GORGY RULA
Mula nang maisapubliko ang paghihiwalay nila ni Ellen Adarna, wala pang direktang pahayag si Derek Ramsay patungkol sa mga banat sa kanya ng estranged wife.
Madalas sabihin ni Derek na hindi siya magsasalita laban kay Ellen dahil ina raw ito ng kanyang pangalawang anak na si Lili.
Noong Biyernes, Pebrero 20, 2026, may panibagong pasabog si Ellen bilang reaksiyon sa pahayag ng beteranang showbiz coumnist na si Cristy Fermin na "good provider" umano si Derek sa anak nila.
Mariin itong kinontra ni Ellen at idinetalye ang diumano'y isyu nila ni Derek tungkol sa sustento nito sa kanilang anak.
Read: Ellen Adarna debunks report that Derek Ramsay is a "good provider"
Ikinumpara pa ni Ellen si Derek sa dati niyang karelasyon na si John Lloyd Cruz, na ama ng kanyang panganay na anak na si Elias.
Read: Ellen Adarna spills on child support from Derek vs. John Lloyd
Tinext namin si Derek para tanungin kung gusto niyang sagutin ang mga pasabog ni Ellen.
Sagot lang niya sa amin: “I’m sorry, but I will not engage. If this brings her peace so be it.”
DEREK RAMSAY WARNED BY FRIENDS?
May ilang malapit na kaibigan si Derek na nakausap namin.
Binigyan na raw nila noon ng babala ang aktor.
Bago raw pinakasalan ni Derek si Ellen, sinabihan na nila ito ng “Good luck.”
Maaaring ang ibig nilang sabihin ay "good luck" kung magtagal ang kanilang pagsasama.
Nagpahayag sila ng awa kay Derek dahil alam daw nilang hindi nito papatulan si Ellen.
Kilala raw nila si Derek na kapag nagmahal ay talagang buhos at nakita raw nila kung gaano ito kaseryoso.
Alam din daw nila kung anong baltik meron si Ellen lalo na kapag galit ito.
Pero nakita raw nilang sobra itong in love kay Ellen kaya hindi ito nakinig.
“Tingnan niyo! Siya pa ang pinalayas sa sarili niyang bahay!” bulalas ng isang kaibigan ni Derek.
Sa kabilang banda, may mga nagsasabi ring nakahanap daw ng katapat si Derek sa katauhan ni Ellen.
Read: Ellen Adarna: "Cheating and abuse should never be tolerated."
JERRY OLEA
Noong pinag-uusapang may problema ang mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna, nagtungo sa Bali, Indonesia, si Derek para sumailalim sa Kami No Ken, isang self-improvement program.
Pagbalik niya ng bansa ay hindi raw ito tumuloy sa bahay niya sa Ayala Alabang, dahil nandoon si Ellen.
Para wala na lang daw gulo, hindi na muna umuwi ni Derek sa bahay niya nang bumalik ito ng bansa.
Pansamantala muna raw itong tumira sa isang condo habang naghahanap si Ellen ng malilipatang bahay.
Read: Balitang hiwalay na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, fake news?
Sabi pa ng isang kaibigang nakausap ng PEP Troika, nangyari rin daw ito noong naka-live in ni Derek ang isa sa ex-girlfriends niya sa isang condo unit.
Nang mag-away sila nitong ex-girlfriend, si Derek pa raw ang pinalayas sa sariling condo unit nito.
Umalis rin daw si Derek para wala nang gulo.
Kaya alam daw ng mga kaibigan ni Derek na hahayaan lang nito ang mga pasabog ni Ellen, at hindi raw niya ito papatulan para hindi na lumaki ang gulo.
Read: Ellen Adarna shows convo with Derek Ramsay's ex-girlfriend
NOEL FERRER
May isa ring kaibigan si Derek na nagsabi sa PEP Troika na aware daw si Derek kung ano ang mga pinag-uusapan sa group chat na binanggit ni Ellen sa IG story.
Sabi ni Ellen, “To be honest no? Ang kasama sa group chat hindi lang ex-girlfriends. And I didn’t create that group chat. I was invited. You know.
“They are ex-friends, ex-bestfriends, ex-girlfriends, and ex-family members of his, and some family members of his.
“That’s part of the group chat. Interesting! Active pa rin yung GC,” sabi ni Ellen.
Alam kaya ni Derek kung sino itong mga sinabi ni Ellen sa kasali sa group chat?
Hindi na raw umiimik ang aktor tungkol diyan.
Inaasahan nilang may mga lalabas pang pasabog laban kay Derek na manggagaling sa group chat na iyon.
Read: Angelica Panganiban reacts to Derek Ramsay-Ellen Adarna breakup
Kahit sa isyu ng sustento ay nag-react ang ilang taong malapit kay Derek dahil malaki raw ang hinihingi ni Ellen.
Ayon sa iba pang napagtanungan ng PEP Troika, nakakapagtaka kung bakit ang laki ng hinihinging sustento ni Ellen.
Mas malaki raw ito sa ibinibigay ni John Lloyd Cruz para kay Elias.
Sinabi ni Ellen noon na sampung libong piso lang ang hinihingi niyang sustento para sa anak nilang si Elias.
Pero bakit ang laki raw ng diperensya sa hinihingi ni Ellen kay Derek para kay Lili?
Ayaw na lang daw talagang magsalita ni Derek tungkol dito.
Kahit ang ibang napagtanungan ng PEP Troika ay maingat din sa mga sagot nila dahil ayaw umano ni Derek na magbigay ng kahit na anong sagot tungkol dito.
Baka isipin pa raw ng iba na nanggaling din kay Derek ang mga sinabi nila.
Pero hindi naman mapipigilan ang mga malalapit na kaibigan ng aktor, kabilang na ang ilang reporters, na ipagtanggol siya sa mga alegasyon ni Ellen.
Read: Derek Ramsay, "lubog na lubog" dahil sa hiwalayan nila ni Ellen
