manonood.

“Gustung-gusto talaga nilang masaktan, di ba?” natatawang sambit ni Nina sa mediacon ng forthcoming concert niyang NINA XX: The Anniversary Celebration nitong Pebrero 23, 2026, Lunes, sa 22 Prime Restaurant, Discovery Suites, Ortigas Center, Pasig City.

Gaganapin ang concert sa darating na Mayo 9, Sabado ng 8:00 P.M. doon din sa NPAT.

Read: Dulce, Pops, Lani, at Nina nag-guest sa repeat concert ni Nonoy

nina concert
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NINA 20TH ANNIVERSARY CONCERT

Hindi lang kirot ang mararamdaman ng audience sa kanyang 20th anniversary concert.

“Siyempre iba-ibang feelings. May masaya, nakahanap na ng kanilang special someone,” pagtatapat ng Asia’s Diamond Soul Siren.

“May masasaktan. May makaka-move on. Kahit naka-move on na, gusto pa ring mag-move on. Yung mga ganyang bagay, di ba?

“Yung mga ang saya-saya, tapos biglang nasaktan pa uli dahil naalala niya yung memories. Iba-iba.

“Ganyan naman yung mga music natin, iba-ibang emotions. Iba-iba din ang ilalabas na mga feelings diyan. Everything.”

Noong 2005 pa ang awit ni Nina na "I Love You Goodbye."

Pero nang kantahin niya yun sa concert ni Nonoy last December, damang-dama pa rin niya yun. Hugot na hugot!

Para bang bagong kanta pa lang niya, para bang kailan lang kahit nakadalawang dekada na…

Natawa muli si Nina bago nagturan: “Always hugot lang talaga. I always feel the songs… as if it’s my first time to sing it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kumbaga, first time ko siyang kakantahin, so first time ko siyang ise-share sa inyong lahat. Parang ganun lang siguro talaga.

“Kasi parang yung iba kasi, parang sawa na… for me kasi, parang I sing it like it’s the first time that I sing it.”

Thankful si Nina sa supporters niya na loyal and andiyan pa rin kahit more than two decades na siya sa music industry.

“Siguro ang nagbibigay ng inspiration sa akin at love ay yung pagmamahal din ng mga tao sa akin,” napangiting saad ni Nina.

“Kasi siyempre, kung nandoon yung pagmamahal, nandoon din yung pagmamahal ko sa kanila to sing for them.

“Yun lang naman talaga ang inspiration ko. Siyempre, bakit pa ako kakanta kung hindi na nila ako bet, di ba?”

Available ang tickets ng NINA XX: The Anniversary Celebration sa website ng Ticket World at takilya ng NPAT.

Ang halaga ng tiket ay P8,500 (SVIP), P7,500 (VIP), P5,500 (Gold), P3,500 (Silver), at P2,500 (Bronze).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Panauhin sa concert sina Jay Durias, Thor, at Kris Lawrence.

Concert director si Calvin Neria, at musical director si Soc Mina. Produced ito ng EchoJham Entertainment Production at Synth X.

Read: Arrival of ex-NBA player Bol Bol sparks hilarious live news moment

nina concert poster

NOEL FERRER

Takot si Nina sa spiders.

May kinatatakutan ba siya sa kanyang singing career? Handa na ba siyang iwan ang music industry, considering na may legacy na siya bilang performer?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Nina: “Lahat naman po ng mga singers, artists, performers, dumadating po doon sa retirement. OK naman po yun.

“Pero ang maganda, meron tayong maise-share. Hanggang kailan gusto tayong pakantahin ni God, andiyan pa rin tayo.

“Hanggang gusto tayong pakantahin ng audience, love pa rin nila akong makita and to sing for them, OK lang ako doon.”

GORGY RULA

All-hits concert ang NINA XX: The Anniversary Celebration.

Inamin ng concert director na si Calvin Neria na mahirap i-finalize ang repertoire sa dami ng kanta ni Nina.

Napagkasunduan nilang maging faithful sa Nina Live! album kaya sa tinitimbang nilang mabuti kung dapat o hindi isama ang particular song na nasa album.

calvin neria nina
Calvin Neria and Nina
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Direk Calvin, nagugulat siya na may intriga.

Nagagalit daw ang ibang fans kung bakit XX o 20 years lang ang anibersaryong ipinagdiriwang ni Nina sa concert.

“We are being questioned dahil hindi raw 20 years lang si Nina sa music business,” sey ni Direk Calvin.

“So, parang ayaw ng ibang fans na sabihin na ganoon. May mga new breed kasi ngayon na 20 years na rin sila.

“So, ayaw nilang i-level si Nina doon. So, parang gusto nila, mas ahead. You know, sabi ko nga, this is the only time that Nina is celebrating an anniversary in her career.

“And hindi pa naman malayo kumbaga yung kung ilang taon na talaga siya doon sa 20 years.

“And again, exactly this day, Nina Live! was launched. February 23, 2005. Actually 20 years na siya last year, kaya naisip ko rin yung 21 years na siya ngayon. Itong araw na ito ni-release ang Nina Live!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya sabi ko, we should have our presscon nang February 23, 2026 para mas significant siya. Yun talaga ang sine-celebrate namin.”

Read: Isa Briones sings Hiligaynon lullaby in The Pitt's recent episode

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nina on her loyal supporters: “Siguro ang nagbibigay ng inspiration sa akin at love ay yung pagmamahal din ng mga tao sa akin. Kasi siyempre, kung nandoon yung pagmamahal, nandoon din yung pagmamahal ko sa kanila to sing for them. Yun lang naman talaga ang inspiration ko. Siyempre, bakit pa ako kakanta kung hindi na nila ako bet, di ba?”
PHOTO/S: Jerry Olea / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results