GORGY RULA
May lumabas na ratings ng FPJ’s Batang Quiapo na base raw sa NUTAM People Ratings.
Aggregated ratings daw iyon noong Biyernes, January 2, 2026, mula sa A2Z, Kapamilya Channel, at sa AllTV.
Ang sabi, naka-7.3% daw ang Batang Quiapo, at ang Sang’gre ng GMA-7 ay 7.5%.
Ang Totoy Bato naman ng TV5 ay naka-3.8% daw.
Read: PEP Troika's Choice: Best Performances in Supporting Roles of 2025
RATINGS FROM RELIABLE SOURCES
Ayon sa napagtanungan ng PEP Troika mula sa ilang reliable sources, hindi nila alam kung ano ang source ng lumabas na ratings.
Ang lumabas na 7.5% na rating ng Sang’gre ay sa GMA-7 lang daw. Wala pa yung sa GTV.
Kung idadagdag pa yung sa GTV na 1.1%, bale 8.6% ang aggregated ratings ng Sang’gre.

Base sa aggregated ratings ng Batang Quiapo nung araw na yun, mula sa Kapamilya Channel at A2Z, 5.6% lang ito.
Sa AllTV ay naka-1.1% ang primetime series ni Coco Martin, pero hindi naka-subscribe sa Nielsen ang network.
Kung idadagdag pa ito, bale 6.7 percent lang ang Batang Quiapo.

Kaya tinatanong nila: saan nakuha ang naka-post na 7.3%?
Noong araw na yun ay naka-3.9% ang Totoy Bato. Ang sumunod na Sanggang Dikit ay 6.7%.
Ang Roja ay 3.3%, at ang What Lies Beneath naman ay 2%.

JANUARY 5, 2026 RATINGS
Noong Lunes, January 5, ay tumaas ang Sang’gre sa 9.5%.
Ang Batang Quiapo ay 6.4%, at ang Totoy Bato ay 2.8%.
Ang Roja ay 3.6%, at ang Cinecinco Prime (Penduko starring Matteo Guidicelli) ng TV5 ay 1.2%.
Ang Sanggang Dikit sa GMA-7 ay 6.6%, at ang What Lies Beneath ay 1.6%.
Sa totoo lang, magmula pa noong December ay mababa pa rin talaga ang viewership ng mga programa sa telebisyon.
Kaya ang ibang programa ay nagre-replay na lang.
Read: PEP Troika's Choice: Most Noteworthy Lead Performances of 2025
NOEL FERRER
Ang bongga rin ng ASAP Natin ‘To na live noong Linggo, January 4, 2026.
Star-studded ito ng Kapamilya artists.
Nagdiwang ng 60th birthday si Megastar Sharon Cuneta kasama sina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Kiko Pangilinan, at Homer Flores.
Exceptional ang performance nina Bituin Escalante, Jed Madela, Nyoy Volante, Sofronio Vasquez, Angeline Quinto, at Kai Montinola.
Andiyan din sina Erik Santos, Yeng Constantino, KZ Tandingan, Belle Mariano, AC Bonifacio, Darren, Kyle Echarri, Robi Domingo, Jona, Alexa Ilacad, Kai Montinola, Gela Atayde, Ice Seguerra, Jameson Blake, ASAP Chorale, G-Force, Ignite, Legit Status, at iba pa.
Pero mababa talaga ang ratings ng ASAP Natin 'To. Naka-0.8% lang ito.

Ang All-Out Sundays naman ay 2.4%.
Mukhang mas pinanood ang ASAP Natin 'To online, dahil nag-trending pa ito sa X noong araw na yun.
Mababa na rin ang mga kasunod na programa.
Ang Regal Studio Presents ay 2.1%, at ang sa TV5 na Presinto 5 ay 1.1%.
Sumunod ang Resibo na 2.5%, at ang FPJ Sa GMA ay 2.5% din.
Ganundin ang PBA sa RPTV na naka-2.5%. Ang Tulfo naman ay 1.1%, at ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0 ay 6.3%.
Ang Rainbow Rumble ay 1.7%, at ang Bubble Gang naman ay 7.6%.
Ang taas pa nga ng PBA sa RPTV na naka-3.4%, at ang Your Face Sounds Familiar ay 1.6%.
JANUARY 2, 2026 RATINGS
Samantala, may nakuha kaming ratings ng lahat na channel sa buong araw ng Biyernes, January 2.
Mababa talaga ang viewership, na kung saan naka-9% lang ang lahat na channels.
Ang GMA 7 ay 3.7%, ang TV5 ay 1.3%, ang A2Z ay 0.7%, at ang 7:00 ng umaga hanggang 11:15 ng gabi sa A2Z ay 0.8%.
Ang GTV ay 0.7%, ang I Heart Movies ay 0.5%, ang Kapamilya Channel ay 0.3%, ang RPTV at Heart of Asia ay 0.2%, ang One Sports ay Cinemo ay 0.1%, at ang iba pang channels (kabilang na rito ang AllTV) ay 1.2%.
Read: PEP Troika’s Choice: Most Noteworthy Films of 2025
JERRY OLEA
Nakakadismaya rin ang mababang viewership sa panghapong timeslot.
Noong Biyernes, January 2, ay 4.3% lamang ang It’s Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 3.2%.
Ang Hating Kapatid ay 5%. Ang Cruz vs. Cruz naman ay 5.4%, ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3.2%.

Sumunod ang replay na Unica Hija na naka-3.2%, at ang You Are My Make-up Artist ay 2.5%.
Ang Family Feud na replay ay 7.3%.
Noong Lunes, January 5, ay mas bumaba pa ang ratings ng ibang programa sa hapon.
Ang It’s Showtime ay 3.8%, at ang Eat Bulaga! ay 3.1%.
Sumunod ang Hating Kapatid na 4.9%. Ang Cruz vs. Cruz na magtatapos na ay 5.5%, at ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3.7%.
Ang replay na Unica Hija ay 3.3%, at ang pilot episode ng Delightfully ay 2.3%.
Nag-replay uli ang Family Feud na naka-7.2%.
Read: Hubadero 2025 4Q: The men who heated up the last quarter of 2025
