JERRY OLEA
Uminit ang ulo ni Wilma Doesnt kay Alvin Aragon.
Kahapon, Pebrero 18, 2026, Ash Wednesday, ay viral sa X (dating Twitter) ang pag-call out ni Wilma sa StarStruck Avenger na husband ng dating SexBomb Girls member na si Izzy Trazona.
Napahagikgik si Wilma bago nagturan: “Alam mo, isinuot ko pa naman itong perlas ni Lucy Torres at para sabihin niya sa iyo na, ‘Kuya, gising-gising tayo sa katotohanan.’ Di ba?
“Ang isang tao, pag mahal mo, mahal mo. Hindi mo puwedeng baguhin.
“At saka, Kuya, yang mga sinasabi mo diyan, hindi mo pupuwedeng i-impose sa asawa ko yan.
“Papaano na ako magpapanti-panty-han? E, kaligayahan ko iyon!"
Ang tinutukoy rito ni Wilma ay ang dating pahayag ni Alvin tungkol sa mga nanay na hindi nagsusuot ng bra at ng maiikling shorts o damit kahit nasa bahay lang, lalo na ang mga may anak na batang lalaki dahil nabibigyan daw ito ng malisya.
Pagpapatuloy ng model-actress: “So, yung amats mo, OK lang naman yan na inamats mo yung Bible. Wala naman kaming isyu diyan.
“Kasi nung nagdodroga ka nga, hindi ka nga namin jinudge, e. Tapos ngayon na nagbago ka, lahat kami, jinudge mo? Di ba?
“‘Ay! Siya lang ang tropa ni Papa Jesus? Kaming lahat dito, hindi kami?’”
Read: Alvin Aragon calls out Alex, Sunshine over SexBomb reunion
WILMA DOESNT TO ALVIN ARAGON: "IKAW KAYA I-TRY MO MAGSUOT KA NG BRA."
Natawa muli si Wilma bago nagpatuloy, “Kuya, OK lang yan. Alam mo, hindi nakakatulong sa pagkatao mo yang mga sinasabi mo.
“Marami din akong kaibigan na nagdroga, nagbago, hindi naman ganyan ang opinyon nila. O baka hindi nila inamats yung Bible.
“At saka yung sasabihin mo na, ‘Kung kayo, mga nanay, may mga maliliit kayong anak, dapat pag nasa bahay kayo, huwag [sic] kayong magsuot ng bra.’
“Kuya, alam mo, ang dali mong sabihin yan. Dahil hindi ka nanay.
“Ikaw kaya i-try mo magsuot ka ng bra. Yung maghapon lang, ha, for one week. The whole week magsuot ka ng bra para alam mo iyung feeling ng naka-bra. Tama?”
Nanggigil daw si Wilma kay “Kuya” dahil sa pinagsasabi nitong kung anu-ano.
Read: StarStruck alum Alvin Aragon draws backlash over anti-gay remark
GORGY RULA
Sa nakaraang Chinese New Year celebration ng Beautederm na dinaluhan ng dating SexBomb member na si Sunshine Garcia, kinuyog din ito ng ilang bloggers para hingan ng pahayag kaugnay sa mainit pa ring isyu nina Alvin Aragon at Izzy Trazona.
Sabi na lang ni Sunshine: “Ayoko na mag-comment. Kasi sabi nga ng asawa ko, huwag na natin patulan.
“Maraming dapat asikasuhin, problemahin, solusyunan na hindi naman kailangan. Kumbaga, ibigay na natin sa kanila yun.
“Kung sinabi nila yun… kumbaga, personal na opinyon nila. Wala na tayong magagawa dun. Magrespetuhan na lang tayo.
“Ayoko din magsalita nang hindi maganda, kasi ayoko rin makasakit ng ibang tao.
“Siyempre iba yung ano niya, iba yung opinyon ko. Para mawala na lang yung isyu.
“Kasi kawawa din yung pamilya nila actually. May bata, nandiyan si Izzy. So, huwag na lang.”
Read: Sunshine Garcia prays for Izzy and Alvin amid controversy
Sa totoo lang, mas pinag-uusapan ngayon si Alvin Aragon, at hindi niya ito na-experience nung sumali siya sa unang season ng StarStruck (Oktubre 2003-Pebrero 2004) kung saan siya agad ang unang natanggal.
Hanggang sa nag-artista siya ay hindi niya naranasang nag-trending.
As we write this ay trending pa rin sa X si Alvin Aragon, pati ang hanash ni Wilma Doesnt.
NOEL FERRER
Kaugnay sa mga pahayag ni Alvin Aragon, nag-post sa Facebook ang Kapuso headwriter/creative consultant na si Suzette Doctolero.
Ani Suzette: “Huwag nating idaan sa relihiyon ang pagiging controlling and manipulative.
“Hindi sex o libog ang hanap ng mga nanood sa Sexbomb concert. Ano mapala ng mga libo libong bading, mga bata at babae na nanood?
"Aliw, nostalgia, relatability, makalimot sa toxic na mga issue at problema, at simbolo ng kabataan nila ang Sexbomb girls.
“Sorry, opinyon lang. Mema lang. Masama ang gising.”
Read: Celebrities react to Alvin Aragon’s controversial religious stand
