GORGY RULA
Pinanood ko ang pelikulang Rekonek sa Power Plant Mall, Rockwell Center, Makati City, noong Lunes, December 29, 2025.
Paglabas ko ng Cinema 8, may ilang grupo na naghahanda ng pa-merienda para sa susunod na screening.
May nag-sponsor pala ng block screening at papasok na ang mga manonood.
Read: Meet the newbies and young standouts of MMFF 2025
Namataan ko sa isang coffee shop malapit doon ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel. Kasama nila ang kanilang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi.
Tampok ang pamilya Legaspi sa Rekonek.
Sabi ni Carmina, basta free sila, dinadaluhan nila ang mga nagpapa-block screening, bilang pasasalamat na rin sa mga nag-sponsor nito.
“We really try to go. Kung hindi man kami, the other cast, they really try, because it’s our way of saying thank you sa mga nag-effort na magpa-block screening sa movie namin,” pakli ni Carmina.
ZOREN AND CARMINA ON GERALD AS A PRODUCER
Sabi naman ni Zoren, suporta na rin nila ito sa co-star nilang si Gerald Anderson, na isa rin sa producers ng Rekonek.
Ani Zoren: “Gusto namin magpasalamat kay Papa Gerald, yung producer namin… kay Uncle Gerald. Hehehe!
“He’s not the type na producer na bossy. Hindi mo mararamdaman na, ‘Producer ako, makinig kayo.’ Hindi.
“Na-appreciate ko talaga yung pagka-low profile niya… ano siya e, mararamdaman mo, kaibigan siya.
“Sabi ko nga, if he has the next project, I’m willing to do another project with him kasi gusto ko siya. I like the guy.”
Sabi naman ni Carmina: “Magaan siya kasama. Saka mararamdaman mo yung care. Not only sa atin, no?
“The people around him, yung talagang dun mo talaga mararamdaman yung isang pagiging producer niya. Talagang, ‘Are you okay?’
“Yung talagang, ‘Basta okay kayo, okay ako,’ parang ganun.
“Hindi mo maramdaman na he is a superstar, siya yung producer, hindi e. Kasi nga, he’s very humble, very down to earth. That’s why, we loved working with him.
“So, sana sa future projects niya, yung mahaba-haba… and sana magkita naman tayo sa pelikula.”
Magkahiwalay ang storyline ng pamilya Legaspi at ni Gerald sa Rekonek.
Read: Rey PJ Abellana, hindi raw invited sa kasal ng anak na si Carla

JERRY OLEA
Na-enjoy ng mag-asawang Zoren at Carmina ang pagsali nila sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF), dahil buong pamilya sila na magkakasama.
Na-enjoy rin daw nila ang pagdalo nila sa Gabi ng Parangal, dahil nagkaroon sila ng chance na magkita-kita ng mga taga-movie industry.
Kuwento ni Zoren: “Ang tagal na naming hindi uma-attend sa mga ganung klaseng event.
“Mahiyain kami sa mga ganun. But we decided na, 'Sige nga sa mga ganyan-ganyan, we should go.' Kasi nakaka-miss din pala.
“Marami kaming mga… you know, mga taga-pelikula, nagkakabatian, nagkukumustahan, nakaka-miss. Nagkita-kita doon.
“Okay din pala ang mga ganitong event. Kaya ngayon, nagpagawa na ako ng mga 50 pieces na coat and tie, para ready na.
“Oo! Ginaganun ko na lang sa cabinet ko.”
Napamulagat si Carmina sa biro ng asawa, “Fifty talaga?!"
Nagustuhan pa raw nila ang venue ng awards night, na ginanap sa ballroom ng Dusit Thani Hotel. Pati raw ang pagkain ay masarap.
Kaya talagang kumain muna si Zoren bago pumasok dahil alam niyang matagal ang programa. Kailangan daw may laman ang tiyan niya dahil hindi siya puwedeng magutom.
Pahayag ni Carmina: “Masaya yung gabing yun, kasi sabi ko nga, eksakto yung laki nung ballroom.
“Kasi, makikita mo yung mga kapwa-artista mo, yung mga kasamahan mo sa pelikula…
“Kaya alam mo yun, para kang nagmi-mingle, nagpa-party, kasi may pagkain, may wine.
“So, alam mo yun… for me, ha? Na parang relaxed lang siya, masaya lang.”
FRIENDLY COMPETITION
Walang napanalunan ang Rekonek sa MMFF 2025 Gabi ng Parangal, pero okay lang daw yun dahil nag-enjoy sila nung gabing yun.
Saad ni Carmina: “Masaya lahat at saka masaya kami para dun sa mga taong nanalo.
“Kasi alam naman talaga namin na deserving yung mga nanalo. At saka kung puwede nga lang, lahat panalo, e.
“Pero hindi, it’s a competition e. Na parang, wala… merong mananalo, merong matatalo.”
Sambit naman ni Zoren, “It’s a friendly competition.”
Read: Vice Ganda, Krystel Go, Manila's Finest, UnMarry big winners at MMFF 2025
NOEL FERRER
Napansin naman naming lalong gumanda si Cassy Legaspi, na sinasabi ng netizens na bagay siyang sumali sa mga beauty pageant.
Pero ayaw naman daw ng amang si Zoren.
“E, paano kung gusto ko?” bulalas ni Cassy.
“Yeah! I see a lot of comments naman. I’m not closing any doors.
"Parang slowly, parang paunti-unti, parang may interes na ako. Slowly.
"But, we’ll see, we’ll see,” napangiti niyang pakli.
Si Mavy naman ay ginu-groom sa hosting.
Nasubukan na siya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition at na-enjoy raw niya ito.
Pero gusto rin daw niyang umarte na ginagawa niya ngayon sa Kapuso afternoon drama series na Hating Kapatid.
“Mahal ko talaga yung pagiging artista, e," sabi ni Mavy.
"Pero hosting also is something na very fun, I find it very fun. And it’s always a learning experience to me.
“And when the opportunity arises naman, ahh I always accept naman and always do my best. Ayun! Both ways, but I love acting.”
Related Stories:
- REVIEW: Rekonek is a pretty fun ride
- REVIEW: Bar Boys: After School is a reunion worth attending
- REVIEW: Love You So Bad, a solid rom-com and not just fan service
- REVIEW: Unmarry is mature, sensitive look at the end of love
- REVIEW: Call Me Mother is Vice Ganda at his best
- REVIEW: Shake, Rattle & Roll: Evil Origins crackles with life and scares
