GORGY RULA
May bagong feature ngayon ang CinePop kung saan inilalahad nila ang makulay na kuwento ng mga artist ng naturang mobile entertainment app.
Ang una nilang isinalang ay ang kuwento ni Vanessa Cayco na lumaki raw sa squatters' area ng Valenzuela City.
"Mahirap pa sa daga" ang pagsasalarawan ni Vanessa ng buhay niya.
Nakatira raw sila sa isang barung-barong, malapit sa kanal at walang banyo.
Kumukuha raw sila tubig sa nagli-leak na tubo sa may kalsada.
“Wala kaming toilet actually,” sabi ni Vanessa.
Read: StarStruck alum Alvin Aragon draws backlash over anti-gay remark
"FLYING SAUCER"
Hindi namin mailarawan kung gaano kahirap ang pang-araw araw na gawain nila na walang palikuran.
Doon namin narinig ang terminong “flying saucer” na ginagamit nila.
Ani Vanessa: “Ano nun, di ba, may plastic? Kahit anong plastic lang, pag bumibili si Papa ng bigas, ayun nagdumi kami, ganun.
“Tapos flying saucer, hinahagis namin sa kanal ganun. Kasi wala kaming toilet, e, no choice.
“May ano kami… may CR, pero alam niyo yung tubo lang. Yung tubo na bilog, e, minsan hindi ko ma-shoot.
“Kaso hindi ko minsan makita… maliit lang. Butas lang kasi siya kaya ganun. Kaya minsan mas okay na plastic. Sobrang hirap,” lahad ni Vanessa.
Kinuwento rin niya kung paano sila kumukuha ng tubig na ginagamit nila sa pagluluto at pag-inom.
“Yung tubig nga namin... alam mo yung ano lang, sa kalsada. Sinasala namin yung tubig namin before.
“Kaya sa umaga, hindi talaga ako mahilig maligo kasi super lamig.
“Iyon na yung iniinom namin saka yung pinapanliligo namin.
“Palagay ko nga matibay na yung sikmura ko sa mga micro ano na yan, e… virus hahaha! So wala, hindi na ako tinatablan talaga.”
Ilan lamang ito sa nakakawindang na five-part interview sa Explicit Story of Vanessa Cayco na mapapanood sa pay-per-view ng CinePop.
Read: Top Suzara reveals Jinky Vidal not allowed to sing Freestyle songs
NOEL FERRER
Sa kabila ng kahirapang pinagdaanan ni Vanessa Cayco, sinikap pa rin daw niyang makapag-aral.
Nairaos daw niya ang high school na madalas ay wala siyang baon.
“So pag papasok ako sa school, tinatanong ng mga kaklase ko, ano yung nasa ilong ko. Kasi nga ano… may itim siya.
“Kasi hindi ko nakikita yun, kasi madilim sa bahay. Gasera lang kami. Maaga yung pasok ko sa school, ganun.
“And then, yung uniform ko, parang hahabulin na ako ng plantsa kasi lukut-lukot siya.
“Tapos yung sapatos ko, yun bigay lang actually ng pinsan ko na pinaglumaan na. Nagsalita na, nakabuka na siya.”
Natapos ni Vanessa ang high school sa tulong ng teacher niyang nagpatira sa kanilang bahay.
Nung nakita ng teacher niyang mahirap ang kalagayan nito, pinatira raw siya sa bahay nito hanggang sa nakapagtapos siya ng high school.

VANESSA CAYCO'S "SPONSOR"
Sumunod naman niyang problema ang pagpapatuloy ng college.
May nakilala raw si Vanessa na matandang may-ari ng isang pawnshop at yun ang tumulong para maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral.
Inilipat pa raw sila sa maayos na bahay.
Doon daw niya na-experience ang kumain sa mga fastfood chain gaya ng Jollibee at McDonalds.
“And then, ayun na, pinag-aral niya ako. Pinag-aral niya ako ng college sa may STI Meycauyan.
“Yung grade ko actually, puro palakol. Ayan! Hindi ako proud dun, pero wala, ganun talaga, e.
“Ano talaga ako sa school, e, kulelat talaga e,” patuloy na kuwento ni Vanessa.
Idinetalye ni Vanessa kung ano ang ginagawa sa kanya ng matandang nagpaaral sa kanya, pero pinili naming huwag na lang itong isulat.
Seventeen years old pa lamang daw siya noon.
Read: Catriona Gray breaks silence on canceled engagement to Sam Milby
JERRY OLEA
Sa sumunod na bahagi ng interview, ibinahagi ni Vanessa na sinadya niyang magpabuntis sa dati niyang kaklase para hindi maipakasal sa matandang Hapon.
Disiotso anyos pa lang daw siya noon at wala siyang kamuwang-muwang sa pag-aasawa.
May ipinakilala raw sa kanya ang kaibigan niya na isang matandang Hapon, at gusto raw siyang asawahin nito.
Pumayag daw ang nanay niya, kahit wala pa sa isip niyang mag-asawa.
Doon na raw siya nagrebelde at niyaya ang dating kaklase na buntisin siya.
Salaysay ni Vanessa: “Nung narinig ko yun, tapos parang kailangan ko na mag-sign, ganito-ganyan na usapan nila na papakasal na ako ganyan, pagtuntong ko ng 18, nagrebelde ako.
“So, nandun ako na kinausap yung kaklase ko ng college. Sabi ko sa kanya na anakan niya ako.
“Virgin pa ako nun. So, siya yung naka-‘virgin’ sa akin. Tapos, dinala niya ako sa Lagro. Dun sa amin may nangyari.”
Nabuntis siya at doon siya nagkaroon ng anak sa dati niyang kaklase na minahal naman daw niya.
Kahit napakahirap ng mga pinagdaanan ni Vanessa, napanatili pa rin niyang maganda at makinis.
Kaagad siyang kinuha ng CinePop.
Nagbida siya mga series na Secret Confessions: Hipag, Ang Kuwento ni Mrs. Ramos, No Label, at Katas ng Cruise Ship.
Read: Bea Alonzo forgives Cristy, two co-accused in cyber libel case
