GORGY RULA:
Love-laban?! Tuloy pa pala ang magandang pagtitinginan at matamis na pagtatawagan ng astig na government official at seksing TV personality?!
Buong akala namin ay itinigil na nila ang namamagitan sa kanila matapos mabuking ng mga uzi at dalahira. Nag-lie low for a while ang kanilang romantic liaison.
Pero sadya yatang passionate ang feelings nila for each other. Hindi maawat, hinahanap ng himaymay ng laman, kumikibot kahit pilit na iwinawaksi. Marupok!
Ewan kung tino-tolerate ito ng misis ni astig na government official.
SEXY TV PERSONALITY AND THE LONG-DISTANCE PHONE CALL
Ayon sa unimpeachable source ng PEP Troika, madalas ang pagtatawagan nowadays nina astig na government official at seksing TV personality.
Kasama recently si seksing TV personality sa isang event sa abroad, kunsaan nakasabay nito ang ilang taga-media.
Narinig ng isang mga kasama namin ang pagtawag ni government official kay seksing TV personality, at nakakalanggam daw ang kanilang talastasan.
Parang proud pa si seksing TV personality sa pagtawag sa kanya ni astig na government official. Nakaka-L! As in NKKLK!
JERRY OLEA:
Sadyang mahalimuyak ang seksing TV personality. Hindi rin maikakailang matikas ang astig na government official, kahit malapit-lapit na itong maging senior citizen.
Kung wagas na pag-irog o mainit na "L" lamang ang lumukob sa kanila, panahon ang makapagsasabi.
Minsan ay nagwika ang misis ni government official na huwag na huwag magkakamali ang seksing TV personality na tumapak sa kanyang teritoryo kung ayaw nitong maghalo ang balat sa tinalupan.
NOEL FERRER:
Hindi lang sa seksing TV personality nabalita itong si astig na government official kundi pati na sa isang kahali-halinang singer-actress.
Parang kalakaran na sa kanila ang ganitong masalimuot na relasyon. At may pamilya ito, ha!
Tanong lang: hindi ba ito isang uri rin ng pandaraya o pagchi-cheat? Iba talaga kung nasa poder, ano? Paano kaya mapagkakatiwalaan ang mga ganito?
