PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga rigodon sa loveteams; Karla, boto kaya sa Lella-Joaquin?

Karla Estrada, pag-uusapan pa ang loveteam ni Lella after PBB.
by PEP Troika
Published Feb 14, 2026
Mga rigodon sa loveteams ng KathNiel at JaDine; Karla Estrada, boto ba sa Lella-Joaquin?
Mga rigodon sa loveteams: Kathryn Bernardo napunta kay James Reid, Nadine Lustre katambal ni Alden Richards, PBB Celebrity Collab 2.0, may bagong loveteams. Makikita sa mga litrato (L-R) sina Kathryn at James, Joaquin Arce at Lella Ford, at sina Nadine at Alden.
PHOTO/S: Star Cinema / ASAP / Dreamscape

JERRY OLEA:

Parang kailan lang, ang apat na sikat na loveteams sa local showbiz ay AlDub (Alden Richards at Yaya Dub aka Maine Mendoza), KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil), at JaDine (James Reid at Nadine Lustre).

Wasak na ang mga tambalang iyan at ewan kung kailan magre-reunion.

LOVETEAMS NA NABUO AT NAGHIWALAY

Nagpa-manage si Liza kay James, pero naghiwalay rin sila ng landas bilang talent-manager.

Nabuo ang KathDen tandem sa pelikulang Hello, Love, Goodbye (2019), na nagkaroon ng sequel na Hello, Love, Again (2024). Itong Hello, Love, Again ang unang major co-production ng Star Cinema at GMA Pictures. Hopia, asado, at expectorant ang ardent fans ng kanilang team-up na may follow-up project muli ang KathDen, pero sa ngayon ay malabo pa iyon.

Sanib-puwersa sina Kathryn at James sa seryeng Someone, Someday na mag-i-streaming sa Netflix this year.

Magkatambal naman sina Alden at Nadine sa 26-episode series na Love, Siargao para sa Viu, na ngayong 2026 din matutunghayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Enrique ay katambal ni Andrea Brillantes sa seryeng A Secret in Prague, na ipapalabas ngayong taon sa TV5.

Lumabas si Liza Soberano sa American horror comedy na Lisa Frankenstein, na ipinalabas sa mga sinehan ng U.S. noong Pebrero 9, 2024. Certified flop ito.

Noong Enero 21, 2026 nag-streaming sa Netflix Philippines ang Liza Frankenstein. As of February 14, Valentine’s Day, hindi pa iyon pumapasok sa talaan ng Top 10 Movies ng Netflix PH.

Ngayong Araw ng mga Puso, inaasahan nating maligaya si Maine sa piling ng husband niyang si Cong. Arjo Atayde.

Si Daniel ay meron nang Kaila Estrada na co-star sa Incognito. Si Kathryn ay nali-link kay Lucena City Mayor Mark Alcala.

Si James ay merong Issa Pressman. Si Nadine ay merong Christophe Bariou.

Teka, may nagdiriwang pa ba ng AlDub weeksary kung Huwebes?! Marami pang mga kuwento ng loveteam na nabuo at nawasak sa local showbiz.

Nag-viral noong first week of January 2026 ang blind item na kesyo maghihiwalay na ang isang power couple sa showbiz, pero heto’t dumating na ang Araw ng mga Puso ay wala pang ganoong payanig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa PEP Troika, hangad naming maging makabuluhan at mapagpalaya ang inyong Valentine’s Day!

Read: Top Suzara says Jinky Vidal not allowed to sing Freestyle songs

GORGY RULA:

Masasabi sigurong nalagpasan na nila iyang pagla-loveteam na sinasabi naman ng karamihan na pinagdadaanan iyan ng karamihan sa mga nagsipagsikat na artista.

Pagkatapos ng loveteam ay hindi naman ibig sabihin tapos na ang karera ng isang artista. Wala na iyung KathNiel, pero nandiyan pa si Kathryn na dumaan sa ibang ka-loveteam.

Ngayon ay panibagong challenge itong sa kanila ni James Reid, pero hindi na loveteam dito ang papanoorin kundi ang ganda ng teleseryeng ginawa nila.

DANIEL PADILLA SOLO CAREER

Si Daniel ay tinatahak na ang action na napatunayan na niya sa Incognito.

Sabi ng ina niyang si Karla Estrada sa launching ng endorsement niyang W Express Ph, marami pang ipapakita ang anak niya na ikatutuwa natin lahat.

Ani Kargo Kween Karla, “Sobrang saya ko para kay Daniel. Kasi, hindi lahat makaka-recover dun sa mga pinagdaanan niya. Dahil hindi pa ito panahon para mawala ang isang Daniel Padilla.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Marami pa siyang patutunayan, marami pa siyang gagawin, marami pa siyang ipapakita sa atin lahat na nag-e-enjoy tayo panoorin at magiging proud tayo bilang Pilipino.”

May nabuo ring nakakakilig na loveteam sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0. Tingnan natin kung eepek ba ang tambalang CapEath nina Caprice Cayetano at Heath Jornales.

Sa PBB nung Biyernes ng gabi ay tuwang-tuwa si Gladys Reyes na guest nila nang magpakilig sina Caprice at Heath.

Tingnan din natin kung mabubuo ba ang LelQuin loveteam nina Lella Ford at Joaquin Arce. Nagpakita ng closeness ang dalawang ito sa Bahay ni Kuya dahil magkaibigan daw talaga sila bago sila pumasok sa PBB. Pero nakitaan ng chemistry ang dalawa.

KARLA ESTRADA ON LELLA-JOAQUIN

Proud din si Karla sa anak na si Lella dahil sa inabot na nito ang Big Night na hindi pa nakatikim ng nomination.

Pero pagdating sa posibleng loveteam nina Lella at Joaquin, pag-uusapan pa raw nila ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yan ang pag-uusapan namin tungkol sa pag-loveteam niya. But of course, bilang artista, maintindihan niya lahat yun. Kasama yun sa karera dito sa industriya.

“Yes! As long as maayos lahat, maganda yung samahan, magkakahilahan pataas na talagang makakagawa ng magagandang pelikula na inspirational, hindi lang yung masabi lang na may loveteam di ba? Okay ako!

“Yan yung nakiktia natin… kung nakikita natin kung may chemistry, oo,” saad ni Karla.

Read: Carlo Aquino steps away from “suplado” era; learns to open up

NOEL FERRER:

Ang sabi ng American poet, essayist ang philosopher na si Henry David Thoreau (1817-1862), “There is no remedy for love but to love more.”

Sa Kapamilya afternoon series na Kadenang Ginto (2018-2020) nabuo ang loveteams na SethDrea nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes, at KyCine nina Kyle Echarri at Francine Diaz.

Gold Squad ang SethDrea at KyCine, pero nabuwag din ang mga tambalang iyan.

Rumatsada ang FranSeth tandem nina Francine at Seth sa seryeng Dirty Linen (Enero-Agosto 2023), na nasundan ng pelikulang My Future You (MMFF 2024), seryeng Sins of the Father (Hunyo-Nobyembre 2025), at pelikulang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins (MMFF 2025).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkani-kanya ng landas sina Kyle at Andrea.

Siyanga pala, napanood ko na ang Valentine movie nina Anne Curtis at Jericho Rales na The Loved One, directed by Irene Emma Villamor.

May may complexity somehow ito than Direk Irene’s recent work, as it analyzes the disparity of values and concerns of different (age) individuals.

Na-appreciate ko ang rigor ng editing, cinematography, at production design. Tinanggap ko na lang na iba talaga ang concerns na nire-represent ni Anne sa pelikula.

Iba na talaga ang mindset at pagpapakita ng pagmamahal ng henerasyon ngayon. That made the movie interesting, and kinda disturbing, too. Sana, mas kumita pa ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mga rigodon sa loveteams: Kathryn Bernardo napunta kay James Reid, Nadine Lustre katambal ni Alden Richards, PBB Celebrity Collab 2.0, may bagong loveteams. Makikita sa mga litrato (L-R) sina Kathryn at James, Joaquin Arce at Lella Ford, at sina Nadine at Alden.
PHOTO/S: Star Cinema / ASAP / Dreamscape
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results