PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ASAP Family Band, nabuo sa birthday ni Martin; Gary V, di kasama

Gary V, bakit hindi kasama sa ASAP Family Band?
by PEP Troika
Published Feb 15, 2026
asap damily band
ASAP Family Band: (Top, from left) Darren; saxophone; Martin Nievera, vocals; Ogie Alcasid, bass guitar; Louie Ocampo, musical director and keyboards; (bottom from left) Khimo Gumatay, trumpet; backup singers Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Erik Santos, Yeng Constantino, and Regine Velasquez; and Nyoy Volante, drums.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment YouTube

GORGY RULA

Ang ganda ng 64th birthday celebration ni Martin Nievera sa ASAP Natin ‘To ngayong Linggo, February 15, 2026.

Nakakatuwa ang birthday gift na inihanda ng mga kasamahan niya sa Kapamilya musical-variety show.

Pinagsama-sama ang magagaling na Kapamilya artists at A-list singers, para mag-backup kay Martin.

Read: Top Suzara says Jinky Vidal not allowed to sing Freestyle songs

Nabuo ang ASAP Family band na pinangunahan ni Louie Ocampo bilang musical director.

Bigatin ang mga miyembro ng bandang ito.

Si Martin ang lead vocalist bilang siya ang nagdiriwang ng kaarawan.

Si Louie ang nasa keyboards, si Ogie Alcasid ang bass guitar, si Darren Espanto ang saxophone, si Nyoy Volante ang drums, at si Khimo Gumatay ang trumpet.

asap family band
The ASAP Family Band: Darren Espanto, Khimo Gumatay, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Louie Ocmapo, and Nyoy Volante
Photo/s: ABS-CBN Entertainment YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matindi rin ang back-up singers na sina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Yeng Constantino, at Angeline Quinto.

asap natin to backup singers
The ASAP Family Band back-up singers: (from left) Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Erik Santos, Yeng Constantino, and Regine Velasquez.
Photo/s: ABS-CBN Entertainment YouTube

Napakagandang ideya nito na ngayon lang namin napanood sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“For all of us, this is gonna be a start of something new!” bulalas ni Martin pagkatapos ng kanilang production number.

Read: Catriona Gray breaks silence on canceled engagement to Sam Milby

WHY IS GARY V. NOT PART OF THE ASAP FAMILY BAND?

Habang nagpe-perform sila, isa lang ang hinahanap namin: bakit wala si Gary Valenciano?

Tinawag ni Martin si Gary V bilang manager daw ng grupo. Ang akala ko tuloy, ideya ni Gary V kaya nabuo itong ASAP Family band.

Nagtanung-tanong ako kung paano ito nabuo. Hindi raw ito ideya ni Mr. Pure Energy.

Hindi raw nila alam kung ano ang dahilan bakit hindi kasama si Gary sa banda.

Naintriga ako sa pag-iwas sa pangungulit ko. Hindi talaga nasagot kung bakit hindi kasali si Gary V sa ASAP Family band.

“Sana all!” sabi pa ni Gary V nang umakyat siya sa stage para batiin na si Martin.

gary v martin nievera asap natin to
Gary Valenciano and Martin Nievera
Photo/s: ABS-CBN Entertainment YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Pareho tayo ng tanong, kapatid! Napa-post pa nga ako kasi talagang milestone TV moment ito.

Kasi, ang birthday ni Martin Nievera ay birthday/anniversary rin ng ASAP. Dahil birthday niya mismo ang aming unang telecast 31 years ago.

Sabi ko nga, SANA ALL.

Sana, lahat sila kasali kasi ang ganda na kung sino ang may okasyon, nandoon lahat silang nakasuporta.

Ako, sayang lang.

Missed opportunity ang hindi pagkakasama ni Sir Gary V, na kundi man siya nag-play ng instrument — na marunong din siya talaga, ha — ay puwedeng nakipag-backup din siya like the other ASAP A-listers.

Yun lang naman.

Read: Martin at Pops, emotional sa mensahe ni Mr. M sa ASAP 30th anniv

JERRY OLEA

Ka-birthday ni Martin Nievera ang ASAP o All-Star Sunday Afternoon Party.

Pebrero 5, 1962 isinilang si Martin, kaya 64 years old na siya.

Nag-pilot ang ASAP noong Pebrero 5, 1995.

Maliban kay Martin, OG hosts nito sina Pops Fernandez, Ariel Rivera, at Dayanara Torres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post si Martin sa Instagram ng pasasalamat sa mga katuwang niya sa heartfelt celebration.

Bahagi ng IG post ni Concert King: “When your friends go out of their way and go above and beyond to learn a song, the voicing, learning an instrument, spending hours rehearsing & recording, leaving ego and their own busy schedules behind just to give someone like me a birthday I will never forget, one can only jump for joy in complete gratefulness.

“I am humbled and amazed by the love I feel today…”

View this post on Instagram

A post shared by ASAP (@asapofficial)

Inaasam natin na matuloy ang concert kung saan sanib-puwersa sina Martin, Gary Valenciano, at Ogie Alcasid!

Read: Priscilla Meirelles reveals she and John Estrada are now divorced

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ASAP Family Band: (Top, from left) Darren; saxophone; Martin Nievera, vocals; Ogie Alcasid, bass guitar; Louie Ocampo, musical director and keyboards; (bottom from left) Khimo Gumatay, trumpet; backup singers Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Erik Santos, Yeng Constantino, and Regine Velasquez; and Nyoy Volante, drums.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results