JERRY OLEA
Matindi ang balitaktakan ng mga hurado sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal.
Read: MMFF 2025 official entries: Horror, comedy, drama, thriller
Mahigit anim na oras ang kanilang deliberations noong Disyembre 27, 2025, Sabado, bago ganapin ang awards ceremony sa Dusit Thani Hotel, Makati City.
"Merong mga naging mahigpit na magkakalaban," lahad ni Gladys Reyes nang makapanayam namin matapos ang programa.
Isa si Gladys sa 14 jurors ng MMFF 2025. Ang chairman ng lupon ng inampalan ay si Dr. Clodualdo del Mundo Jr. at ang vice-chairman ay si Fr. Emmanuel “Nono” Alfonso.
Kabilang pa sa mga hurado sina Direk Jerrold Tarog, Ericson Navarro, David Angelo Vargas, Dr. Judy Taguiwalo, Prof. Anne Frances Sangil, Ricky Orellana, Nathalie Tomada, John Bryan Diamante, Alemberg Ang, Bing Advincula, at Irene Jose.
Pagpapatuloy ni Gladys: “Siyempre kailangan lang parang nag-aanuhan kami ng mga opinyon, nag-e-exchange of opinions.
"And sa deliberations, siyempre kanya-kanyang defense. Di ba? Yung dinedepensahan kung sino ang gusto nila.
"Pero it was fun, and at the same time, napakamarespeto ng bawat isa sa kanya-kanya pong opinyon.
"At siyempre, first time ko pong maging juror. And being an actor also for 42 years, doon ko lang nakita na ang hirap pala ng pinagdadaanan ng mga jury.
"Kasi ang daming magagaling. Siyempre halos lahat naman talaga sila, mahuhusay. Kaya mahirap talaga!”
Baka magtampo sa kanya ang mga kasamahan sa industriya na lotlot and friends noong gabing iyon, lalo na yung mga hindi man lang na-nominate?
Napabuntong-hininga si Gladys saka sumagot: “Medyo pagka jury ka, hindi mo na priority iyon na may magtatampo kundi kung ano yung binigay niya, kung worth it ba yun na bigyan ng parangal. Iyon ang mas naging focus namin."
NOMINEES IN ACTING CATEGORIES
Ang mga pelikula at mga artistang na-nominate sa acting categories ay ang mga sumusunod:
Para sa Call Me Mother, nominado sina Vice Ganda (best actor), Lucas Andalio (best child performer), at Nadine Lustre (best actress).
Wagi si Vice bilang best actor at si Lucas bilang best child performer.
Para sa I’mPerfect, nominado sina Krystel Go (best actress), Earl Amaba (best actor), Sylvia Sanchez (best supporting actress), Janice de Belen (best supporting actress), Joey Marquez (best supporting actor), at Zaijian Jaranilla (best supporting actor).
Wagi si Krystel bilang best actress, at may jury prize na best ensemble ang cast ng pelikula.
Para sa UnMarry, nominado sina Tom Rodriguez (best supporting actor), Zac Sibug (best supporting actor), Angelica Panganiban (best actress), Zanjoe Marudo (best actor), Eugene Domingo (best supporting actress), at Solenn Heussaff (best supporting actress).
Wagi si Tom bilang best supporting actor at si Zac bilang breakthrough performance.
Para sa Bar Boys: After School, nominado sina Odette Khan (best supporting actress), Carlo Aquino (best actor), at Will Ashley (best supporting actor).
Wagi si Odette bilang best supporting actress.
Para sa Manila’s Finest, nominado sina Piolo Pascual (best actor), Ashtine Olviga (best supporting actress), at Cedrick Juan (best supporting actor).
Para sa Love You So Bad, nominado sina Will Ashley (best actor), Bianca de Vera (best actress), at Argus Aspiras (best child performer).
Para sa Rekonek, nominado si Ellie Cruz (best child performer).
Walang na-nominate sa mga artista ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.
Read: MMFF 2025 Gabi ng Parangal: Full list of winners
NOEL FERRER
Nagkasundu-sundo ba ang jurors sa mga iboboto nila? Unanimous ba halos ang karamihan ng kanilang pasya?
Pagtatapat ni Gladys Reyes: "Sa deliberation kasi, doon ko nakita na hindi talaga namin malalaman kung sino ang final na winner.
"Pero yung nominees, doon nakikita namin, kung sino yung lalabas na mga nominees.
"And natuwa rin ako na this year—I don’t know kung past year ba, konti lang—pero as much as kung sino man yung mga deserving talagang ma-nominate, na-nominate.
"So, hindi kami nilimitahan sa tatlo lang, apat lang, o ano. Kung ilan yung deserving na ma-nominate. At siyempre botohan din naman po iyon, yun ang lumabas sa aming nominations.
"Which is sobrang natuwa ako doon. Kasi, iba rin yung binibigyan mo ng pagpapahalaga yung paghihirap ng mga nasa production, at yung mga artista at direktor."
BREAKTHROUGH PERFORMANCE FOR ZAC SIBUG
Paano pinili ang jury prize na breakthrough performance para kay Zac Sibug ng UnMarry?

“Si Zac actually, I was really impressed with his performance. First movie niya ata ito,” paliwanag ni Gladys.
"And noong pinanood ko, sabi ko, yung drama niya, effortless yung bata. Hindi dinadrama. Napakanatural!
"And iyon pala, may hugot ding sarili si Zac, ano, in real life. So akala ko, sila ni Lucas [Andalio] ang magiging mahigpit na magkatunggali sa best child performer.
"But it turns out na 14 na pala si Zac. So kaya siya ipinasok sa best supporting.
"Ngayon, mahigpit din ang laban sa best supporting, di ba? Andiyan sina Will, andiyan sina Tom nga.
"Kaya sabi namin, kung hindi mananalo si Zac doon, bibigyan namin ng breakthrough award. Because he deserves it. Mahusay ang portrayal nung bata."
LUCAS ANDALIO: RUNAWAY WINNER FOR BEST CHILD PERFORMER
Runaway winner ba si Lucas Andalio bilang best child performer para sa Call Me Mother?

"Si Lucas, parang masasabi ko, halos… yes, tama, runaway winner!" bulalas ni Gladys.
Paliwanag pa ng aktres: "Parang wala nga siyang kalaban halos. Dahil unang-una, full length iyong role ni Lucas. Bidang-bida talaga iyong bata.
"At nakita mo, at seven years old lang siya in real life, at napakahirap nung dineliver niya, di ba? Yung nire-require ng kanyang karakter."
Read: MMFF 2025 Box-Office Update: Musta ang total gross at ranking?
GORGY RULA
Ang isa pang jury prize ay best ensemble para sa I’mPerfect, na pinagbidahan nina Krystel Go at Earl Amaba na kapwa may Down Syndrome.
Kasama sa pelikula ang mga PWDS (person with Down Syndrome) din na sina Angela Batallones, Carl Garcia, Javi Sarmiento, Jonathan Tilos, Bea Mendoza, Gio Dicen, Richelle Uy, at Royce Rivera.
"Siguro naman, walang kukuwestiyon sa best ensemble," sabi ni Gladys Reyes.
"Kaming mga jurors, talagang inano namin to give it to them, the best ensemble.
"Kasi, sa totoo lang siyempre, yung challenge na mapagsama-sama mo sila, mapasunod mo sila nang sabay-sabay. Of course, may challenge na doon, ano.
"Iyon pa kayang naka-create sila ng isang magandang pelikula. Kaya they deserve it, iyong best ensemble."
Tinanghal pang best actress si Krystel; kinabog si Angelica Panganiban ng UnMarry.
Ang I’mPerfect ang tinanghal na best picture. Second best picture ang UnMarry.
Tabla bilang third best picture ang Manila’s Finest at Call Me Mother.
Nasa cast din ng I’mPerfect sina Sylvia Sanchez, Janice de Belen, Zaijian Jaranilla, Joey Marquez, Lorna Tolentino, at Tonton Gutierrez.
Inaasam ni Gladys ng panoorin ng moviegoers lahat ng kalahok sa 51st MMFF.
"Para din sila mismo, baka kung may sarili silang kuru-kuro, may sarili silang opinyon doon sa pelikula," pahayag ni Gladys.
"Saka siyempre ito na rin ang pagkakataon, sana talaga, sana bumalik na sila sa sinehan! Di ba?
"Kasi nakakalungkot minsan, yung meron kang mapupuntahang mall, may mga sinehan tapos sanay ka pag MMFF, mahaba yung pila, di ba?
"Pero pag nakita mo, hindi ganun, medyo manipis yung tao… nalulungkot ka. Kaya sana po, sa pamamagitan nito, yung mga nanalo dito… sana panoorin nila.
"At kahit naman hindi nanalo, tingnan din nila. Baka kasi sila, may sarili silang opinyon doon."
OK lang ba sa kanya na hindi na masundan ang Summer MMFF 2023, kunsaan best actress siya para sa Apag?
"Ako, parang OK lang magkaroon, OK lang din na hindi,” saad ni Gladys.
"Para ako lang ang one and only Summer MMFF best actress. So, ang sabi sa jury, ‘OK, introduce yourselves.’
"Iyon talaga ang pambungad ko, ‘I’m Gladys Reyes. I am the first and the only Summer MMFF best actress!’ Tawang-tawa sina Direk Jerrold Tarog."
Related Stories:
- REVIEW: Rekonek is a pretty fun ride
- REVIEW: Bar Boys: After School is a reunion worth attending
- REVIEW: Love You So Bad, a solid rom-com and not just fan service
- REVIEW: Unmarry is mature, sensitive look at the end of love
- REVIEW: Call Me Mother is Vice Ganda at his best
- REVIEW: Shake, Rattle & Roll: Evil Origins crackles with life and scares
