PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miguel at Princess aabot kaya sa Big Night matapos magsakripisyo?

Sino pa ang apat ng PBB housemates na papasok sa Final 8?
by PEP Troika
Published Feb 20, 2026
miguel proncess pbb celebrity collab edition
Miguel Vergara and Princess Aliyah make major sacrifices for the first four housemates to enter the Final 8 of PB: Celebrity Collab Edition 2.0. But will their efforts be enough to secure public votes and earn a spot at the Big Night?
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube

GORGY RULA

Halos dalawang linggo na lang, Big Night na ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 2.0.

Pasok na sa Ultimate 8 ang Kapuso na sina Caprice Cayetano at Ashley Sarmiento, at sa Kapamilya naman ay sina Krystal Mejes at Lella Ford.

May dalawa pang magpapaalam sa darating na Sabado, Pebrero 21 — isang Kapuso at isang Kapamilya.

Kaya todo na ang fans sa pagkampanya sa mga paborito nilang housemates na nominado.

Sino kaya kina Heath Jornales, Marco Masa, at Princess Aliyah ng Sparkle, at Joaquin Arce, Miguel Vergara, at Carmelle Collado ng Star Magic ang magbabu at hindi makapasok sa Ultimate 8?

Read: 1976: The Golden Year of Philippine Cinema

THE SACRIFICE OF MIGUEL AND PRINCESS

Sa tingin namin, may laban ang Kapamilyang si Miguel dahil sa magandang exposure niya nitong mga nakaraang araw.

Ang tindi ng sakripisyong ibinigay niya para sa apat na nasa Ultimate Eye na sina Caprice, Ashley, Lella, at Krystal. Doon lang sila sa kapirasong space nakatigil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para makakain at mabigyan ng kumportableng tulog, kailangang magsakripisyo ang isang housemate para maibigay ito sa kanila.

Si Miguel ang nag-volunteer na magsakripisyo, at talagang nakakabilib ang ginawa niya para sa apat na nasa Ultimate Eye.

Nakaka-touch pa ang realization ni Miguel, kung saan napagtanto raw niya ang sakripisyong ginawa ng kanyang ina para sa kanilang pamilya, lalo na sa kanya.

Kaya naman lalo siyang minahal ng netizens at todo ang kampanya sa kanya na i-save sa nakaambang eviction.

Trending pa rin ito sa X na huwag hayaang maligwak at matanggal sa Ultimate 8.

Ang sumunod na nagsakripisyo ay si Princess para pa rin kina Caprice, Ashley, Lella at Krystal na nasa Ultimate Eye.

Read: Vavavoom actress, natigil ang PHP2M monthly allowance mula sa government official

PBB CELEBRITY COLLAB EDITION RATINGS

Ang dami tuloy sumusubaybay ngayon sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0 at consistent na itong mataas ang ratings.

Noong nakaraang weekend, na aligaga ang mga tao sa labas para sa Valentine’s Day noong Sabado, okay pa rin ang rating ng Kapamilya reality show na umeere sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-5.9% ito, at 1.7% naman ang katapat nitong Rainbow Rumble.

Noong Linggo, February 15, ay 6.3% ang PBB, at 1.9% naman ang Rainbow Rumble.

Nitong mga nakaraang araw ay okay pa rin ang ratings ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0.

Noong Martes, February 17, ay 4% ito; at noong Miyerkules, February 18, ay 4.1%.

Marami na ang nag-aabang nito sa Big Night at naghuhulaan na kung sinong taga- Kapuso at Kapamilya ang magwawagi.

Read: Wilma Doesnt, uminit ang ulo kay Alvin Aragon

NOEL FERRER

Sa ibang mga programa sa primetime ay nangunguna pa rin ang Sang’gre at sumusunod ang FPJ’s Batang Quiapo.

Noong Lunes, February 16, ay naka-10.6% ang Sang’gre; 8.5% ang Batang Quiapo at 0.8% lang ang Totoy Bato ng TV5.

Ang Never Say Die naman ay 7.2%; at 5.2% ang Roja.

Noong Martes, February 17, ay naka-9.4% ang Sang’gre.

Medyo dumikit ang Batang Quiapo na naka-9%. Ang Totoy Bato ay 0.7%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Never Say Die naman ay 6.7%; ang Roja ay 4.6 %, at ang What Lies Beneath ay 2.1%.

Noong Miyerkules, February 18, umabante ang Sang’gre na 10.7%.

Ang Batang Quiapo ay 8.4%, at ang Totoy Bato ay 0.8%.

Sumunod ang Never Say Die na 7.4%; ang Roja ay 4.6%, at ang What Lies Beneath ay 1.9%.

Read: Boots Anson Roa-Rodrigo reveals convo with husband about their funeral plans

JERRY OLEA

Napag-alaman ng PEP Troika na meron pa raw bagong karakter na ipapasok sa Sang’gre: Encantadia Chronicles.

Sikat ito lalo na sa masa, at ngayon pa lamang siya sasabak sa pag-arte.

Ang naulinigan natin ay hanggang Abril ang Sang’gre. If ever, mae-extend kaya itong muli kung patuloy ang pamamayagpag sa TV ratings?

Ang FPJ’s Batang Quiapo ay nagdiwang ng third anniversary noong Pebrero 13. Mukhang magtatagal pa ito.

Parehong sa Marso magtatapos ang What Lies Beneath at Roja.

ALTERNATE ENDING OF THE ALIBI ON FREE TV

Nagpa-presscon na ang ABS-CBN para sa The Alibi: Ang Buong Katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Interesting panoorin ang mga dagdag na eksena.

Naipalabas na ito sa Amazon Prime Video, kung saan sa ending ay nabunyag na si Matthew Cabrera (Rafael Rosell) ang pumatay kay Walter Cunanan (Sam Milby).

Namatay sina Matthew at Vincent Cabrera (Paulo Avelino).

Nakulong si Jaqueline Cabrera (Zsa Zsa Padilla), at naging paralisado si Arthur Cabrera (John Arcilla).

Ano kaya ang alternate ending sa “Ang Buong Katotohanan” version?

Nakakapanghinayang naman ang Totoy Bato ng TV5 dahil hindi na ito nakalaban sa Game of Ratings. Halos hindi man lang nakasampa sa 1 percent ang rating.

Kailan kaya magkakaroon ng bagong serye ang Kapatid network?

Ayon sa isang Kapatid insider ay third week of March pa ang umpisa ng taping ng The Kingdom: Magkabilang Mundo.

Totoo bang mag-i-streaming din dapat ito sa Netflix?

May agam-agam ang iba na baka maudlot ang The Kingdom: Magkabilang Mundo dahil sa laki ng production budget nito.

Read: Paulo Avelino, Kim Chiu evasive about their real score

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Vergara and Princess Aliyah make major sacrifices for the first four housemates to enter the Final 8 of PB: Celebrity Collab Edition 2.0. But will their efforts be enough to secure public votes and earn a spot at the Big Night?
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results