PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rocco, malaking tulong ang pagiging nurse sa pagbubuntis ng misis

Rocco at Melissa, balak pang dagdagan ang kanilang magiging anak.
by PEP Troika
Published Dec 31, 2025
rocco nacino melissa gohing pregnancy
Former volleyball player Melissa Gohing is grateful to her husband, actor and registered nurse Rocco Nacino, for caring for her throughout her pregnancy.
PHOTO/S: Ermarc Baltazar

GORGY RULA

Kasama ni Rocco Nacino ang misis niyang si Melissa Gohing sa Gabi ng Parangal ng 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa Dusit Thani Hotel, Makati City, noong Sabado, December 27, 2025.

Malaki na ang tiyan ni Melissa, na buntis sa ikalawang baby boy nila ng Kapuso actor.

Sa March 2026 na raw ang due nito at puwede pang sumabay sa kaarawan ni Rocco sa March 21.

Read: Meet the newbies and young standouts of MMFF 2025

Ayon kay Melissa, may limang pangalan silang pinagpipilian para sa kanilang second baby.

Nabago raw ang plano nang nalaman nilang baby boy muli ang ipinagbubuntis ni Melissa.

Kuwento ni Rocco, “Akala namin, girl. Girl naka-ready, nalaman namin, boy. Ay, palit-palit, change plans.”

Okay daw kay Melissa na masundan pa uli sila ng anak hangga’t magka-girl sila.

Sabi ng former volleyball player, “Okay lang, the more merrier. Five kaming magkakapatid, e, sa side ko. So, masaya na maraming kapatid.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GRATEFUL TO HAVE A REGISTERED NURSE AS HUSBAND

Hindi raw gaanong hirap ngayon si Melissa sa kanyang pagbubuntis kung ikumpara sa una.

Nagpapasalamat si Melissa kay Rocco dahil sa pagiging registered nurse ng aktor ay marunong itong mag-alaga ng baby, at kahit pati sa kanya nung nagpapagaling siya sa kanyang caesarean operation.

Kuwento niya: “CS ako, e. Pero alam mo, lagi kong ipinagmamalaki, buti na lang talaga, nurse yung asawa ko. Kasi siya talaga yung may alam sa paghawak ng baby.

“Ako, hindi ako marunong. Siya yung nag-change ng diapers, lahat. Ito, pinagsisihan ko na hindi ko siya binidyuhan sa mga ganung bagay.

“So, itong second baby, sinisigurado ko na ido-document ko na. Magaling siya mag-alaga ng baby. Kaya suwerte ako, sobra.

“Pati yung mga incisions ko sa CS, siya yung naglilinis. Kaya okay ang healing ko. Napakasuwerte ko, sa totoo lang.”

Sabi naman ni Rocco, “At least nagamit ko yung pagka-nurse ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: MMFF 2025 Gabi ng Parangal sidelights

NOEL FERRER

Nagpapasalamat si Rocco Nacino na maganda ang feedback sa pelikula nilang Bar Boys: After School.

Hindi ito nalalaglag sa Top 5 topgrossers ng walong pelikulang kalahok. Nag-post pa silang nadadagdagan pa sila ng sinehan.

Saad ni Rocco: “Ngayong marami na ang nakapanood, sila na ang gumawa ng marketing para sa amin.

“Pati kami nagugulat na sinasabi nila na, ‘O, ito yung Top 5.’ Uy, No. 1 ang Bar Boys para sa kanila.

“Parang iba yung kilig na naramdaman namin. Kaya sana madagdagan ng sinehan.”

Read: REVIEW: Bar Boys: After School is a reunion worth attending

JERRY OLEA

Proud din si Melissa Gohing sa kanyang asawa at sobrang nadala raw siya sa Bar Boys: After School.

“Grabe! Hindi ko alam. Iyak ako, tawa, tapos yung pregnancy hormones ko,” natawang pakli ni Melissa.

“Iba-iba yung emotions ko sa story. Ang daming aral kasi, very relatable talaga siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Different kinds of, you know, problems in life. Kaya may mauuwi kang lessons. Very inspiring talaga.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former volleyball player Melissa Gohing is grateful to her husband, actor and registered nurse Rocco Nacino, for caring for her throughout her pregnancy.
PHOTO/S: Ermarc Baltazar
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results